Chapter 01: Middle Child Syndrome

1.1K 36 17
                                    

Chapter 1: Middle Child Syndrome

/the belief that middle children are excluded, ignored, or even outright neglected because of their birth order/

March 2014.

▰▰▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

"Wala na naman bang choice kaya ako na naman?"

Ang pagkalansing ng mga kutsara at tinidor ang nangibabaw sa kalagitnaan ng katahimikan. Apat na pares ng utensils ang tumigil sa paggalaw ngunit hindi ko ito alintana. Tuloy lang ako sa paghiwa ng hotdog gamit ang kutsara.

Tumingin ako sa apat na pares ng matang nakatingin sa akin sa bilog na lamesang ito. Nasa kanan ko si daddy at sa kaliwa si Kuya Val. Katabi naman ni dad si Irish sa kabila at si Kuya Val naman ay si mommy.

"Narinig ko kayong nag-uusap kagabi. Kailangan ninyo ng may ipapadala sa Sariaga para samahan sina Lolo at Lola."

Sunod kong hiniwa ang gitna ng sunny-side-up egg at pinanood na umagos ang kulay dilaw nito.

"Mom, are you going to send Felix kina Lolo-dad?" Irish, the youngest, asked while snickering at me.

Sinulyapan ko lamang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi pa rin niya ako napapatawad sa ginawa ko dalawang taon na nakalipas. She still doesn't get that I did it for her. Who cares anyway? Ipinahiya ko nga raw siya that time.

"Irish, he's older than you," sita sa kanya ni Kuya Val which I found a bit perfunctory but nonetheless, appreciated. Irish just rolled her eyes in response.

"Felix, anak, hindi naman pwedeng si Kuya Val mo ang ipadala namin. He's in his second year in college at-"

"Nasa magandang university si kuya at si Irish naman ay bata pa. Hindi kayo mapapakali kung malayo siya sa inyo." Itinuloy ko ang gustong sabihin ni mama.

Kabisado ko na ang ganitong litanya ni mommy at sanay na ako. Nag-aaral si Kuya Val, ako ba hindi? Hindi sila mapapalagay kung hindi nila kasama si Irish, kapag ako ba ayos lang na umalis?

"Isang taon lang naman," segunda ni dad na naunang magpatuloy sa pagkain. Sumunod naman ang lahat.

"Hindi naman po ako nagrereklamo. Excited na nga po ako."

Aabutin ko sana ang lagayan ng sinangag ngunit naunang hawakan ni mom ang sandok at saka pinagsandok si Kuya Val.

"Ang sarap ng sinangag mo, ma. Lasang asin." I tried to joke to ease the tension while chewing on the last cut of hotdog.

I've been long used to this. You think being the eldest is the hardest but you're wrong-at least sa pamilya namin. Dalawang taon lang naman ang tanda sa'kin ni Kuya Val at dalawang taon din ang tanda ko kay Irish pero kapag pinagtabi-tabi kaming tatlo, kitang-kita kung sino ang mga paborito.

Kuya Val is dad's favorite. He's the perfect son any parents would die having for. He's superior in every way: smart, good-looking, ambitious and all adjectives that sing praises. He's someone whom dad and mom can brag about in their every reunion.

Dad and mom came from two very prominent family. It wasn't a secret from the whole clan that dad was the slowest, a simpleton, among the seven children of the Gatchecos. Kaya imbes na makipag-agawan sa pamamalakad sa mga kumpanya na itinayo ni Lolo Alejandro sa probinsya, lumuwas siya ng Maynila para dito makipagsapalaran at mamuhay ng simple.

Dito niya nakilala si mommy na galing din sa isang kilalang pamilya, Decena. They love each other wholeheartedly kaya kahit na hindi kasing yaman ng mga naging asawa ng mga kapatid niya si daddy, mom chose the simple life with dad.

FLS #5: Felixir Gatcheco Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon