Chapter 10: Game Start!

1.1K 238 23
                                    

Isang linggo ang nakalipas.

Yes! Sabado ngayon~

Gusto ko sanang lumabas kaya lang nandito ngayon si papa. Hays, di ako papayagan nun eh!

Ang huling choice ko na lang ay ang maglaro uli ng r2games. T_____T

100% LOADING

*Ching*

Wow hah, kabubukas ko lang at may nagmessage na agad sa akin.

1 message received from cassandra

Laging nakaonline si Xiara. Hindi kasi siya mahilig lumabas ng bahay kagaya ko.

"Cassandra: C! Whatcha doing this weekend?"

"Cerain: I'm just in my house playing this online game."

Si Cassandra na ang pangalan ay Xiara in real life ay 1 year ko ng nakakachat dito. Di nga ako makapaniwala ngayon na nakikita ko na siya. Hindi na siya ang taong kausap ko lang noon sa laro kundi isa na siyang taong naging bestfriend ko in real world.

"Cassandra: C, can you go to my house? Please~"

"Cerain: I can't. My parents cannot allow me."

Strikto kasi sila kahit na yung papa ko lang naman ang strikto. Basta kapag lalabas ako ng bahay kahit na malapit lang naman yung bahay ni Xiara ay di pa rin ako pinapayagan nun. Kainis! Wala namang masamang lumabas di ba?

Kahit na isang linggo na ang nakalipas mula noong maging bestfriends kami nina Ali, hindi ko pa rin magawang pagkatiwalaan sila sa mga bagay. Kagaya ng pagsasabi sa kanila ng private lives ko. Di ko pa naman kasi sila gaanong kakilala.

*Ching*

May message na naman. Nung clinick ko na.

"Cassandra: Well, if you don't go then I'm gonna go there. Now! So be ready"

...

O.O

...

"Cerain: WHAT?! SH*T DON'T!"

*BLAG*

SH****T! SERYOSO?

Ang bilis naman!

"Miss? Bakit po?" Sabi nung aming katulong. Narinig ko kasing binuksan niya yung pinto namin kahit na di naman siya pinapapasok.

"Nandito lang ako para sunduin si Lina." Sabi nung babaeng MANINIRA NG AMING PINTO.

"Pero di po siya-" naputol ang pagsasalita nung katulong namin.

"Ohh! Alisa, ikaw pala iyan!" Biglang napasali si papa sa usapan. Wait, WHUT? DID HE KNOW HER?! At si Ali pala ang pumunta rito, hindi si Xiara.

"Papa? Bakit kilala mo siya?" Walang alinlangan na akong lumabas sa aking kuwarto.

"Ahh! Lina, hindi mo siya kilala?" Tanong ng papa ko sa akin.

"Kilala ko. Bestfriend ko nga po siya" at ang dati kong enemy. Di ko na iyun sinabi baka mapagalitan pa ako XD

"Ahh. Mabuti naman at naging magkaibigan na kayo." Tapos tumingin na siya kay Ali. "Alisa, pwede mo siya papuntahin kung saan mo gustong pumunta hah. Sige makakaalis na kayo." Wow, bakit pag si Ali, pinapayagan niya?

"Thanks po tito!" Grabe! Di man lang humarap ang papa ko. Umalis na lang siya.

"Oh pano ba yan? Tara na!" Tapos hinila niya yung kamay ko papunta sa kanyang shiny car na mismong siya ang nagpapatakbo.

Crush ko OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon