Chapter VII

27 6 0
                                    

-

Ace

Inayos ko ang balabal na tumatakip sa kalahati ng mukha ko pati na ang hood ng cloak ko. Hindi ko na kasi natiis ang tingin na iginagawad sa akin ng mga school mates ko.

Kasalanan kasi ito ni Terry. In-announce kasi niya na ako nga ang apprentice niya. Balak ko nga itong tanggihan pero may merit din ang rason niya. Ayaw ko rin naman mapag-iwanan. Kailangan ko pa rin daw na patunayan ang kakayahan ko sa mga estudyante ng MKA.

Every two weeks nga ay kailangan namin lumaban sa arena. Hindi lang kapwa ko apprentice ang puwede humamon sa akin kundi lahat ng estudyante sa MKA. Nasa sa akin na lang kung kaninong hamon ang tatanggapin ko. Sa case ko nga lang wala akong kilala sa mga estudyante rito, at wala rin naman ako balak na kilalanin sila kaya basta ko na lang kinuha sa pile ng letters yung first challenger ko, pero nakita ni Terry ang ginawa ko at boring daw kung ganun ang gagawin ko. Kaya hinayaan ko na siya ang mamili ng tatlong student na kakalabanin ko. Individually naman iyon. May dual battle naman na kailangan mage at knight ang magkakampi. At mayroong team battle na ginaganap tuwing katapusan ng buwan. Kung maipapanalo ko ang tatlo kong individual matches ay may tsansa na mapili ako sa limang students.

Hindi naman ako nababahala kasi sa dami ba naman ng estudyante sa MKA, malabo na mapabilang ako sa mga lalaban sa team battle. Fifty students ang total nang mapipili, maglalaban ang dalawampung team sa fixed field na ihahanda ng mga instructor, pagkatapos ng first rounds, yung limang team na nanalo ay lalaban sa rumble ring. Fixed field pa rin pero lahat ng team ay sabay-sabay na maglalaban-laban. Nasa sa amin na lang kung makikipagteam up kami sa ibang team habang sinusubukan na i-wipe out kalabang team. Pero ilan lang ang nananalo sa mga ganito, kadalasan kasi ay binaback stab sila nung kakampi nila. Dapat talaga kilala mo yung captain nung kalabang team bago mo tanggapin alok nila na makipagteam up sa'yo. Pero dahil nga random ang pagpili sa students ay mababa ang chance na mangyari ito.

Anyway, tumaas nga pala ang rank ko. Nakatapak na rin ako sa elite na rank. Ang laki ng binigay na experience sa akin nung pinatay kong demonic beast sa no mans land. I think may kinalaman din ito sa cursed wound na natamo ko. Dahil dito naging smooth na ang pagdaloy ng magic sa katawan ko ganoon pa man tulad ng sinabi ni Reina, isa pa rin akong manaless sa mata ng iba. Hindi ko rin ito kaya pang i-access nang hindi ako nagmemeditate. Kailangan ko pa rin humiram ng magic sa paligid para i-boost ang mana ko sa katawan.

Wala akong balak na magpatalo sa individual battle dahil sa prize na matatanggap namin, may advancement pills at enhancement pills kaming matatanggap plus recommendation para mapasama kami sa students na ipapadala sa Verona Kingdom para maging scout. Ito nga ang pakay ko since kahit na pwede ako i-recommend ni Terry ay ayaw ko naman na iasa sa kanya ang lahat.

Nasa verge na raw kasi ng civil war ang Verona kaya kailangan nila ng estudyante na kayang mag-scout mula sa malayo. Mayroon rin pala kasing »appraisal skill« si Terry pero yung sa kanya kaya makita ang list ng skill ng isang tao kahit pa yung mga nakatago. Dahil nga sa skill niyang iyon kaya nalaman niya ang tungkol sa »elemental sight« ko. Inirekomenda na nga raw niya ako sa Headmistress at pumayag naman ito, ang kaso nagprotesta ang leader ng zodiacs. Patunayan ko raw muna ang sarili ko bago niya ia-acknowledge ang kakayahan ko. Usually hindi ko siya papansinin pero ayaw ko manatili sa akademya habang nagpapakasaya sina Delta.

Kung alam ko lang kasi na ganito ka-boring umattend sa school na ito ay sana hindi na ako pumunta rito. Kasalanan mo 'to, Reina.

"Huh?! Anong kasalanan ko? Hindi ba't ikaw ang may gusto na baguhin ang tingin ng mga tao sa mga nagdaang fire guardian at sa'yo? Para gawin ito kailangan mo ng koneksyon sa mga nilalang na may mataas na estado. Ang pagpasok nga sa akademya ang mabilis na paraan!"

LuminousWhere stories live. Discover now