Chapter 3

49.9K 695 6
                                    

LUMIPAS ang isang linggo na pamamalagi niya sa pamilya Martin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LUMIPAS ang isang linggo na pamamalagi niya sa pamilya Martin. Naging maayos naman ang stay niya kahit minsan ay nahihiya pa rin siya sa mga anak nito.

Sa isang linggo rin ay nalaman niya na si Dos at Tres ay mabait at nakakausap habang ang kapatid naman nitong si Uno ay palaging may galit sa mundo.

She was quietly eating her breakfast habang nanonood ng cheer dance sa cellphone niya.

Wala ang ina ng kambal. Umalis daw ito para i-meeting ang client nito. Nalaman niya na isa itong baker. Nag bi-bake ito ng mga wedding cakes and birthday cakes.

Hindi niya alam na ito pala ang gumagawa ng cake na pinapakain nito sa kaniya. She needed to take note to herself na mag pasalamat at sabihin masarap ang gawa nito kapag nakausap niya ito.

"Morning."

Inangat niya ang ulo at nakita si Dos na humila nang upuan sa kaniyang harapan. Sinundan naman ito nina Tres at Uno.

"Hey!" bati sa kaniya ni Tres nang dumaan ito sa gilid niya. Humawak pa ito saglit sa braso niya at pinisil ito nang marahan.

Pinatitigan niya si Uno na mariin nakatingin sa kaniya bago ito umupo sa tabi ni Dos.

"Good morning," bati niya sa mga ito.

"What are you watching?" tanong ni Tres. "Cheer dance para makakuha ng ilang techniques."

"I see."

Dumating naman ang dalawang kasambahay at nag lapag ng almusal para sa tatlo. Pinatitigan niya ang mga ito. Naiilang na hinintay niya mag simula kumain ang triplets sa kaniyang harapan.

Nang mapadako si Dos sa kaniyang gawi. Bigla naman siya pinamulahan sa hiya. Marahan niya inayos ang hawak sa cellphone at tinidor.

"Don't worry about us. Go ahead, continue to watch and eat your breakfast."

Alanganin na tumango siya rito bago bumalik sa kaniyang panonood at pagkain ng almusal. May ilang man ay nagpatuloy siya. Kailangan na rin niya kasi ang masanay na kasama ang triplets. Isang sem niya makakasama ang mga ito.

"Do you need a ride to school?" Umangat ang ulo niya nang marinig ang isang malalim at malamig na boses. Nasilayan niya si Uno na titig na titig sa kaniya.

"Ahm." Saglit siyang tumingin sa dalawa pa nitong kapatid. Halatang hinihintay din nag kaniyang isasagot sa katanungan ng panganay na kapatid. "Ayos lang naman," saad niya.

Nakakunot si Tres sa kaniya. May pag-iling pa ito. "Paanong ayos lang? Ayos lang na kaya ko mag commute o ayos lang makikisakay ako sainyo?"

Napangiti siya sa tinuran ni Tres. Hindi niya inaakaila na madalas siya nito mapangiti sa simpleng mga bagay. Lalo na kapag mukha itong seryoso mag tanong.

"The second one. My answer," she said. Saglit pa siyang tumingin sa kaniyang kinakain bago binalingan ulit ang tatlo. Hindi niya mawari kung natuwa sa kaniyang sagot o hindi ba.

BUONG akala lang pala niya iyon dahil hindi mawala ang ngiti ng triplets pagsakay nila sa sasakyan na gagamitin nila. This time ay si Uno naman ang mag mamaneho. Kahit ito rin ay hindi mapigilan sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi.

"Thank you and pasensiya na sa abala. Ilang beses niyo na ako hinahatid sa campus," saad niya. Nakaupo ulit siya sa backseat habang nasa passenger seat si Dos at si Tres naman ang kaniyang katabi.

May gulat na tinitigan niya si Tres nang hawakan nito ang kaniyang kamay nakapatong sa ibabaw ng kaniyang binti. Bigla siya nakaramdam ng kaba. 'Yong kaba na hindi natatakot kundi kabang kalmado.

"Cece, we've been telling you these past few days. Everything is okay. Lahat ng ginagawa namin magkakapatid para sa'yo. Lahat iyon ay bukal sa aming kalooban."

"Tres is right," Dos murmured in front.

Dumako naman ang paningin niya sa rear-mirror kung nasaan nakikita niya nakatingin si Uno. Umiwas ito ng tingin sa kaniya nang mapansin nakatingin siya. Bigla tuloy siya na-curious kung totoo ba sinasabi nina Dos at Tres.

Mukha kasi talaga na ayaw sa kaniya ni Uno. Tumango na lang siya. Nang tumingin siya sa bintana ay napansin niyang nasa tapat na sila ng University niya. Maraming mga estudyante ang naglalakad papasok. May ilan din sasakyan na papasok sa loob.

"Dito na lang ako. Kahit hindi niyo na ako ihatid sa loob. Baka malate na kayo sa inyo," nag aalala niyang saad sa tatlo.

"Sa Univ ka na lang din kaya namin mag-aral?"

Lumuwa sa gulat ang kaniyang mga mata sa biglang wika ni Uno. Kanina pa itong tahimik sa buong biyahe nila pagkatapos biglang gano'n ang sasabihin nito?

"A-ano ba 'yang sinasabi mo, Uno? Hindi pwede. I have cheer dance."

"We also have cheer dance in our campus," balik pang saad ni Uno sa kaniya. Iikot na sana ang mata niya sa sinabi nito nang makita niya si Dos nakatingin sa kaniya at halatang nag hihintay din sa kaniyang pasiya.

Binalingan niya rin si Tres na tahimik sa kaniyang tabi. Umiling siya. "Guys, hindi pwede. I have my own school and friends. I can't leave them just because you want me to," saad niya sa mga ito.

Wala nakapagsalita sa kaniyang sinabi. Bigla rin nakaramdam ng mabigit na atmosphere sa loob ng sasakyan. Sa takot at kaba niya ay tinanggal niya ang seat belt naka-kabit sa kaniya at hinawakan ang pintuan.

"Papasok na ako. S-salamat sa paghatid." Saglit siyang nag hintay sa sasabihin ng mga ito. Nang wala pa rin ay tuluyan na niya binuksan ang pinto at lumabas.

Pag-apak niya pa lang sa semento. Hindi maunawaan na bumigat ang pakiramdam niya. Para bang may nagawa at nasabi siyang hindi dapat sa tatlo. Ngunit agad niya rin winalangbahala ito dahil alam niya rin na tama lang 'yong sinabi niya.

Saglit siyang lumingon sa sasakyan ng mga ito nang walang sabi na iniwan siya sa harapan ng kanilang paaralan na wala man lang sinabi sa kaniya ang tatlo. May bigat sa kaniyang pakiramdam nagpatuloy siya sa paglalakad.

SINALUBONG siya nina Noah at Atlas nang makita siya ng dalawa sa bukana ng campus. May bitbit na kape si Atlas habang bitbit ni Noah ang gym bag nito sa balikat.

Parehas may nag aalala sa pagmumukha ng mga ito sa kaniya. "Anong pinakain sa'yo at naka busangot ka di'yan?" puna at tanong ni Atlas sa kaniya.

Bumuntong hininga naman siya. "Wala mga kuya. Pagod lang ako."

Nakita niyang umikot ang mata ni Atlas pagkatapos ay humigop sa hawak nitong kape. Umakbay naman si Noah sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok. Inis na tinulak niya ito.

"'Yong buhok ko, Noah!" reklamo niya rito. Tinawanan lang naman siya ng dalawa niyang kaibigan. Kahit kailan talaga!

"Argh!" inis niyang sigaw sa mga ito. Sinamaan niya pa ng tingin ang dalawa bago tuluyan iniwan sina Atlas at Noah sa gitna ng hallway. Tinawag siya ni Noah pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya papalayo sa mga ito.

Hindi alam kung bakit naiinis siya sa inasta ng triplets sa kaniya. Sa tutuusin nga, si Uno naman may kasalanan. Alam nitong may sarili niyang Univ pero pinipilit pa rin nito kung saan nag aaral ang mga ito.

Anong gusto ng triplets na gawin niya? Sumang-ayon sa kagustuhan ng mga ito? Parang sinasabi nila na madali lang ang sinabi ni Uno sa kaniya. At isa pa, nandito na sa Univ nila ang buhay niya.

Hindi niya basta na lang iwan ang mga taong mahalaga sa kaniya. Lalo na ang cheer dance. Kahit pa pumayag ang magulang niya na lumipat siya.

Malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya bago pumasok sa loob ng kanilang class room at pabagsak umupo sa kaniyang silya at sinubsob ang mukha sa lamesa ng upuan.

[#Uno] Blown Away: ClementiaWhere stories live. Discover now