Feelings

649 16 0
                                    

"Ly!" Alyssa stopped walking sabay lingon sa tumawag sa kanya. Pati ang kasama niya sa paglalakad na si Samantha ay huminto din at lumingon.

"Den, hi." bati niya ng makalapit na ang tumawag sa kanya.

"practice natin bukas ah, may laro tayo next month eh." sabi nito.

"sige thanks for reminding me Den." naka ngiti niyang sabi dito.

"no problem. I better go. see you bukas ah. Bye din sayo Sam." sabi nito sabay kaway at nauna ng maglakad sa kanila palabas ng school.

Napangiti siya dito sabay lakad ulit.

"what time kayo ipu-pull out from class tomorrow?" biglang tanong ng kasama niya.

Medyo nakalimutan niyang kasama nga pala niya si Samantha.

"usually 2 p.m kami pinu-pull out dati eh. I don't know ngayon." sagot niya dito.

Hindi naman kasi talaga sila ganun ka close ni Samantha. They just met kasi yung mga magulang nila, batchmates nung highschool and friends na din.

Dahil um'attend ang mga ito ng reunion. Nagkita sila ulit at dun nila nalaman na kakabalik lang ng pamilya ni Sam galing sa Palawan kung san din siya nag-aral dati. Dahil dun, nag decide pareho mga magulang nila na sa iisang school nila papapasukin mga anak nila. Kaya ngayon, kasama niya si Samantha.

Two houses away lang din ang pagitan nila kaya lagi na sila magkasabay umuwi.

"hintayin kita bukas. Hindi pa din naman ako marunong sumakay mag-isa dito eh." sabi nito sa kanya na tinanguan niya naman.

"sige." sagot niya dito.

+++++

Tatlong araw na since nag start ang practice nila. Sa tatlong araw na yun, lagi siyang hinihintay ni Samantha.

Naging close na din sila kahit papaano, friendly din naman kasi si Sam at clingy din. Ilang hampas na nga nakuha niya galing dito to the point na naiisip niya kung bakit hindi sumali si Sam sa volleyball.

"Aly, tanong ko lang, may chance bang hindi straight si Sam?" tanong ng isang teammate ni Alyssa sa kanya.

Kakatapos lang ng training nila ngayon at nakaupo lang muna siya sa bench para magpahinga.

Sinundan naman niya kung nasan nakatingin ang mga mata ng kasama niya. She saw Sam sitting somewhere sa audience area, kung san siya usually nakaupo habang hinihintay siya. Sam's holding and reading a book with her eyeglasses on. Yung buhok nito nahahanginan and somehow, Samantha looked so beautiful.

"crush mo?" tanong niya sa kasama niya matapos niyang titigan din si Sam.

Ngumiti ang kasama niya sabay hawak sa batok nito at nagsalita.

"oo eh. if ever ba, pwede mo ba akong tulungan sa kanya?" sabi nito.

Somehow, that question made her feel something weird. Hindi niya alam kung ano yung weird na yun kaya binalewala niya na lang.

"sure. though I feel like straight siya." sabi niya.

"okay lang, wala namang mawawala kung ita-try ko. I have pure intentions naman din." sabi nito sabay ngiti ng tumitig ulit kay Samantha.

Tumango nalang siya sabay tingin ulit kay Sam.

"sige, una na ako. text kita mamaya about her." sabi nito sabay tapik sa kanya.

Tumango siya at huminga ng malalim. Inuhaw siya bigla.

"Ly!" tawag bigla ni Sam sa kanya kaya tumingin siya dito at nakita niyang papunta ito sa pwesto niya.

Our StoryWhere stories live. Discover now