Chapter 03

665 28 12
                                    

Chapter 03: The Felixir Gatcheco Scandal 1

▰▰▰▰▰▰▰▰▰

/felixir/

I do not know what magic Travis did to get us an invitation for Athena's debut but just like what Kevin said, ang mahalaga ay makakapunta kami.

Sa katunayan, dito na rin sa bahay dumiretso si Kevin pagkatapos ng practice ng graduation ceremony. Pinadala na lang niya ang susuotin niya kay Travis na sasabay raw sa amin para kasama si Kuya Val.

Travis also knew about this four-year one-sided crush of mine so I appreciate his effort in getting me an invitation.

"Mas bagay 'tong black sa'yo." Hinagis ni Kevin sa'kin ang itim na necktie na nahalungkat niya sa closet. Tiningnan ko sa salamin kung babagay nga ito sa puting suit na suot ko. Saktong may black linings ʼyung gilid ng suit.

Violet at white ang theme ng debut ni Athena. Formal attire, white sa lalaki at violet sa mga babae. Para silang ube cake at kami ang white frosting. Kami ang icing sa ibabaw ng cupcake-hayop.

"Hindi ka pala bulag," puri ko sa kanya habang isinusuot ang necktie.

"Gago, anong akala mo sa'kin walang estitik?" Umupo siya sa higaan ko, katabi ni Travis na nagseselpon. "Ikaw nga hindi mo makita na wala ka na talagang pag-asa kay Athena."

Sapol.

"Tang-ina mo!" Sinipa ko ang binti niya na agad niyang naiwasan ngunit hindi sinasadyang mabunggo si Travis na muntikan ng mabitiwan ang cellphone. Nabigwasan tuloy siya sa balikat ng wala sa oras.

Hinayaan ko lang na mag-away ang magpinsan sa higaan ko. Binuksan ko ang mga drawer sa ibabang bahagi ng closet. Dito ko nilalagay ang mga relo o anumang accessories na binibili o nireregalo sa akin. May labing-limang box ng relo (iba't-ibang brand) ang nakapila. Mostly ay regalo ng grandparents ko sa both sides, may dalawa akong binili, dalawang regalo galing sa pinsan ko na si Russco at isa ay regalo ni Kevin noong 16th birthday ko.

Pinili ko 'yung itim na relos na niregalo ni daddy last Christmas sabay hablot sa lalagyan ng cufflinks na niregalo ni Kevin noong 17th birthday ko. Both were black so it totally suited my attire.

"This is weird but I really feel nervous." Napalingon ako kay Travis matapos ikabit ang cufflinks sa magkabilaang wrist.

Katatapos lang nilang magbarda ni Kevin. Ngayon naman ay nakaupo na ulit sila nang maayos sa aking higaan.

"Natatae ka lang," sagot ni Kevin na nakaani ng hampas ng unan mula sa pinsan.

"Bakit ka naman kakabahan? Debut lang ang pupuntahan natin hindi quiz bee competition."

Sasagot pa sana si Travis nang may biglang kumatok. Kevin rushed to open the door.

"Kuya Val! Iba talaga kapag may dugong Gatcheco," natatawang wika ni Kevin habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya. "Single pa ba si Irish?"

Kuya Val just glanced at him totally not minding Kevin's joke. Ako naman ay sinaluduhan siya ng gitnang daliri.

"We should go now," Kuya informed us.

"Tara na! Gutom na ako. Hindi ako kumain buong araw para may space mamaya sa handaan."

"You really have no shame," Travis commented giving Kevin a look. He's probably thinking kung pinsan niya ba talaga ang gago.

Naunang lumabas si Kevin at sumunod naman si Travis. I glanced at the mirror one last time and brushed my surf cut hair using my fingers. Nadatnan ko si Kuya na nakasandal sa pintuan habang nakakrus ang mga braso.

FLS #5: Felixir Gatcheco Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon