The Walkers 1

3.6K 50 17
                                    

KRIIIINGG! KRRRIIIIINNGG!

Kinuha ko ang cellphone sa gilid ko para sagutin ang tawag.

 “Yes, Gee. Bakit ka napatawag?”  

“Busy ka ba ngayon?”

“Uhmm… I’m driving mamaya nalang. Kung gusto mo pupunta ako diyan sa inyo pagkatapos ko pumunta sa bahay ni Alex. Bibigay ko lang itong regalo sa kanya.”

“Ah! Sorry. Sige pumunta ka nalang dito. Sorry talaga.”

“Hindi… ok lang… naka red light naman kaya ko nasagot ang tawag mo”

“Osige, mamaya nalang bye, ingat.”

“Bye.” I turn off the call at inilagay ulit sa bag ko.

 Nang umilaw na ang Go signal napansin kong hindi umaandar ang kotseng nasa harapan ko.

BEEP! BEEEEEEEP!

BEEP! BEEEEEEEEP!

“Hey!!! Move your ass!! Hey!!” sigaw ng lalaki. Nakalabas ang ulo niya sa window ng kotse niya. “Hey!!! Move!!” bumusina siya ng malakas. Nang hindi siya pinapansin nito he turn his vehicle para makaalis na sa pwesto. Sumunod naman ako sa kanya pero bago pa siya tuluyang umalis nagsalita ulit siya sa lalaking nakahinto ang kotse. “F*ck you! Sleepy head!” saka siya nagdrive ng mabilis.

Habang dina-drive ko ng dahan dahan ang kotse. I looked the person inside the car. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakayuko ito sa kanyang manibela. I ignore it at tuluyan ng nagdrive.

“Nakainom siguro” bulong ko sa sarili ko.

When I was driving sa village papunta sa bahay ni Alex napansin kong walang tao. I looked to my wrist watch, its 4:00 pm in the afternoon. It’s so weird dati kasi maraming taong naglalakad dito at mga batang naglalaro. 

I park my car nang narating ko na ang bahay ni Alex. Kinuha ko na din ang regalo ko para sa kanya. Birthday kasi niya nung isang araw, alam kong late na pero at least hindi siya magtatampo sa akin.

I knock the door three times. Wala atang tao. Pinihit ko ang doorknob, bukas ito. I slowly open the door. “Alex! Bukas ang pinto mo! papasok na ‘ko!” umecho lang ito sa buong bahay. Tinignan ko ang buong bahay na hindi umaalis sa aking pwesto. “Alex! Tao po!”

I heard something na kamakaluskos sa kusina at nang bahagyang sinilip ko ito may nakita akong isang aninong dumaan. Hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang kusina. Alam ko kasing si Alex yon.

Pagkapasok ko ng kusina.

“RAAAAWWWWWR!!!!!”

Bumungad sa akin ang isang babaeng duguan ang mukha.

 “WAAAAAAAAaaaaaah!!!!!”  

Kaya hindi ko naiwasang sumigaw. Ilang sandali nakarinig ako ng isang malakas na tawa. “Shet ka Alex!!! Shet ka talaga!! Huwag mo ng uulitin yon!”

The Walkers {SLOW UPDATE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon