CHAPTER 2

0 0 0
                                    

"I therefore declare, to place the nation into the state of unawareness, that we have a common enemy and everyone must cooperate."

Ito ang mungkahi ng pangulo isang oras bago makidnapped ang Heneral. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit habang nakatiklop ang mga kamao sa mesa.

"Kung sino man ang mahuhuli na may simpatya sa teroristang nagngangalang Eleven ay papatayin nang walang paglilitis ng korte. Ang buong bansa ay nasa ilalim ng kapangyarihan ko kaya't kayo ay inuutusang sumunod. Kailangan ninyong malaman na ang bansang ito, ay bansang pinili ng nasa itaas para gabayan ang buong mundo sa tunay na idelohiya. Kailangan malaman ng lahat na ang kanilang dugong Pilipino na nananalaytay ay lahing iba sa lahat. Hindi tayo kailanman magagapi ng isang bayarang terorista na ginamit lamang ng ibang bansang nais tayong pabagsakin lalong lalo na sa nakamaskarang si Eleven!"

Malalim na ang gabi ngunit 'di parin ako makatulog. Iniisip ko ang isang rebolusyong maaaring magpabago sa hinaharap ng bansa. Iniisip ko na maaari akong tumulong sa teroristang si Eleven ngunit 'di ko kayang gawin ang isang desisyong maaaring kumitil sa buhay ko.
Lumabas ako ng bahay para magpahangin nang biglang may mga grupo ng mga kabataan na pinagbabato ang mga nakarespondeng police upang maging dahilan ng kaguluhan at takbuhan. Tumayo nalang ako sa gilid ng isang building para 'di mapagkamalang kasali sa riot ng mga kabataan nang biglang may humawak sa akin na lalaki. Di ko makita ang mukha n'ya dahil na rin siguro sa sobrang dilim ng kinatatayuan ko pero no'ng nagpakilala s'ya bilang police, natakot ako at sinabing 'di ako kasali sa kaguluhan, na isa ako writer sa isang media company at nagtatrabaho ako sa gobyerno bilang tagapagpabango ng pangalan ng pangulo. Ngunit 'di s'ya naniwala sa 'kin sa halip ay pinilit n'ya akong iposas at isinakay sa kanyang sasakyan.

"Hindi nga ako kasali dun sa riot! Mukha ba akong kabataan?"

Nagkukumahog akong lumabas sa sasakyan ngunit hindi lang s'ya kumibo.
Nagtaka ako bakit 'di n'ya ko dinala sa police station sa halip ay dinala n'ya ko sa isang di pamilyar na lugar.

"Hanggang kelan ka ba magpapanggap?" Tanong n'ya sa 'kin.

"Hindi ako nagpapanggap." Sagot ko.

"Alam kong napipilitan ka lang pabanguhin ang pangulo ngunit may lunas ako para sayo.
Bakit ka pa magpapanggap kung alam mo sa sarili mo na wala naman talagang kwenta ang iyong boss. Isa s'yang batang paslit na nakatago parin sa saya ng ina nya habang umiinom ng gatas. Di n'ya makakayanang tingnan at nasa itaas nya sapagkat mayroon itong magaspang na imahe, isang napakapangit na imahe, imaheng dahilan ba't s'ya hiniwalayan ng asawa n'ya."

"Sino ka ba? Di ka police? Kung gayon ay pakawalan mo na ko!" Naiinis kong sambit sa kanya

"Pumasok ka muna sa aking munting palasyo." Sagot n'ya.

Kinalagan n'ya ako at pinapasok ako sa bahay nya. Alam kong di sya masamang tao, alam ko sa boses n'ya.

"Alessa."

Nagulat nalang ako nang sambitin n'ya ang pangalan ko.

"Ba't mo alam ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Matagal na panahon na akong nabubuhay pagkatapos kong mabuhay na maguli. Ang iyong mga magulang ay biktima ng kapalpakan ng gobyernong ito nakalimutan mo na ba ha?"

Bigla akong kinilabutan sa sinabi n'ya, sa pag-aakala na ang kausap ko ay isang patay na muling nabuhay. Nanlambot ang mga tuhod ko at gusto ko nang umalis.

"Ba't ka matatakot sa akin kung sa iyong amo nga 'di ka natatakot. Mas matakot ka sa kanya at sa kanyang ama dahil sila ang pumatay sa akin." Sagot n'ya habang nakatalikod.

"May mga namamatay na nabubuhay ng walang hanggan."

"Ka..kanta yan ni Joey Ay..ala.." Nanginginig kong tinig.

"Tama. Si Joey Ayala. Paborito ko s'ya noong nag-aaral pa 'ko sa kolehiyo." Sagot n'ya.

Tumitingin ako sa paligid lalo na sa bahay n'ya. Marami s'yang koleksyon ng mga arts, paintings, sculptures at marami rin s'yang medalya.

"Ba't andami mong medalya?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, yan. Mga medalya ko yan sa mga sinalihan ko dati noong nag-aaral pa 'ko." Mahina nyang sagot.

"Grabe, Mathematics Champion, Debater of the Year, Astrophysics award, Scientist of the year, Young Inventors First Place, Valedictorian saka... Bar topnotcher ka pala???"

Di ako makapaniwala sa mga nakita ko. Ngunit tahimik lang sya. Ilang segundo rin s'yang di umimik hanggang sa binasag ko na ang katahimikan.

"Sabi mo nabuhay ka lang maguli. You mean, resurrected. Is that possible?

"Oo. Posible yan." Tipid n'yang sagot.

"Isang henerasyon ng matatalino ang nawala sa panahon na ang tatay ng pangulo ng bansa natin ngayon ang naghari. Ang nanay at tatay mo alam ko mga cum laude 'yon sila." Mungkahi nya upang mas lalo akong malito at mamangha. Mas kilala n'ya ako kesa sa sarili ko.

"Isa akong doctor. Ngunit nag-aral ako ng abogasya para ipagtanggol ang mga magsasaka at mga manggagawa. Habang nasa kalagitnaan ako ng community service, dinakip ako ng mga sundalo."

"At pinatay?" Agad kong tanong.

"Maaga pa para malaman mo ang lahat. Dinala lang kita dito para sa isang pakay. Kailangan mong magresign sa trabaho at isulat sa diyaryo na ang pangulo ng ating bansa ay gumawa ng isang weapon of mass destruction na kayang pasabugin ang isang buong syudad kapag nagkaroon ng rebolusyon. Ang ideolohiya ng pangulo ay kapag natalo s'ya, natalo na rin ang buong bansa. Kaya kailangan n'yang sirain ang mamamayan dahil sa kahinaan nito tulad nang kapalpakan sa pagtatanggol sa pangulo hanggang sa kamatayan nila." Mungkahi nya.

"Alam kong makitid ang utak ng pangulo pero di ko lubos na maisip na may ganito s'yang pag-iisip." Sagot ko.

"Hitler, yan ang idealismo ni Hitler."

"Malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon."

"Sino ka nga ba talaga? Ikaw ba si Eleven?" Tanong ko sa kanya.

"Si Eleven ay ang taong tinutulungan ko. Dahil s'ya ay ako, s'ya ang mamamayan, ikaw ay s'ya.

"Hindi ako kailanman magiging kasing-tapang niyo na kayang ilaan ang buhay para lamang sa isang idealismo." Mahinahon kong sagot.

"Kailangan mo lang na magkaroon ng inspirasyon para sa rebolusyon. Parang komposisyon mong paulit-ulit mo na binabago hanggang sa makuha ang tamang panlasa dahil hindi mo gusto ang ritmo. Sumasayaw ang lahat sa indayog ng musika kahit hindi nila nalalaman ang tunay na pakay ng artist bakit n'ya ito isinulat. Ang isang kompositor ng musika ay minsan sarkastiko at may mga pahaging palagi para sa mga gusto n'yang inisin, lalo na sa mga politiko."

Di ko alan pero napakahiwaga n'ya. Lahat ng sinasabi parang isang art. Lahat may malalim na kahulugan.

"May ginagawa akong kanta." Mungkahi ko.
"Ngunit di ko pa ito natatapos. Wala akong inspirasyon para tapusin ito."

"Sayaw sa Rebolusyon."

Nagulat nalang ako nang sabihin n'ya ng eksakto ang title ng ginagawa kong kanta.

"Natatakot na ako sayo. Hindi ka tao. Para kang diyos. Alam mo lahat kahit ang mga sikreto ko." Protesta ko.

"Mas kilala kita kesa sa pagkakakilala mo sa sarili mo, Alessa. Matagal ko na plinano 'to. Tignan mo ang mga pintang ito."

Itinuro n'ya ang mga pintang ginawa n'yang wallpaper sa bahay n'ya.

"Hindi ito nagsasalita pero alam mong masakit ang tiyan n'ya." Mungkahi nya sabay turo sa pinta ng lalaking nakahawak sa tiyan habang nag-aararo.

"Ba't mo naman alam na masakit ang tiyan n'ya? Pwede namang napagod lang dahil sa tirik na araw." Sarkastiko kong sagot.

"Si Eleven ang nagpinta n'yan. S'ya mismo ang nagsabi sa 'kin."

"Ang mga pintor ay mapagkunwari gaya lamang ng pangulo. Alam kong nagkukunwari lamang s'ya para makuha ang mga gusto n'ya."

Matapos itong sabihin ng misteryosong lalaking kausap ko, naisip ko si General Mendez.

"Ikaw ba ang kumidnapped kay General Mendez?"

"Mahilig ang presidente sa pag acting. Isa s'yang artista at ang entablado n'ya ay ang parliamento."

Avenge ElevenWhere stories live. Discover now