The Walkers 2

1K 44 16
                                    

Habang tumatakbo ako. Naalala kong malapit ang lugar na ito sa bahay ng kaibigan kong si Gee kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa kanila para makahingi ng tulong at maipaalam na rin na delikado ang lugar na ito.

Pero lagi nalang akong late sa balita at sa mga nangyari. Wala ng tao sa village na tinutuluyan nila Gee. Pagkadating ko sa bahay nila… halata na ding wala nang tao dahil sa nagkalat ang mga gamit at bukas ang kanilang mga pinto.

Tahimik akong pumasok sa likod ng bahay nila Gee, pinakikiramdaman ko ang paligid baka makakita na naman ako ng hindi kaaya ayang mukha at eating monkey flesh.

Kabado akong naghahanap ng gamot para sa aking mga sugat. Tinignan ko lahat ng drawers at cabinet sa kusina umaasa na meron akong mahanap at makaalis na agad sa lugar na ito. Para kasing pinapatay ako ng katahimikan.  

Sa kasaamang palad wala akong makita. Katabi ng refrigerator may cr na bahagyang bukas. Pakatingin ko sa floor may mga bahid ng dugo para bang hinila ang patay papasok sa cr dahil sa bakas ng dugo.

Atras abante ako sa gagawin ko. Pinagiisipan ko kung papasok ba ako sa cr o hindi. Tiyak kasing may gamot sa loob ng cr at tiyak ding may patay sa loob este buhay este patay na buhay. Argh!!! Sakit sa utak!!

Pinili ko nalang na hindi pumasok, siguro naman may mahahanap ako sa iba. Pagkaliko ko sa isang upuan hindi ko sinasadyang natabing ng paa ko yung boteng nakataob na may lamang mga pasta.

Napahawak ako sa aking bibig at bumilis ang tibok ng puso sa sobrang kaba dahil sa nabasag ang katahimikan ng buong bahay. 

Nakarinig ako ng ungol sa loob ng cr at hindi mawaring yabag sa sala. Dali dali akong lumabas ng kusina kung saan din ako dumaan.

Pagkalabas ko ng pinto nakita kong may nakatalikod na ale. Alam kong si tita yon dahil sa suot niyang bracelet na bigay ng anak niyang si Gee. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tawagin siya. “Tita!”

Ang masaya kong mukha nabalot ng takot ng siya’y humarap sa akin.

Meron siyang kakaibang kulay ng mga mata, may mga dugo ang kanyang mga bibig at ang kagimbal gimbal sa akin ay ang kanyang ukang tiyan.

Pagkakita niya sa akin mabilis siyang nagikaikang na lumapit sa akin. Tumakbo naman ako pabalik sa loob ng bahay, isasarado ko sana ang pinto pero sadyang minamalas ako dahil naabutan niya ako at nakaharang ang kalahati niyang katawan sa pinto habang pinipigilan ko siyang makapasok.

Ergh!! Errgh!! Gulk! Gulk!!

Umalis ako sa pinto and I grab a pan. Yun kasi ang una kong nakita.

Inihampas ko ito ng malakas sa ulo ni tita. “I-I’m S-sorry Tita. Sorry talaga.” Hindi ko talaga kayang saktan si tita pero… unti unting lumingon siya sa akin na para bang walang nangyari. Ibinuka niya ang kanyang bibig at akma niya na akong kakagatin.

Hinawakan niya ako sa mga balikat at agad ko naman hinarangan ng pan ang kanyang mukha pero dahil sa lakas niya, napahiga kaming dalawa at nakapatong siya sa akin.

Pilit kong inilalayo siya pero nakakapit siya sa aking damit. Narinig kong unti unting bumubukas ang pinto ng cr sa aking kanan at may lumalabas na kamay.

Sunod naman na bumungad sa akin ang duguan na mukha ng babae, tabingi ang kanyang mukha, hirap na hirap siya gumalaw dahil kalahati nalang ang kanyang katawan pero pinilit niyang dalin ang sarili papunta sa pwesto na hinihigaan ko.

“Shet! Shet! Sheeeet!” hindi ko na maiwasang hindi magmura dahil sa sobrang kabado ko at dahil sa malapit na akong maabot ng babaeng putol ang kalahating katawan.

The Walkers {SLOW UPDATE}Where stories live. Discover now