Chapter III

73 10 8
                                    


-

Ikatlong Persona

Isang beses pa chineck ni Ace ang inventory niya, kahit hindi naman na kailangan. For appearance lang ba, since ganoon din ang ginagawa ng iba pang examinee.

Marami pa siyang stock ng potion na nanggaling pa mismo kay Lilian. Hindi niya rin binenta lahat ng karne ng mga halimaw na pinaslang niya habang naglalakbay. Tungkol naman sa seasoning kakaunti na lang yun pero, hindi rin ito problema since mayroon namang »guardian shop«. Malaki ang naitutulong ng shop sa kaniya since hindi niya na poproblemahin ang pagkain at potion kung sakaling maubusan siya. Puwede niya rin ibenta rito yung item at rare meat ng malalakas na magical beast na nakakaengkwentro niya. Sa paraang ito walang kukuwestyon sa kaniya kung paano niya natalo ang mga ito gayong ang baba ng antas niya. Nung minsan na ginawa ito ni Ace ay inakusahan siya na ninakaw niya yung kill. Imposible raw kasi na masolo niya ang »flame tortoise« since sobrang tigas ng balat nito, at bumubuga pa nga ng apoy. Ang hindi nila alam immune siya sa apoy kaya walang epekto ang atake ng malaking pagong.

Sa totoo lang kahit na nakakuha ng magandang skill si Ace sa laban nila ng »flame tortoise« ay kahit ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa.

Nagpanguya lang naman siya sa pagong since nadulas nga siya, at sakto pa sa bunganga nito. Naisip niya nun katapusan niya na pero, mayroon siyang regeneration skill na sobrang bilis ng epekto na kayang-kaya ibalik ang naputol niyang braso sa pamamagitan nang pagmemeditate. Sa totoo lang trial and error ang nangyari, since, sino ba naman makakapagconcentrate sa pagmemeditate habang nasa bunganga ka ng isang halimaw 'di ba?

Sobrang hirap lalo pa't nadidistract siya ng sakit everytime na mababali ang buto niya. Sintigas nga ng diamond ang katawan niya pero, grabe naman ang dinanas niya para makuha iyon. Buti na lang talaga may nakuha siya dahil baka i-hunt niya lahat ng »flame tortoise« hanggang sa mamatay siya.

Kung paano niya tinalo ang pagong? Simple lang, sinuntok niya ito nang paulit-ulit mula sa loob since katawan lang nito sa labas ang matigas kaya lamog ang loob ng bunganga ng pagong after niya ito suntukin habang naka-activate ang skill niyang  »Diamond body« na isang buff skill.

Walang duration ang skill pero, kapag dini-activate ay para kang may pasan ng malaking truck na may lamang bato. The first time na dini-activate ni Ace ang skill na ito ay ilang araw siyang na-stuck sa isang puwesto dahil kahit anong subok niya sa pagtayo ay hindi talaga niya magawa. Sobrang laki rin ng crater sa puwesto niya after niya pahigang bumagsak. Ilang beses niya pa inulit 'to para masanay ang katawan niya sa bigat. Hanggang sa wala na nga itong epekto sa kaniya pero, makikita pa rin yung epekto ng bigat sa inaapakan niya. Mapalupa o sahig nagkakaroon ng crack. Kaya kailangan niya mag-ingat kasi baka ma-deactivate niya ang skill habang nasa loob siya ng isang establishment.

Habang naglalakad ay biglang tumaas ang balahibo ni Ace then mula sa itaas ay lumitaw ang isang »goblin« na may dalang club. In-equip ni Ace ang itim niyang espada at sa talas nun pagwasiwas niya ng espada kasamang nahati yung katawan ng goblin kahit na yung club na gawa sa kahoy lang naman ang puntirya ni Ace.

"What the fuck?" Hindi lang si Ace ang natulala sa nangyari, maging ang imperial mage na nakasunod sa kaniya ay napatanga pagkakita sa kinahinatnan nung goblin na sinuntok ni Ace.

Tumagos kasi ang kamao niya sa ulo ng goblin. Taliwas ulit iyon sa inaasahan niya. Natural na lakas niya lang kasi ang ginamit niya pero, ganun na kaagad ang epekto? Paano pa kaya kapag binalot niya sa magic ang kamao?

"Kung totoo lang siguro sina Tsunade at Sakura baka maging proud sila sa akin."

Gumuhit ang ngiti sa bibig ni Ace sa naisip. Wala namang halong malisya ang ngiti ni Ace, pero, hindi maiwasang makaramdam ng kaba nung imperial mage at ng mga nanonood sa akademya.

LuminousTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang