CHAPTER 4

0 0 0
                                    

PRESIDENT Socramento and Gen. Mendez's POV

"Nauto na naman natin ang mga tao. Ilang araw na lang ay magkakaroon na ng paghahanap sayo Heneral, at ang gagawin ng mga loyalista kong militar ay halunghugin ang mga sambahayan, papatayin ang kanilang mga lalaki at gagahasain ang mga magaganda nilang babae, totorturing ang sino mang papalag." Ani ng pangulo.

"Maraming representative ang congress na palihim na inaayawan ka na Mr. President. Kung magkakaroon man ng martial law ay di papabor ang mga nasa kongreso at senado na ipagpaliban ng writ of habeas corpus." Nag aalangang mungkahi ni Gen. Mendez.

"Iniisa-isa ko na sila Heneral. Isa na dyan si Madrigal na tatlong dekada na akong minamanmanan. Kailangan nilang mawala sa paningin ko para di na sila maging hadlang kung ano man ang pinaplano ko. Ang hangarin ko ay para sa mga Pilipino, para malaman nila na naiiba sila sa ibang lahi, iba sila sa mga Chinese o kahit sa mga mapuputi. Ang mga Pilipino ang nag-iisang tagapagmana ng kaharian ng Diyos at pinili sa mga huling araw para maging 'Superior race'.

Nagtawanan nalang ang dalawa habang umiinom ng isa sa pinakamahal na wine sa buong mundo. Namamatay na ang usok sa sigarilyo at kumukunat na ang kanilang pagkain. Malakas tumawa ang presidente at palihim na sumisinghot ng coca para maging hype sa kanyang mga talumpati. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na takot s'ya sa pusa at palihim na umiiyak kapag nagbabakasyon ang kanyang nanay.




SA MEETING NG MGA GABINETE


"Ikaw Dr. Sanchez binabalaan kita. Bibigyan nalang kita ng limang araw para matapos ang limandaang torture at labor camps. Sinasabi ko sa'yo, walang puwang sa bagong Pilipinas ang mga mahihina magdesisyon lalong-lalo na ikaw!" Galit na sigaw ng presidente.

"M-Malapit na po matapos Mr. President, 479 torture at labor camps na ang napagawa ko sa loob ng isang taon. Hindi yan magagawa ng doktor sa medisina." Takot na sagot ni Dr. Sanchez.

"Dapat malaman mo bakit kita kinuha. Isa ka sa pinakamagaling na doktor na eksperto sa sterilization. Ang layunin mo lang naman ay patayin ang mga taong may sakit sa utak, abnormal, may down syndrome, 'yong sinasabi nilang special. Hindi sila special, wala silang puwang sa bagong Pilipinas. Ang maiiwan nalang sa bagong Pilipinas ay kailangan kayumanggi, pango, bilugan ang mata at dapat hindi katangkaran." Ani ng pangulo.

Matatawa nalang sana ang ibang miyembro ng gabinete dahil sobrang ironic ng mga sinabi ng presidente. Ang presidente kasi ay hindi pango, chinito at matangkad hindi gaya ng tipikal na Pilipino.
Nagbubulongbulungan sila habang nagsasalita ang pangulo.

"Ibig sabihin...di s'ya kasali sa bagong Pilipinas..." Bulong ni Architect Puyat, ang tagadisenyo ng mga gusali ni President Socramento.

"Magdahan-dahan ka, maririnig ka ng pangulo..." Sagot naman ni Bishop Rodriguez, ang spokesperson ng pangulo, isa sa mga propagandista na nagsasabing malapit na ang katapusan kaya dapat ibigay na ng mga tao ang kanilang mga pera at mga ari-arian sa simbahan, magsuot ng mataas na puting damit sa mga huling araw dahil pinili ng Diyos ang mga Pilipino upang maging tagapagligtas ng buong mundo. Nababasa sa mukha ng bishop ang pang-ookray dahil napakaimposible naman talaga  ang mga naiisip ng pangulo. Baka epekto lamang daw ito ng paggamit nya ng legal na droga. Oo legal, sya kasi ang nagpalegal ng cocaine. Isa daw itong 'mana' na mula sa langit.

"Ang galing!"
Sigaw ng mga nasa meeting habang pinapalakpakan ang presidente. Kailangan busungin ang ego ng presidente para hindi madepress.






"Hindi maaaring magtagumpay ang pangulo sa kanyang mga deranged views."

"Wala nang ibang paraan para maibalik ang republika."

"Matagal na tayong naghihintay sa ganitong pagkakataon."

"Pagdating ng Setyembre, kailangan natin hulihin ang nakamaskarang si Eleven. S'ya mismo ang papatay sa pangulo."

"Ngunit sa susunod na taon pa ang fiasco."

"Mas kilala tayo ng teroristang 'yon kesa sa ating mga sarili. Wag tayong pakampante."

Nag uusap-usap ng masinsinan ang ilan sa mga elite forces ng pangulo kasama na rito si Dr. Sanchez.

"Sandoval, wala ka bang maipapayo?" Tanong ni Dr. Deveza sa kanyang kapwa Doctor.

"Tapusin n'yo na muna ang mga force labor camps at torture camps. Ipapalabas natin ito sa media pero bago pa n'yan, ipagkaisa muna natin ang mamamayan kasabay ng paghingi natin ng tulong sa America." Sagot ni Dr. Frederick Sandoval, ang topnotcher na medical expert na nag-aral sa America bilang abogado, grumadweyt lang naman bilang summa cum laude.

"Ba't pa natin tatapusin kung ipapaalam lang din naman natin sa buong mundo? At isa pa, masasabit tayo." Nangangambang sagot ni Dr. Luis Deveza.

"War is all about warframe and deception. Alam mo namang peke ang mga sinunog at pinatay sa gas chamber. Walang pinatay, lahat sila pinatira ko sa malayong islang nabili ko noong nag-aaral pa ako." Mungkahi ni Dr. Sandoval.

"Sanchez, ikaw na ang bahala sa torture camp kung saan hahatulan si President Emeritus Ludwig Socramento." Dugtong ni Dr. Sandoval.

"Kapag wala na si Soc, 'wag n'yo akong kalimutan. Ako ang karapatdapat na humalili sa kanya bilang pangulo." Pakiusap ni Dr. Sanchez.

"Walang problema Dr. Sanchez. Ikaw lang naman ang buhay sa grupo." Sagot ni Dr. Sandoval.

"Nasaan ba ang pangulo?" Nagtatakang tanong ni Engineer Matela, ang head ng elite forces.

"Nasa kwarto n'ya nagpapahinga." Sagot naman ni Prof. Eduardo Chengcaoco, ang math genius sa dekada 80. S'ya rin ay isa sa mga expert sa psychological warfare at nag indorso kay Dr. Sandoval.

Tumawa ang lahat habang tititingnan ang surveillance video ng pangulo habang nilalagyan ng kumot ng nanay n'ya pagkatapos ipagtimpla ng gatas.



"Buenos Noches, Señor Presidente. Buenos Sueños."

Avenge ElevenWhere stories live. Discover now