Chapter 39: Shocking Truth

65.9K 866 241
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 39 – Shocking Truth

CHANDRIA'S POV

"Follow me ugly btch," sabi sa’kin nung bruha sabay irap at lumakad na. Hindi na lang ako nagreact at sumunod lang sa kanya.

Poker face na lang ang peg. Psh. Walang kwentang makipag-away sa mga demonyitang tulad niya. Kailangan na niyang mawala at ng mga kalahi niya dito sa planetang Earth at ipatapon papuntang outerspace, sa Pluto para malayo. Sa planetang hindi na nag-eexist. Ugh! Kung anu-ano na tuloy naiisip ko.

Nandito na kami sa labas, umuulan. Pinapayungan kami nung mga alalay este--mga alipores niya. Galing pala kami sa isang abandonadong building at walang kabahay-bahay man lang sa paligid. Madilim na dito sa labas at dyusme! Feeling ko nasa horror movie ako. Ang creepy tignan nung building, mukhang haunted talaga tapos bonus pa, may demonyita akong kasama at mga kampon niya. Wow. Just wow. What a life.. Tss.

"Hoy babaeng mukhang ewan na panget! Anong tinutunganga-tunganga mo diyan? Sakay na! O kakaladkarin pa kita?" sigaw sa’kin nung witch na nakalunok ata ng mic sa sobrang lakas sumigaw. Hindi ho ako bingi. Eh pa'no natulala pala ako dito, hindi ko man lang namalayan. Eh kasi siya.. Aargh!

'Pakingteyp ka! Bwishet! Panira ng buhay! Demonyita! Witch! Bruha! Sakit mo sa bangs! Sarap mong sampalin! Sarap mong sabunutan! Kamukha mo si Shomba! Sana kunin ka na niya! Kinasusuklaman kita! Lechugas! Leshe!' sigaw ng isip ko. Isip ko lang naman, mabait po ako. Minumura siya ng isip ko at pinapatay, imahinasyon ko lang. Infairness, nakakatulong. Hindi na ako masyadong ninenerbiyos sa takot. Pero kinakabahan ako sa mangyayari mamaya.

Poker face pa rin ang peg ko at sumakay na lang sa kotse nung demonyita, sa shotgun seat. Siya yung driver eh, may sariling kotse yung mga alipores niyang goons. Nakasimangot lang siya dahil hindi ko siya pinapansin, no reaction ako eh. Nagbabalik ho ang NR queen. Inuulit ko, nagbabalik ho ang 'No Reaction' queen. At your service!

Halatang mas naiinis siyang hindi ko pinapansin eh, pulang-pula na yung mukha. Sasabog na yung bulkan, umuusok na yung ilong. Laptrip sobra, kaso ayokong tumawa, poker face lang. Poker face lang dapat. Kalma lang! Baka mahalata! Pfft.

Nagtataka ba kayo kung bakit ang kalma ko lang? Nangingibabaw kasi yung inis at galit ko kesa sa takot ko sa kanya eh. Pero seryoso, medyo naaawa ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit. I don't know, parang may something eh.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now