The Walkers 3

762 25 8
                                    

Nagmamadaling pumasok ang tatlong babae sa isang lumang bahay. Hinahabol sila ng mga nagkukumpulang naglalakad na patay. 

Meron silang gamit para patayin ang mga ito pero hindi ito sapat, ang kailangan lang nila ay lumayo at humanap ng ligtas na lugar. Ang isa nilang kasama ay may hawak na baril, isang 357 magnum. 

Kahit na ang isang baril ay malakas na sandata sa tingin ng marami, hindi ito kakayanin patayin ang isang katutak na walker na humahabol sa kanila.

Bakas sa mukha nila ang takot dahil kahit ang bahay ay pugad din ng mga walker hanggang sa nakahanap sila ng isang madilim na silid at nagmadali silang isara ang pinto.

Hinanap agad ng isa nilang kasamahan ang switch para buksan ang ilaw. 

Sa pagkakaroon ng liwanag sa paligid napagtanto nilang nasa isang banyo sila, hindi naman nila inaakala na may isang walker na naghihintay sa kanila don.

Errg!

“Aaaaaaaaaaahhh!!!!” hindi napigilan ng isang nilang kasamahan na sumigaw.

Sa taranta ng isa pa nilang kasamahan na may hawak na patalim agad niya itong sinaksak sa ulo. 

Sa sobrang kaba ng nararamdaman ng isa nilang kasamahang sumigaw, napaluhod nalang ito at hindi napigilang umiyak.

Niyakap siya ng kanyang nakakatandang kapatid. Ang taong nagligtas sa kanya.  

Sa inaakala nilang ligtas na sila sa kanilang pinagtataguan.

Nangyari ang hindi inaasahan... dahil sa kalumaan ng pundasyon ng pinto, nawasak ang gilid nito. Hindi kinaya ng pinto ang dami ng mga walker na kumakalampag dito.

Dahil sa nangyari.

Kita sa kanilang mukha ang wala ng pagaasang mabuhay pa. 

Hindi naman sinasadyang mahawi ng isa nilang kasamahan ang kurtina at nakita niya mula sa itaas ang isang maliit na bintana, sa karkula niya kasya siya duon para makalabas.

Siniswerte nga naman. 

Agad naman siyang gumawa ng paraan para umakyat at pilit na inabot ang bintana. Napagkaalaman niyang walang gumagalang walker sa labas kaya agad siyang lumusot dito. Wala na siyang ibang inisip kundi ang sarili niyang kaligtasan. 

Walang kamalay malay ang magkapatid na nakahanap ng paraan ang isa nilang kasamahan para makaalis sa kanilang kinalalagayan. 

Napansin naman ito ng nakakatandang kapatid na wala sa kanilang tabi ang isa nilang kasamahan at saka lang niya natanaw ang maliit na bintana.

Balak ng umalis ng babaeng nakalusot sa maliit na bintana pero napahinto siya ng tinawag siya ng kanyang kasamahan. “Anijhay!”  

The Walkers {SLOW UPDATE}Where stories live. Discover now