Chapter 15: Shocking News

945 165 37
                                    

ZAYN POV

Kumusta mga fans!

Ako nga pala si Zayn, pero nickname ko lang iyon. Ipinangalan iyon sa akin dahil sa isang One Directioners na ngayon ay umalis na ng band. Para daw maitago ang real identity namin ng mga kaband ko.

Noong 1st year ako, nag-aral ako sa SFA at doon ko nakilala ang mga katropa ko na sina Alex, Kaiser at Andrei. Nagkataon na nagsama sama kami sa iisang section na 1-A.

I missed them so much.

Pero wala eh, wala akong magagawa.

Bawat isa sa amin ay may pangarap sa buhay. Isa na ako na ang hangad na maging sikat at maging magaling na musician balang araw.

Kaya gumawa ako ng sarili kong band ng hindi nalalaman ng mga katropa ko.

I want to reach my dream kaya sinimulan ko na agad abutin ito ngayon.

Masaya din namang kasama yung mga members ng band ko.

Then one day, may isang lalaki na gusto kaming kunin para sa aming band. Syempre, tuwang tuwa na kami sa mga oras na iyon dahil mapropromote na kami.

But there is only one condition...

And it is to transfer on other school.

Napawi agad ang kasiyahan ko that time. Gusto ko sanang magstay sa SFA dahil masaya na ako dun with my tropa. Payag naman yung mga kabandmates ko kaya lang ako. Paano iyon? Mahalaga sa akin ang mga kaibigan ko kaya lang maari ko ba silang ipagpalit sa aking mga pangarap?

Lalo na ngayong di nila alam ang tungkol dito.

After that, napagdesiyunan kong sabihin ito sa kanila. Si Kaiser ang una kong sinabihan. Siya kasi ang comedian sa aming tropa kaya siya inuna ko.

Una, hindi pa siya makapaniwala pero ng lumaon ay tuwang tuwa siya sa akin dahil ng bilis ko daw na makakamit ang pangarap ko.

Ganoon din si Andrei, agad siyang pumayag. Ang sabi pa niya, ang pagkaalis ko doesn't mean na di na kami magkakaibigan. May araw din na magkikita kami at hindi daw magbabago ang tingin nila sa akin.

Tuwang tuwa naman ako at naiintindihan nila pero nag-aalangan ako kay Alex.

Ang tingin ko sa kanya ay siya yung pinakaclose ko sa tropa. Minsan lagi siyang nayayamot sa pagtawag ko na close friend kami. Sabi niya "Close friend? I don't want them. They will just mess you up. Wala ng mapagkakatiwalaan sa panahong ito. Kaya kahit na ang tingin mo kina Kaiser at Andrei ay isang close friend na. Hindi mo ako magiging close friend. Tropa ayos lang."

Nagtaka naman ako sa kanya. Siguro may nangyari sa kanya nung bata pa siya. Naiisip ko tuloy na ang babaw babaw niya. Hindi ba niya maisip na mas higit pa sa close friends ang tropa? Masama bang maging close? Kakaiba siya. Pero kahit na ganoon iniintindi ko na lang siya kasi alam kong may problema lang iyan.

Pinapunta ko siya sa canteen para sabihin sa kanya ang tungkol sa paglipat.

*SMACK*

(Sound po iyan ng suntok. Hindi po iyan smack na halik. Sorry po sana maunawaan niyo)

Gag* sinuntok niya ako.

Madaming pinggan ang nabasag dahil sa ginawa niya.

"ANONG SABI MO? AALIS KA?!" Galit na sabi ni Alex sa akin habang ako nakahiga sa sahig dahil sa pagsuntok niya sa akin.

"Pre! Anong ginagawa niyo!?" Dumating si Kaiser at nakita kong may kasama siyang babae. Nakapony tail at pula ang buhok na ngayon ay kilala ko na. Si Lina.

Crush ko OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon