CHAPTER 3

0 0 0
                                    

"Ngayong gabi magiging epektibo ang curfew hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ang ating heneral ay nawawala at hanggang ngayon ay wala pang balita tungkol sa kanya. Isa lang ang masasabi ko, kailangan kong mahuli ang nakamaskarang terorista! Kailangan kong putulin ang mga kamay sa at chop-chopin sa labing-isang piraso, at malalaman n'ya na ako ang pangulo ng bansa, ako ang batas!"

"Ito ang sinabi ng pangulo sa kanyang meeting kasama ang mga payaso n'ya." Mungkahi n'ya.

"May kinalaman ka ba sa pagkawala ng heneral?" Ulit kong tanong sa kanya.

"Hindi. Hindi ko pa panahon para patayin ang heneral." Sagot n'ya.
"Itinago s'ya ng pangulo sa mismong bahay n'ya para maideklara sa buong bansa 'State of War againts Terrorist'."

"So, ibig sabihin drama lang ang lahat?" Naguguluhan kong tanong.

"Naguguhan ako, kailangan ko nang umuwi. Magtatrabaho pa ako bukas."

"Hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo, Alessa. Pinaghahanap ka na ng mga police ngayon dahil inakala nila na kasama ka sa riot. Dito ka na muna hanggang sa lumipas ang dalawang linggo. Isulat mo sa isang artikulo na ang pangulo ay naghahanda na para sa isang malaking digmaan. Mayroon na s'yang weapon of mass destruction at maaari n'ya itong gamitin sa mga Pilipinong mabibigong ipaglaban s'ya hanggang sa dulo. Ang tingin n'ya sa kanyang sarili ay diyos at pinadala ng Diyos para sa isang hangarin."

"Sino ka ba talaga? Kung mayroon kang mga pinaglalaban di kita kayang tulungan. Mahal ko ang buhay ko at ayokong ilaan ito." Protesta ko.

"Kahit pa ito ang ipinaglalaban ng mga magulang at kuya mo?" Tanong n'ya.

Natahimik ako bigla at parang kandilang nakatayo sa kawalan, di ko s'ya masagot at matingnan ng deretso.

"M-maipapangako mo ba na.... makukuha ko ang p-protekta mo?" Nanginginig kong tinig habang sinisigurado sa mga mata n'ya ang sensiridad.

"Oo. Poprotektahan ka namin. Hindi ako, tayo nag-iisa.

"Masakit ang ulo ko..."

Bigla nalang akong nahilo buti nalang nasalo ako ng misteryosong lalaki.












Di ko na alam kong ano ang nangyari pero paggising ko ay nasa kwarto na 'ko. Nagising ako dahil sa kanta.

Paboritong kanta ko 'yon.

"I love you first, I love you first... Samson..."

"Oh, gising ka na pala."

Naaaninag ko na ngayon nang malinaw ang mukha n'ya. May tahi ang kanyang kaliwang kilay ngunit natatabunan dahil sa eyeglasses nya. Maamo ang kanyang mukha at mukhang bata pa siguro nasa mga dise-nuwebe. Isa s'yang tipikal na estudyante sa kolehiyong taga- Maynila.

"Hindi ko alam pero parang 'di ka naman namatay."

Tumingin lang sya sa akin ng mga sampung segundo at tumalikod ulit para magpakulo ng tubig.

"Mararanasan mo rin ang naranasan ko at ni Eleven. Darating ang panahon na magiging isa ang ating pag-iisip." Mahinahon n'yang sagot.

Di ko maintindihan ang mga sinasabi n'ya pero seryoso s'ya sa mga pahayag nya.

"Pasista ka rin pala. Mas gugustuhin mong magiging isa lamang ang pag-iisip para sa isang hangarin." Sarkastiko kong tinig.

"Ikaw lamang at ako ang mag-iisa ng isip. Iba ang pasista dahil gusto n'yang buong bansa ang katulad n'yang mag-isip. Kailangan mong madehumanized at 'wag mo na paniwalaan ang mga paniniwala mo, baguhin mo ang isip mo, magkaroon ng takot sa gobyerno para isipin mong hindi ka mabubuhay kong di ka aasa sa kanila, 'yan ang pasista. Ang ginagawa namin ay para lamang isang palabas. Nasa mga tao na ang desisyon kung sasama sila sa aming rebolusyon." Sagot nya.

"Ang mga Pilipino ay mahilig sa palabas. Totoo yan. Dati may isang tao na ginawang circus ang Pilipinas, ginawang propaganda ang mga gusaling itinayo n'ya para ipalaganap ang kapangyarihang hindi naman talaga nag eexist. Ang mga tao kahit gutom, makita lang ang palabas ay busog na." Dugtong n'ya.

"Palabas lang ang lahat. Ngunit sa likod ng palabas na ito, nakatago ang isang plano."

"Walang lason ang kapeng ito. Galing pa itong Mindanao." Ani ng misteryosong lalaki sabay abot ng kape.

"Salamat. Nagugutom narin ako." Sabi ko.

"Sakto. May tinapay dito."

"Baka ninakaw mo yan. San ka naman galing ng tinapay na yan?" Tanong ko sa kanya habang nakasalubong ang kilay.

"Galing ito sa mesa ng senador. Kinuha ko habang natutulog s'ya sa opisina n'ya." Sagot nya.

"Baliw ka. Alam mo bang marami ka munang madadaanang mga gwardya bago ka makapasok sa opisina ng senador?"

"Isa akong doctor. Dinadissect ko ang utak ng tao. Natatanggal ko ang tumor sa utak habang gising ang pasyente."

Kahit na nakakadiri ang mga pahayag nya ay pilit kong ininom ang kape at kinain ang tinapay dahil sa gutom na sikmura.
Naalala ko, isa pala s'yang doctor. Puno ang bahay n'ya ng mga medalya na lahat nasa 1970's.

"Nagnanakaw ako pero hindi sobra. Hindi ako politiko." Mungkahi n'ya.

"Nga pala, maiba tayo. 'Yong pinlay mong kanta kanina, paborito ko 'yon." Nakangiti kong sabi.

Kaagad n'yang kinuha ang tape at pinlay ito sa cassette.

"Gusto kitang isayaw bago ang rebolusyon. Naniniwala ako na walang saysay ang rebolusyon kung walang sayaw." mungkahi nya

"Mahilig ka pala manood ng movie." Sabi ko habang tinititigan s'ya.

"Vendetta. Oo, magaling na pelikula. Kaya nga sinasabi ko sa 'yo ang lahat ng mga nakikita mo ay isang palabas lamang. Si V ay biktima rin ng mapag-abusong gobyerno, katulad namin nagdusa rin s'ya sa isang gobyernong ginamit ang media para takutin ang mga tao."

Iniabot n'ya sakin ang kamay n'ya para isayaw ako.

Natigil ang aming usapan habang isinasayaw ang napakagandang kanta sabay bulong sa akin ang katagang di ko malilimutan...

"Viva la revolucion."




Avenge ElevenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang