chapter 1

8 1 0
                                    

The poging owner

NAGISING ako ng may marinig akong ingay sa ibaba. Nasa loob pa lamang ako nang aking kwarto ngunit naririnig ko na ang sigawan at bangayan nila.

Bumangon na lamang ako at napag-isipang maglinis muna ng katawan.

Nang makapag-ayos ay naisipan ko ng bumaba.

Nadatnan kong nagtatalo na naman ang aking ate at ang kanyang asawa.

Palagi nalang ang mga Ito nag-aaway, ganito pala ang buhay may asawa?

Kung ganito na man lang din, mas mabuting tumandang dalaga nalang kesa mag asawa


Ng makababa ako ay tumingin sila sa akin at tumigil sa pag-aaway. Umalis ang asawa ni ate at pumunta sa labas. Si ate naman ay pumasok sa kanilang kwarto.

Simula ng mamatay ang mga magulang ko, nag asawa ang ate ko. Tutol ang tatay ko sa pag aasawa ng ate ko noong buhay pa ito. Sa kadahilanang, ayaw ni tatay na maranasan namin ang maagang pag aasawa lalo na't may marami pa kaming pangarap sa buhay, at sobrang napakahirap ng buhay ngayong panahon.

Tutol din ako sa pag aasawa ng ate ko noon, kaso napag isip-isip ko na kaya naman sigurong buhayin ni kuya si ate kaya hinayaan ko na lang sila.

Ng makaupo sa hapag kainan ay kumain kaagad ako upang makapasok na sa paaralan.


Scholar ako sa Stanford University, 2nd year educ., gusto kong magturo ng mga bata lalo na yung kinder, sobrang cute. May free condominium ako doon kaso wala akong kasama dahil ang mga kaibigan ko ay hindi doon natutulog. Tulad ko umuuwi din sila sa kabahayan nila maliban nalang kung may event,dahil kailangan manatili lahat ng estudyante sa condominium nila at gawin ang mga nararapat gawin sa kung anong event man ang meron.

Nang matapos kumain, tumayo na ako at nagpaalam.

"Ate,kuya,aalis na po ako,kayo na po ang bahala rito" Sabi ko habang hinahanda ko ang aking sarili.

"Pumanhik ka na't baka malate ka, kami na'ng bahala dito, mag-ingat ka roon andy"  habilin ni ate.

Ng makalabas ako ay naglakad ako patungong highway para pumara ng tricycle na masasakyan. Masikip ang daan rito sa amin kaya walang tricycle o motor na dumadaan lalong lalo na kapag umuulan, kaya't kailangan talagang maglakad hanggang highway para makasakay.

Tahimik lamang ako habang nasa loob ng tricycle. Nagulat ako ng  biglaang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Hindi ko iyon sinagot dahil si kuya lang naman ang tumatawag, at siguradong tungkol na naman ito roon.

May kasunduan kase syang pinirmahan, kapag nasa tamang edad na daw ako ay ipapakasal ako sa isang mayaman, na kanyang amo sa pinagtatrabahuan. Naiiyak ako sa isiping ako ang gagawin nilang kapalit dahil sa hiniram na pera para pampaanak kay ate. Higit umabot isang milyon ang nagastos nila dahil nahirapan si ate sa panganganak, kaya kinakailangan pa nilang magpunta sa U.S. kung saan naroon ang pribadong  doktor ng amo ni kuya.

Ngunit sa kasamaang palad hindi nabuhay ang bata dahil kulang ito sa buwan at mukhang hindi talaga para sa mundo ang pamangkin kong iyon. Nakita ko kung gaano sya kaliit, ang amo tignan at parang anghel na bumaba sa langit, ngunit sadyang anghel na para sa langit lamang sya. Kailangan na kase nila itong kunin kahit kulang sa buwan dahil ang ate ko ay may tumor ang kanyang tiyan na pwedeng ikamatay nilang dalawa ng bata, kaya pumili si kuya, simula ng mangyari ang trahedyang iyon palagi nalang silang nag-aaway. Si kuya ay di parin tumitigil sa pagkulit sa akin tungkol sa kasunduang iyon. Pero kahit anong mangyari hindi ako papayag na makasal sa taong hindi ko mahal at hindi ko lubos na kilala. Hindi ko pa nakikita ang lalaking tinutukoy ni kuya pero sa tingin ko matanda na siguro ang isang iyon dahil namimilit  ng taong papakasalan, tsk.  Bente anyos na ako kaya nasa tamang edad na ako. Pero hindi ako papayag! never!

Napatigil ako sa aking muni-muni ng tumigil ang tricycle sa harap ng gate ng unibersidad na aking pinapasukan.

Ng makababa ako ay nagbayad nako at naglakad patungo sa second floor kung asan naroon ang aking classroom..

Sa classroom namin may madaming rules,at isa na roon ang english policy.

Kapag nagtagalog ka papatayoin ka sa gilid ng iyong upuan ng ilang minuto habang nagsusulat.

Kaya palagi kong iniiwasan ang pagtatagalog sa loob, ayaw ko pang mamatay ng maaga.

Ng makarating ako sa aking destinasyon ay umupo na ako sa aking upuan.

Ng makaupo, lumapit kaagad ang dalawa kong baliw na mga kaibigan.

"Hi besh,do you know, there's a you know there?" p*tang palaka. Ito ang pinakaayaw ko e, nag-eenglish nga, di naman masyadong maintindihan. Meet my beking friend, Kyle. Pogi ang isang to, at pogi din ang hanap. Noong bago ako dito crush ko to e, at nung malaman kong dugong berde pala sya, dami kong naramdaman nung nalaman kung beki sya, campus crush kase, nakakapang-hinayang.

Type sya ng beki na ayaw nang may kolorete, kumbaga yung galaw nya lang ang beki, pero yung suot, mukha o ano pa man ay tunay na sya, yung galaw lang talaga nya.

Sinalo na ata ng babaetang ito ang kagwapohan.

"Yes besh, you're right,cause there's no left. He's so hot, handsome, ackkkkk yummy" isa pa to, hayuk din sa pogi. Meet Cassy my friend since elementary. Hayuk na hayuk ang isang to sa gwapo, nag-uunahan sila ni Kyle sa mga pogi, tulad ko nagkagusto din sya kay Kyle noong bago pa kami dito. Sinabihan nya pa ako na kapag hindi ako lalayo kay Kyle ititigil nya ang pagiging magkaibigan namin. Ang laki ng pagsisisi naming pinag-awayan namin ang babaetang to HAHAHA.

"New student?" Sabi ko, nahihirapan din akong mag-english kahit matalino ako noh, lalo na't nakasanayan ko ang linguwaheng aking kinagisnan.

"Yes besh, ohmooo he's so handsome." Ang baklang to, pogi lang talaga ang alam.

"Yeah, but Miss Maria said, he's the owner of this school,and I think he's not a student. And he's wearing a three piece suit, which makes him look more like a very dangerous businessman, still so hot tho." Chismosang marites talaga itong si Cassy kahit kailan hindi na nagbago.

Napatigil kami sa aming talakan nang tumunog ang alarm ng school, which means all of the student needs to be present in the stadium....

Ng makarating kami marami na ang estudyanteng naroroon, ang iba ay nagpapaganda ang iba naghahanap ng mauupuan, ang iba hinahanda ang camera, ang dalawang kasama ko naman ay hinahanda ang sarili, ano bang meron? tsk.


Nang maayos at nakapuwesto na ang lahat,  pumunta sa stage ang principal at tumikhim muna bago nagsalita.

"So, I know you all are confused of what's the reason why did we call you sudden in here. For you all to know, today, the owner of this Stanford University is looking for someone. We all don't know who's this someone except Mr.stanford himself. So hope you all would cooperate." Sabi ng principal at bumaba na sa stage. Nagtaka kaming lahat lalo na kaming magkakaibigan.

Ilang segundo ang lumipas lumabas ang MC nitong University at nagsalita

"Let us all welcome the owner of this University, Mr. David Stanford" Sabi nito kaya't nagpalakpakan ang lahat.

Lumabas doon ang isang nilalang na hindi mo iisiping tao dahil sa angkin nitong kagwapohan at kakisigan, mukhang nasa mid 30's na. Ang iba ay nagtitili ang iba ay nag siselfie, samantalang ako ay nakatunganga lamang.

Napatigil ako sa pagtingin sa kanya ng bigla syang magsalita

"Miss Beunavista, stop staring, I might melt." May awtoridad na saad nito na ikinalaki ng aking mga mata.

Teka, kilala nya ako? Paano? Bakit?

Napalunok ako ng makitang nasa akin ang tingin ng lahat.

Teka, ano daw?

To be continued...

             
   

Stanford Series 1: DAVID STANFORDWhere stories live. Discover now