Chapter 15

38K 503 11
                                    

Unedited for now

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unedited for now.

"ANO BA, wag niyo naman akong hilain." Natatawang ani ni Clementia sa tatlong mag kakapatid.

Nandito ngayon sila sa Amusement Park. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan ng mag kakapatid at niyaya siya gumala.

At ngayon, pag kababa na pag kababa nila sa sasakyan ay hindi na nag paawat ang mga ito sa pag hawak sa kamay niya at sa baywang niya.

Pinag titinginan na nga sila ng mga tao, na sinasamaan ng tingin ni Uno.

Tatlo sila kaya hirap na hirap talaga si Clementia sa pag ma-manage ng mag ka-kapatid.

"Saan mo gusto unang sumakay, Cece?" Tanong ni Tres sa kaniya. Lumingon siya rito at nginitian. "Kahit saan." Sagot niya sa tanong nito. Sumingit naman si Uno sa kanilang usapan.

"Shempre sa akin siya unang sasakay." Sinamaan naman ito ng tingin ni Clementia dahil sa sinabi ng binata sa kaniya.

"Kahit kelan talaga 'yang bibig mo, ang bastos."

"Nag bibigay naman ng ligaya sayo."

"WHAT?!" Namumulang wika niya rito at pinanlalakihan pa ito ng mata. Tumawa naman sina Dos at Tres sa sinabi ni Uno at sa naging reaksyon niya.

Nag patuloy na mag lakad ang apat papunta sa entrance gate ng amusement park. Araw ngayon ng sabado kaya panigurado na maraming tao.

Nasa malayo pa lang si Clementia ay natatanaw na niya ang pila sa gate. May ilan din siyang nakikita na mag kakasintahan na mag kahawak ang kamay at ilang mga kabataan na nag kukuha ng mga litrato sa harapan ng entrance.

"Bitaw muna at malapit na tayo sa entrance." Saad niya sa mga ito. Bumitaw si Dos sa hawak sa kaniya ngunit pinalitan naman ito ni Tres na kina-buntong hininga niya.

Nauna mag lakad si Dos sa kanila habang sila ay nasa likod, naka sunod dito. Nag tungo ang binata sa bilihan ng tickets.

"Theo, mamaya mo na hawakan si Candace." Pang uutos ni Uno sa kapatid. "At bakit naman?" Tanong pa ni Tres dito.

"Yayakapin ko lang si Candance."

"Uno, walang mag yayakapan." Ani niya rito.

"No! Meron at tayo 'yon." Pina-alis ni Uno ang kamay ni Tres na nakahawak kay Clementia pagkatapos ay niyakap ito. Wala nang nagawa sina Tres at Clementia kay Uno at niyakap na rin niya ito.

Sumuot sa ilong ng dalagita ang mabango nitong pabango na mas lalo niyang sininghot.

"Baka maubos ako." Bulong ni Uno sa kaniya na kinatawa niya lang.

"I'm done. Tara na." Ani ni Dos sa kanila, umalis na rin siya sa pag kakayakap kay Uno pero ang kamay ng binata ay lumusot sa kaniyang baywang bago inabot ni Dos ang kanilang mga tickets.

[#Uno] Blown Away: ClementiaWhere stories live. Discover now