chapter 2

1 0 0
                                    

My saviour

SINIKO ako ni Kyle ng mapansing di pa rin ako kumikibo. Nakatingin pa rin sa akin lahat ng estudyante. Hindi ko alam ano ang mararamdaman ko, hiya dahil sa tingin nila, o kagalakan dahil kilala ako ng may-ari.

Humawak ako kay Kyle ng magsimulang  lumabo ang paningin ko at bigla nalang akong na out of balance. Nagsigawan ang iba, ang iba ay lumayo para di ako masyadong mainitan. Bago ako nawalan ng malay lumapit sa akin iyong mga teachers, at bago ako nawalan ng ulirat narinig ko ang anghel sa langit, kumakanta, paakyat na ba ako? Wag muna sana.

"Get out of the fuck!ng way!!"

____________________________________________________

NAGISING ako na puting kisame ang bumungad sa akin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko roon si Cassy at Kyle, prenteng  nakaupo habang may ginagawa sa kanilang mga cellphone. Nagtaka ako nang may pumasok na doctor. Teka, doctor? ibig sabihin nasa ospital ako? Bakit dito? may clinic naman sa Stanford? Butas bulsa ko nito, wala pa naman akong pambayad ng bill.

"Kyle, Cassy" tawag ko sa dalawa. Nagulat pa ang mga ito at nag-unahang lumapit sa akin.

"Okay ka na ba?" si Kyle.

Tumango ako at aktong magsasalita na ng pumalit sa pwesto ni Kyle ang doctor.

"Miss Beunavista, you can go home already. Hindi ko alam kung ano ang reason ng nagdala sa'yo dito kahit minor fainting lang naman ang nangyari, but I hope you'll keep your body and soul as healthy as you can, cause you're easy to get diseases. Drink vitamins na din iha." tumango lang ako at magtatanong na sana ng magsalita si Cassy.

"Doc,magkano po ang bill?" tumingin sa kanya ang doctor.

"Tignan nyo nalang mamaya sa counter iha, aalis na ako" tumango kaming tatlo at lumapit ulit ang dalawa sa akin.

"Gago sis, si pogi ang nagbuhat sa'yo." Sabi ni Kyle. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito,  magtatanong na sana ako ng magsalita ang maarteng Cassy.

"Oo nga girl, sabi ng dean na doon ka nalang ilagay sa clinic pero nagpumilit talaga syang sa ospital daw para macheck ka ng tama!" Kinikilig pang ani nito. Bubuka na sana ang bibig ko ng magsalita naman ang babaeta.

"Oo nga eh, sana pag nahimatay ako may bubuhat din sa akin tas ganun din ka pogi." kislap matang  ani ni Kyle. Sinapak ko silang dalawa para matigil sila sa kalandian nila at para makatalak na rin.

"Bakit di ka nalang ngayon mahimatay? ako ang bubuhat sa'yo, ihahatid kita sa morgue, ganon ba gusto mo?" tumawa lang si Cassy, samantalang ang mukha ni Kyle ay di maipinta.

"Grabe ka sis, nangangarap lang ng gising e" nakanguso pang sabi nito. Pinitik ko ang nguso nito kaya napaigik.

"Aray ha! Nakakadami ka na, kung hindi ka lang nahimlay kanina baka binugbog na kita, hmmph!" tumawa lang kami ni Cassy sa kaoehan nya at sumeryoso na.

"Sino palang pogi ang pinag-uusapan nyo kanina?" tumingin sila sa isa't isa pagkatapos ay yumuko para mapalapit sa akin.

"Di mo pala nakita? Nahimatay ka pala talaga? Akala ko acting lang yun e" Sabi ni Cassy kaya kinurot ko ang beywang nito. "

"Aray! haha, joke lang uy!" namimilipit sa sakit na ani nito.

"Si daddy David sis. Yung poging owner ng Stanford, naaalala mo pa naman siguro ano? dika naman siguro nagka amnesia!" lumayo silang dalawa sa akin ng umakto akong kukurotin sila sa singit. Ganun ako e.

"Ah, okay. Pero bakit nya pala alam ang apelyido ko? May alam ba kayo?" Tumango sila ng sabay.

"Naalala mo yung papel na hawak nya? nandun ang mga mukha natin with names, sa ID ata natin galing. Nirecite nya yung mga dean's lister at isa tayo don kaya kilala nya tayo, ikaw! Sampu lang tayo kaya madali talagang maalala. Actually di nya talaga alam na ikaw pala yung nandoon,  nakatingin talaga sya nun sa likod mo, andun kase yung cousin nya na kaklase natin, maingay kase, si adrian ata yon?" Di siguradong sabi nito sa huli.

Stanford Series 1: DAVID STANFORDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ