Chapter 22: I Have Lost Somebody

458 69 22
                                    

"Alam ko na! Tatawagin kitang Flame at tatawagin mo naman akong Ice." Sabi nito at makikita mo ang isang ngiting hindi ko malilimutan, isang ngiting si Blake Ashton lamang ang nagtataglay.

Ang una kong kaibigan.

×♥×

Nanatili akong lutang. Hindi ko maaring sabihin kay Mr. Tan ang nangyari, na sabihin sa kanya na ako ang tinutukoy niya sa kanyang istorya.

"Familiar with the story?" Nagtanong naman siya kaagad. With his look parang kilala na niya ako. I have a feeling na niresearch na niya ako. Who knows? Maybe those little things might happen? Nakakapagtataka naman na inimbita niya ako rito sa ganoong paraan. Hindi naman siguro niya ako iimbitahin dito ng dahil sa nangyari kahapon.

Umiling iling na lang ako as a response. Alangan namang sabihin ko sa kanya! Syempre natatakot akong magsabi ng totoo. Ako kasi ang dahilan kung bakit siya naglayas.

Nagpatuloy lang kami pag-inom ng coffee. Tinapos na din namin ang umagahang nakahanda sa lamesa niya saka ako tumayo. "Sir, thank you po. Kailangan ko na pong umalis eh."

"Okay, kung gusto mo ipapahatid na kita." He smiled at me.

"Ah, huwag na po. Walking distance lang naman yung samin." Sumang-ayon naman siya. Hindi ba siya nagtataka? May pasok kasi kami tapos aalis pa ako. Bakit niya ako pinababayaan? I think he knows something. O kaya naman alam na niyang nasa pamamahay ko si Alex ngayon?

Nang naisip ko iyon ay tumakbo ako palabas.

I want to get out of here!

Tumakbo ako sa labas ng school with a bruha look pero binaliwala ko yung mga titig ng mga tao dahil nagmamadali ako.

When I reach the house, I look for Alex but he's gone missing. Shit! Where did that guy go?

"Lola, may nakita ba kayong lalaki?"

Nanlaki naman yung mata ng lola ko. "Lalaki? Bakit naman may magpupunta ritong lalaki."

Aish, hindi nga pala alam ni lola.

"Ay wala. Akala ko kasi may bisita." Palusot ko hanggang ngayon naiisip ko pa rin siya. Saan ba kasi siya nagpunta? Kainis, wala tuloy manlilibre sakin ng pamasahe sa Laguna. Kokonti na lang kasi ang natitirang pera sa pocket ko.

Nawalan ako ng pag-asang pumunta sa Laguna nang magsalita si lola. "Ang bisitang lalaki lang naman na napunta rito ay si Ramiquez. Ah teka, Ramiquen ba yun? O Ramisen?" Nakahalumbaba siya habang sinasabi ito.

Namangha naman ako kay lola.

Geez! Bakit ko nga pala siya nakalimutan?

"Si Kaiser!" Sigurado akong alam nila kung nasaan ang pesteng yun. Sila pa? Mga stalker sila eh. Kasama na sa tinutukoy ko sina Andrei at ang mga kaibigan kong babae.

"Thank you lola, aalis na ako hah!" Kinuha ko yung bag kong naiready na kahapon.

Alam niyo ba yung feeling na gustong gusto ko nang pumunta sa Laguna pero di ka naman makakapunta roon kung wala kang pera.

Tsk, tsk, tsk! Ganito talaga ang buhay mahirap.

Balak ko munang puntahan sina Kaiser bago pa pumuntang Laguna.

Tumakbo ako ng mabilis at sa pagtakbo kong ito para akong nahihilo.

Nasa tawidan na ako ng kalsada. Parang namind block ako or something. Nawala lahat ng iniisip ko. At nag-echo na naman sa isipan ko ang isang salita:

'Bawal kang magpagod.'








Huh?

Green light iyon hah. Unti unti nagiging itim ang paligid ko.

Crush ko OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon