The Walkers 6

355 13 3
                                    

ISSE POV

“Hang on. Isse!” sigaw ni Lieut. Judy at mahigpit na paghahawak sa braso ko. Pilit niyang inaangat ako paatas at kahit ako tinutulungan ko din ang sarili ko na makaangat sa duct pero nabigo kami ng naabot ako ng isang walker at hinila ako paibaba.

“Aaaaahh!!!” hindi ko napigilan ang pagsigaw ng dumulas ang pagkakahawak sa akin ni Judy at muntikan ng makabitaw sa sirang duct pero panay parin ang sigaw ko dahil hinihila parin ako ng paibaba ng walker na nakahablot sa akin.

Nakita ko nalang sa harapan ko ang isang baril na may silencer at ipinutok ito sa walker na nakahablot sa akin.

“Jerome!” tawag ni Lieut. Judy dito.

“Yes! Lieut.!” Response naman agad ni Jerome kahit na hindi sila nagkakakitaan.

“Magkita tayo sa pinagusapan natin.” Sabi ni Lieut. Judy.

“Ok!” ng marinig ni Judy ang response ni Jerome tumalikod ito sa amin at parang hindi ko gusto ang binabalak niya.

“A-Anong gagawin mo Judy?” tanong ko dito.

“Basta, sundan niyo lang si Jerome.” Yun lang ang sinabi niya at nagpatuloy na siyang gumapang sa duct.

Ilang sandali nakita ko siya bumaba mula sa ventilation duct sa isang lugar na walang masyadong walker.

“No Judy! Don’t!” pigil ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan at pumito para makuha ang atensyon ng mga walkers sa aking paanan.

“Hey! psychos!” sa pagsigaw ni Judy dun na naglakad ang halos lahat ng mga walkers sa paanan ko papunta sa kanyang tinatakbuhan hanggang sa nawala na sa aking paningin si Judy kasama ang mga kumpol na walker.

Nalungkot ako at naiinis dahil sa akin mapapahamak si Judy. Meron pang limang walkers sa aking paanan at hindi tumitigil na abutin ako.

“Isse. Use this.” Sabi ni Gee habang inaabot sa akin ang isang baril.  

Kinuha ko ito at pinapitok sa limang walkers sa aking paanan.

Hindi ko akalain na makakahawak ako ng ganitong sandata. Medyo napapatalik ako dahil sa lakas ng putok nito pero hindi naman nagtagal nacontrol ko na ito.

Dun pa lang kami nakababa sa ventilation duct ng ligtas. Paalis na kami pero pinigilan ko si Jerome.

“Wait. Pano si Lieut. Judy? Kailangan natin iligtas siya.” Sabi ko kay Jerome.

“She can make it Isse. Believe in her. Just do her orders.” Yun lang sinabi ni Jerome at nagpatuloy ng maglakad.

Huli ako sa sumunod kay Jerome dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na iiwan namin si Judy sa ganitong lugar.

Lumabas kami sa isang sliding window sa isang kwarto dahil maraming nagkalat na walkers sa entrance at exit ng center clinic.

Tahimik kaming sumusunod kay Jerome kung saan siya pumunta at ligtas na makalayo sa center clinic dala ang mga gamit na kailangan namin pero ang nakakalungkot hindi kami kompletong lumabas sa clinic.

“Saan na tayo pupunta nito?” tanong ni Djen.

“Sa sasakyan na iniwan namin ni Lieutenant. Alam ko banda dito lang yon eh.” Sabi ni Jerome habang iniisip kung saan kami dadaan.

Sumunod kami sa paglusot niya sa butas ng isang fence. Medyo malayo-layo din ang nilakad namin simula ng makaalis kami sa Center Clinic. Dumaan pa kami sa isang ilog hanggang sa natanaw na namin yung kalyeng hindi simentado.

The Walkers {SLOW UPDATE}Where stories live. Discover now