Chapter 21: Scarlet Buenaventura

97K 1.2K 197
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

 

CHAPTER 21 – Scarlet Buenaventura

 

DANIEL'S POV

 

"Ugghh... uhmm..." 

 
Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko...

 Aahhh! Nakakasilaw!  Napapikit tuloy ulit ako.

Nakikiramdam ako sa paligid habang hindi pa rin minumulat yung mga mata  ko. Wala akong marinig, ang tahimik, sobra. Hindi ko alam kung nasaan ako. Ano bang nangyari?? Hindi ko matandaan. Wala akong maalala.

Napabuntong-hininga ako at unti-unti ulit na dinilat yung mga mata ko. Malabo. Malabo pa yung paningin ko...

Puti...

Puti?

Puti?

  

Puro puti yung nakikita ko!

Dyusko! Nasa langit na ba ako? Ayoko pang mamatay!

Unti-unting lumilinaw yung nakikita ko.

Lumilinaw.

Palinaw ng palinaw...

Puti pa din!

Pero...

Linsyak! Kisame lang pala!

Kala ko talaga patay na ko e! Leche! Epic fail!

Nandito lang pala ako sa private room ko. Sinubukan kong bumangon-- "A-Aray!" sigaw ko bigla. Ang sakit ng ulo ko, sobra. Parang binibiyak. Bumagsak tuloy ulit yung ulo ko sa may unan habang hawak hawak ito. Anong nangyare? Ang sakit. Sobrang sakit!

"Hmmm... ummm..." ungol ng isang boses. Boses babae ito. Nagulat ako at napatingin sa direksyon na pinanggalingan nito. Sa gilid ng kama na hinihigaan ko lang pala. May natutulog na babae. Sino 'to? Nakasubsob kasi yung mukha niya paharap sa kutson e, 'di ko tuloy makita yung mukha niya.

Habang iniinda yung sakit ng ulo ko, linapit ko yung mukha ko malapit sa kanya. Ang bango ng buhok niya... Hmmmm----Aish! Ba't ko ba inamoy?

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now