Chapter 20

7.1K 102 0
                                    

Unedited for now

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Unedited for now.

NANG sabihin ni Don kay Clementia ang rason kung bakit dinala siya ng ina rito sa States ay hindi siya agad nag dalawang isip na sumunod sa hospital.

Hindi rin mapigilan ng dalaga ang pag tulo ng luha nito sa dalawang mata. Noong bata kasi ito ay madalas na patulugin siya nito tuwing tanghali ngunit madalas na nag kukunwari ang dalaga na tulog at tumatakas para makipaglaro sa mga batang nag lalaro sa lansangan.

Kapag nahuhuli siya nito ay hindi siya nito pinapagalitan, kundi bagkus ay ginagawan siya nito ng meryenda. Kahit 'di siya pinapagalitan nito ay madalas na umiiyak ang dalaga dahil nagi-guilty ito sa pagtakas pero kahit ganoon ay patuloy pa rin niya ito ginagawa.

Palinga-linga si Don sa kaniya habang nag da-drive ito. Papalubog na rin ang araw sa silangan na mas lalong nagpalungkot sa dalagita.

"Why they didn't tell me?" Basag na tanong ni Clementia sa pinsan. Lumingon naman ulit si Don sa kaniya.

"I thought you already knew but when I saw you getting confused earlier, I guess not."

"Hindi nila sinabi sa 'kin."

"Maybe because they don't want to worry you."

"B-but I feel shit for not knowing, Don."

"I know, I'm sorry."

"And now, Lola—" Mas lalong umiyak si Clementia ng maalala nito ang matanda. Hindi man lang niya ito nakausap sa huling pag kakataon na mas lalong nag palungkot sa dalaga.

BUMABA ng sasakyan ang dalawa nang makarating ang mga ito sa parking lot ng hospital. Dumiretso ang dalawa sa pangalawang palapag kung saan naroroon ang chapel ng hospital.

Habang papalapit ng papalapit na si Clementia sa Chapel kung saan naka burol ang lola nito ay unti-unti rin bumagal ang pag lakad nito na kinalingon ni Don.

Nakatitig lang si Clementia ng diretso sa unahan habang mabagal nag lalakad ito. Malamig din ang mga kamay nito sa kaba.

Tumulo ang luha sa kanan niyang mata habang titig na titig sa pasukan ng Chapel.

"Cece, are you okay?"

Tumango siya rito at nilingon ito. Nakagat niya ang labi sa pag pipigil ng iyak.

"Ku-Kuya." Ang tangi na lang niya nasabi rito bago siya napa-upo sa sahig at umiyak habang nakatitig pa rin sa Chapel nasa unahan nila ni Don.

Dinaluhan naman siya ni Don at niyakap siya. Kumapit si Clementia sa suot nitong damit at mahigpit na kumapit doon para kumuha ng suporta.

Makalipas ang ilang minuto ay nag desisyon nang tumayo si Clementia na inalayan naman ni Don sa pagtayo. Hinawakan din ng binata sa braso ito at sabay silang nag lakad patungo sa loob ng Chapel.

Naabutan nila ang ina at ama ni Clementia at ilang kamag anak nila. Hindi karamihan dahil ang iba ay nasa Pilipinas.

Lumingon sa gawi nila ang mga ito ng marinig ang yabag nila sa pag pasok sa sobrang tahimik sa loob.

Tumuloy sila sa unahan kung saan naroroon ang coffin ng lola ng dalaga. Binitawan na rin siya ni Don nang makaharap niya ang lola.

Ang kanina nitong namamagang mata ay nadagdagan dahil sa pag iyak niya ulit nang makita ang lola.

"I'm so-sorry po." Ang tangi na lang nasabi ni Clementia rito.

INABUTAN ni Don ng cup of coffee ang dalaga. Tinanggap naman ito ni Clementia. Umupo na rin ang binata sa tabi niya, hindi pa rin nawawala ang pamamaga ng mga mata nito.

Humigop ng mainit na kape ang dalaga pagkatapos nito ihipan.

"Do you want to sleep? I can drive you home." Saad ni Don sa kaniya.

Umiling siya rito. "I'm fine. Hindi pa ako inaantok."

"Okay, just tell me if you're tired." Tumango siya rito at humigop ulit ng kape.

Kanina ay nakausap na ni Clementia ang ama at ina nito. Humingi rin ng tawad ang mga ito na hindi sinabi sa kaniya ng mas maaga ang kalagayan ng lola nito.

Nag tataka rin ang dalaga kung bakit hindi sinabi ng ina niya sa ama ang nakita nito sa bahay ng mga Martin.

Gusto niya sana kausapin ang ina ngunit tumanggi ito at sinabi na pag uusapan nila ito sa susunod.

MAKALIPAS ang dalawang araw at bukas ay ililibing na ang lola nito. Kaya masyado ng busy ang mga kamag-anak ng dalaga.

Kasama ulit ni Clementia si Don. Yung iba kasi nilang pinsan ay nasa Pinas at isa pa ay si Don lang ang madalas niya makausap nung bata siya.

Pinatungan ni Don ng blanket si Clementia sa balikat. Kanina pa kasi ang dalaga na hindi tumatayo roon at binabantayan lang ang lola nito.

"Salamat." Pasasalamat niya rito at inayos ang pag kakalagay ng blanket sa balikat niya. Nang maayos na ay pinatong ni Clementia ay ang ulo sa balikat ni Don. Umayos naman ng upo ang binata at inakbayan si Clementia.

"Cece."

Nanigas ang dalaga nang marinig ang boses na 'yon. Hindi siya makalingon, kaya si Don na ang lumingon para sa kaniya.

"Candace." Tawag ulit sa kaniya nang hindi siya lumilingon sa mga ito. Mas lalong humigpit ang kapit ni Clementia sa blanket. Lumuwag na rin ang yakap ni Don sa kaniya at tuluyan ng tumayo ito na kinaayos niya ng upo.

"Baby."

Nanlalaki ang mata na tinitigan ni Clementia si Uno nasa harapan na niya ngayon. Nakatitig ito sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon sa kaniyang harapan.

Gusto niya kurutin ang sarili kung totoo ba ang nakikita niya o nanaginip lang ba siya ngayon.

Napansin naman iyon ni Uno, kaya mas lumapit ito sa dalaga at hinawakan ang kamay nito.

"I'm real. I'm really here. Andito kami."

"Totoo?" Naguguluhan pa rin na ani ni Clementia rito. Napalingon siya sa dalawa pa nasa gilid. Ngumiti ito sa kaniya. Binalik niya ulit ang tingin kay Uno.

"Noah?"

"Yes, baby?" Sagot nito sa kaniya. Hindi na napigilan ni Clementia ay yumakap na siya rito ng sobrang higpit.

Namiss niya 'to. Namiss niya si Uno. Namiss niya ang triplets at ngayon ay nahahawakan na niya ulit ito.

Yumakap din ng mahigpit si Uno sa kaniya habang siya ay umiiyak na. Lahat ng emosyon niya ay nag sama-sama.

Ang pagkalaman ng kaniyang ina sa kanilang tatlo, ang pagkawala ng lola niya na hindi man lang nakapag paalam dito at ngayon ang tatlo, nandito na sa tabi niya.

"I missed you." Bulong niya rito. "We missed you, too." Balik na bulong nito sa tenga niya. Nakiliti pa siya dahil sa nilabas na hangin sa bibig nito.

[#Uno] Blown Away: ClementiaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ