Special Chapter I

7.6K 106 0
                                    

Unedited for now

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

Unedited for now.

HINDI mapakali ang tatlo simula nang umalis si Clementia ng bansa. Hindi rin nila ito matawagan dahil panigurado naka-off ang cellphone nito.

Kanina pa masama ang timpla ni Uno no'ng nasa airport pa lang sila. Mabuti na lang si Dos at si Tres ay napipigilan ng mga ito ang emosyon, mahirap kasi kapag sabay-sabay silang tatlo na sasabog. Walang mararating ang inis nila.

Sinubukan nila kanina na kumuha ng tickets para sa susunod na flight pero puno na lahat ng slot sa araw na 'yon. Kailangan nila mag intay ng isang araw para sa susunod na lipad ng eroplano.

"Ma, do you know her dad's contact?"

Nang makarating sa tahanan ang tatlo ay dumiretso agad si Uno sa opisina ng ina nila sa pamamahay nila.

"You mean, ama ni Cece?"

"Yes! Please we already told you. We love her. We won't allowed what's happening right now."

Pinatitigan ni Eleanor ang anak na si Uno. Sa kanilang tatlo, si Uno ang palaging impulsive mag desisyon.

"Ma, please."

Hindi inaasahan ni Eleanor makita si Uno nag mamakaawa at nahihirapan sa harapan niya. Until now, hindi pa rin siya makapaniwala na ang tatlo niyang anak ay nag mahal ng iisang babae.

Alam niya na simula pa lang na bata ang mga ito ay madalas na parehas ang mga gusto nito. Lalo na kapag may gustong-gusto ang mga ito ay gumagawa talaga ang mga ito ng paraan makuha lang ang isang bagay na inaasam ng tatlo.

At ngayon nga, nakikita mismo ni Eleanor sa sarili niyang mata kung paano kamahal ng tatlo ang dalaga.

Kung masama siyang ina, hindi niya hahayaan na mangyari ang lahat ng gusto ng kaniyang mga anak pero ina siya.

Gusto ng mga ina ay mabigyan ng kasayahan ang mga anak nito, kahit siya na yung mahirapan basta ang mga anak niya ay hindi niya nakikitang nasasaktan o lumuluha.

"We need to talk about this with your father."

"We can talk to Dad later but Mom please, give us her dad's contact. I can't... we can't... I love her, Mom." Pahinang-pahina na saad ni Uno kay Eleanor na nag pabasag ng kaniyang puso.



GAGAWIN lahat ng tatlo mapaglaban lang ng mga ito ang pag mamahalan nila para sa dalaga.

Kahit pag mamakaawa sa kanilang mga magulang ay gagawin nila, malaman lang ng mga ito kung gaano nila ka-mahal si Clementia.

Hindi sila pwede mag sayang ng oras. Sa oras na umaandar ay mas lalong mahihirapan sila makausap ang mga ito.

Nag sama-sama ang tatlo sa iisang silid. Si Tres ang nag bukas ng laptop habang palakad-lakad naman si Uno sa gilid nito at si Dos naman ay nakaupo lang sa gilid at pinag mamasdan ang dalawang kapatid.

[#Uno] Blown Away: ClementiaDär berättelser lever. Upptäck nu