Chapter VIII

36 9 3
                                    

Ikatlong Persona

Hindi lang zodiacs ang namangha pagkatapos makita ang sabay-sabay na pagtigil nina Terry sa pag-atake sa isa't-isa nung itaas ni Ace ang kanan niyang kamao.

Hindi naman kasi exaggerated ang kilos ni Ace kaya nakakabilib na kahit na ang daming nangyayari sa paligid ay nagawa pa rin nilang mapansin ang ginawa ni Ace, patunay lang ito na malawak ang awareness nila. Hindi naman masabi nina Aries na kaya rin nilang gawin ito kasi nanonood nga lang sila, pero para nang sasabog mga utak nila sa dami ng pangyayari na hindi agad rumerehistro sa isipan nila. Tatango pa nga lang sila sa atake ng isa kina Ace ay makasunod na agad silang atake. Wala bang mga cooldown ang mga skill nila? Panay kasi ang spam ni Charlie sa wind slash niya na akala mo unlimited ang stamina niya.

“Ano ba ‘yan, Ace, nasa kalagitnaan na ako ng pagcast ng sunod kong atake. Bakit ba tayo huminto?” Maktol ni Charlie, kita rin naman ang tanong sa mukha nina Terry, pero hindi agad sila nakakuha ng sagot.

Paano nga ba naman sila sasagutin ni Ace kung wala naman sa kanila ang atensyon nito? Nakatingin kasi ito sa kawalan, para itong may tinitingnan na hindi nila makita. At nung bumigat nga ang paghinga nito at pamuuan ng pawis sa noo ay napatingin din sa norte sina Terry. Pinatalas pa nila senses nila, sabay-sabay ngang nanlaki ang mata nila nung makita sa mind's eye nila ang sunod-sunod na paglitaw ng hindi mabilang na goblins sa central plaza.

“Paanong nagawa nilang makarating sa plaza nang hindi tayo inaalerto ng mga gwardiya sa north gate?!” Wala namang sumagot kay Terry dahil nung mga oras na iyon ilan sa establishment na malapit sa plaza ang sumabog, mula sa posisyon nila makikita ang makapal na usok na mabilis na umaakyat sa langit. Naalerto na nga rin ang mga imperial knights at adventurers na malapit sa plaza.

Habang kino-contact ang vice captain ng imperial knights at captain ng imperial mage ay abala rin si Headmistress Ten sa pagbigay ng utos sa mga estudyante. Gusto sana makisali ng zodiacs sa nangyayaring labanan sa plaza, pero pinagsabihan sila ng Headmistress na ipaubaya na lang iyon sa grupo ni Terry, at sa matatandang adventurers. Mas priority kasi nila na i-secure ang akademya at ang library. Kailangan din nilang hanapin iyong mga estudyante na nasa labas ng akademya nung mangyari ang atake.

Habang nagkakagulo ang mga estudyante ay hindi naman umalis sa puwesto nila sina Ace. Katatapos lang kasi niya na lagyan ng marka ang mga lugar sa central plaza na puwede niya gamitan ng gate kung sakaling ipagawa nga sa kanila ni Terry ang naiisip niya. Sa ngayon kasi ay marami pang civilians na nasa likuran ng mga kalaban, hindi sila makalikas lalo pa’t nasa plaza na ang main force ng mga goblin. Kung lalabas naman sila sa north gate ay magiging pagkain lang sila ng mga halimaw na naghihintay sa labas nun. That's right, mayroon pang halimaw sa labas ng gate.

Malalim ngang nag-iisip si Ace kasi binabagabag din siya ng tanong ni Terry. Paanong walang umalerto sa kanila? Maari kayang wala ng buhay sa mga gwardiya na naka-estasyon sa north gate? Pero kung sakaling inatake nga sila siguradong makakapagbigay pa rin sila ng signal. Masyadong organize ang pag-atake, bumalik ang atensyon ni Ace sa nangyayari sa plaza para lang ulit maguluhan kasi bakit hindi na sila umaabante? Bago pa maglakbay na naman ang isip ni Ace ay napukaw na ni Terry ang atensyon niya.

Tinanggap niya ang party invitation na pinadala nito.

“Nginingiti-ngiti mo riyan? Akala mo siguro hindi ka magli-lead 'no?” Naging kumplikado ekspresyon ni Ace sa sinabi ni Karrie, halatang hinihintay nito reaksyon niya kasi nagtawanan sila nina Charlie.

“Ano ba 'to test? Bakit bibigyan ninyo ko ng leading role? Tayo-tayo naman ang magkakasama, no, huwag ninyo sabihin na may estudyante pa kayong isasama bukod sa akin?” Napaikot tuloy si Ace para harapin si Terry, nakita niya na kausap nito ang Zodiacs— nakangiti pa sa kaniya si Taurus. Kung ito ang isasama ay hindi nga aangal si Ace, pero kung sina Aries? Diyos ko, baka sila pa ang magpatayan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LuminousWhere stories live. Discover now