EPILOGUE 1.0 - Seven Days

57.5K 826 154
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

EPILOGUE – SEVEN DAYS, FOUR PEOPLE, TWO DESTINIES

 EPILOGUE 1.0

UNKNOWN GIRL'S POV

Nakita nanaman kita, nakaupo sa may damuhan. Tulala ka lang na nakatingin sa malayo. Mag-iisang linggo ka nang pabalik-balik dito. 

Dito sa tuktok ng hill kung saan overlooking ang buong siyudad, kitang-kita mo ang langit at  ang mga ulap na kaygandang pagmasdan. Ang paborito kong tambayan sa tuwing gusto kong mapag-isa.

Nagulat na lang ako isang araw nang bigla kang sumulpot dito sa tagong lugar na 'to. Hindi mo ako nakita sapagkat agad akong nagtago sa likod ng isang puno sa malapit. Naunahan mo kasi ako eh. Ewan ko ba kung bakit ako nagtago. Eh ako naman naunang nakaalam ng lugar na 'to ah? Ah ewan. Hayy..

Pinagmamasdan lang kita. Unang tingin ko pa lang sa'yo, magaan na ang loob ko. Hindi kita magawang lapitan pero sa loob loob ko, gustong-gusto kong gawin yun.

Akala ko isang beses lang kitang makikita pero pagbalik ko kinabukasan, andun ka nanaman. Parehong lugar, parehong oras, at parehong posisyon. Naunahan mo nanaman ako eh kaya nagtago na lang ulit ako.

Ganun ka pa rin, tulala lang na nakatingin sa malayo. Wala kang kaemo-emosyon. Sa tingin ko, parang pasan-pasan mo ang buong mundo.

Gusto kitang lapitan...

 

 

 Tabihan...

 

 

Hawakan...

 

 

Yakapin...

 

 

 ...at sabihing magiging okay rin ang lahat.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now