chapter 3

3 0 0
                                    

My fiancee


Aalis na Sana si Kuya ng may maalala ako.

"Kuya,bat pala nasali ako sa usapan ng kausap mo kanina?"nagtatakang tanong ko. Tumingin naman sa akin si Kuya at tumigil sa pag-aktong maglalakad.

"Yung,Yung boss Kung kailangan Ng papakasalan,Yung inutangan ko din nung nagkaproblema ang ate mo sa panganganak. Sya iyong kausap ko. Tutulongan nya daw Tayo Basta ibibigay Kita sa kanya,pero di ako pumayag dahil Alam Kong magagalit ang ate mo pag nalaman nyang binigay Kita sa boss ko. Yun nga Ang pinag-awayan namin kanina kAya nahimatay ang ate mo. Di Kita pipilitin lalo na't ayaw ko ding may magalit sa akin. Hahanap nalang ako ng ibang mauutangan."napakagat ako ng labi at tumango kahit hindi masyadong naintindihan ang litanya ni Kuya.

Gusto na ako nung boss nya na pakasalan?atat na ba talaga ang matanda na iyon sa mga preskong katulad ko? Walang sinasabi si Kuya na matanda o ano ang boss nya pero pakiramdam ko ay ganun talaga dahil atat na atat ng makasal. Biyudo na siguro baka walang pumatol?

Natigil ako sa pagmumuni ng magpaalam si Kuya na aalis lang daw sya para maghanap ng taong mahihiraman. Gusto kong tumulong sa paghanap pero sabi nyay bantayan ko nalang daw si ate. Pumayag na lang ako at bumalik sa mga kaibigan ko.

"Magkano daw?"tanong ni Cassy.

"17,248 at Alam Kong madadagdagan pa iyon dahil wala pang perang pambayad sa bill para makalipat na si ate sa mas malaking ospital."malungkot ang mukha ni Kyle at Cassy.

"Sorry sis,gusto ko mang tumulong pero,naghihirap din ako ngayon."Sabi ni Kyle. May pamilya Sya pero hindi Sya humihingi ng pera sa mga ito. Di tanggap ng mga ito na pusong babae ang anak Nila. Di mn Nila tinakwil pero tinuring Naman nilang hangin.

"Ako din"mas malungkot na ani ni Cassy. Magkatulad lang kami ng estado sa buhay ni Cassy pero may mga magulang pa Sya kaya lang marami silang magkakapatid.

"Okay lang,'nu ba!hintayin nalang natin si Kuya,darating din yon maya-maya."nakangiti pero pilit na Sabi ko. Gusto ko mang umalis para maghanap ng pera,magagalit Naman si Kuya lalo na si ate.

6 pm nakabalik si Kuya, tapos na ako maghapunan kasama sina Cassy at Kyle. Di sila umuwi kAya kasama Nila ako buong araw. Matamlay si Kuya kAya Alam Kong hindi maganda ang nangyari.

"Kuya?"tanong ko Kay Kuya at tumingin Naman ito sa akin, pagkatapos ay malungkot na ngumiti.
Umiling lang Sya at umupo sa tabi ni Kyle. Alam ko ang ibig sabihin ng iling na yon.

Napatakip ako sa aking mukha at umiyak. Namamaga ang mata ni Kuya kanina kAya sure Akong umiyak Sya sa labas.

"Bago ako pumunta dito kinausap ko yung doctor ni elin kanina...
..m-may tumubo daw na tumor ulit sa tyan nya. 3 months ng B-buntis ang ate mo andrea. Di ko na Alam ang gagawin ko!"malungkot na sabi ni Kuya at pinipigilan ang sariling umiyak. Napahagulhol ako pati na sina Kyle at Cassy.

"Anong m-magagawa natin Kuya?"pumipiyok Kung tanong. Umiling si kuya bago nagsalita.

"Wala. Wala tayong m-magagawa dahil,wala tayong p-perang magagamit,lumaki ang bill sa counter may nautang ako,pero 6,891 lang! Arghhhhh napakawala kong kwenta! Mawawalan na naman ako ng anak! Malabo pang mailigtas ang Asawa ko! Bakit sila pa?bakit di nalng ako!"at dun na nagsimulang humagulhol si Kuya. Ang sakit isipin na nangyari ulit ito,ang pagkakaiba lang ay may tumulong noon ngayon wala. May naisip ako. Bahala na Kung anong magiging kahihinatnan,Basta mailigtas lang ate ko at ang anak nya.

"Kuya!ibigay mo nalang ako sa boss mo!"matapang Kong Sabi kahit sa kaloob-looban ko ay sasabog na ako sa sakit.

"A-andrea!"

Stanford Series 1: DAVID STANFORDWhere stories live. Discover now