Chapter 1

9.8K 198 8
                                    

Sarah's POV

Hmmm! Hello? Pano ko ba uumpisahan? Ah magpapakilala po muna ko sa inyo. Ako nga pala si Sarah Enriquez fourth year high school sa Black Academy, nakakapagtaka lang ang name nang school hehe. At graduating na ko 2 months na nga lang eh. May kaya lang kami sa buhay may isa kong kapatid na lalaki his name is Joshua. Di kami masyadong close ng kuya ko or should I say hindi talaga kami close dahil hindi pa kami nagkikita since nabuhay ako sa Earth. Sinabi lang sakin yan ng parents ko na may kapatid nga akong lalaki. Sayang nga eh. Gusto ko pa naman siya makilala dahil pangarap ko na magkaroon ng kapatid na lalaki para may tagapagtanggol ako . Pero kahit wala akong tagapagtanggol ngayon pinipilit kong maging pala kaibigan para walang umaway sakin no. Tsaka mabait naman talaga ko eh pero hindi sa pagmamayabang matalino ako. Dahil gusto ko makatapos ng may karangalan syempre kahit sino naman diba yun ang gusto. At matatapos na ko sa school ko ng ako ang valedictorian. Sobrang saya nga namin eh. Tama na nga pagpapakilala ko pupunta muna ko sa bahay ng aking loving bestfriend na si Yumi.

*vibrate
(Yumi calling..)

Ayan tumawag na besh ko may usapan kasi kami eh.

"Hello besh" bungad na bati ko.

"Hoy bruha ano paimportante ka ah. Kanina pa po ko dito 10 minutes late ka na po" feeling ko nakikita ko kung pano umikot ang mata niya sa inis. Haha.

"Wow ha! Besh ang gandang bungad kahit mahinahon pa pagkakasabi mo. Tsaka papunta na po ko may ginawa lang po" paliwanag ko naman.

"Tsk! Whatevah! Kung ano man yang ginawa mo wapakels na ko kaya bilisan mo mangingitim ang white and soft skin ko dito eh. Summer pa namanhayst. Ang taray talaga. Napaka sungit.

"Oo na. End ko na to ah para----"

~Call Ended~

Aba't binabaan ako ng bruha. Pagpasensyahan niyo na lang po yon ah. Ganon lang po talaga yon bumati kaya masanay na kayo. Nagbihis lang ako ng red jeans then t-shirt na yellow at flat shoes dito ko komportable eh. Bye guys! Punta na ko kay besh.

*After 5 minutes

"Wow ha friend ang aga mo dumating sakto ka lang" sabi ni Yumi in sarcastic tone.

"Oo nga eh ang galing ko talaga no laging on time" sabi ko sa kanya na may pagsakay sa sinabi niya.

"Aray! Bakit mo ba ko binatukan?" singhal ko sa kanya.

"Gaga ka! Talagang sinakyan mo yung sinabi ko eh late na late ka na nga buti di ako nangitim dito. Dahil kung nangitim ako dito papatanggal ko yang balat mo" saglit niya na may pagkainis.

"Sorry na besh na late lang nang gising eh. Tsaka san mo ba ko dadalhin eh may pasok na tayo bukas at kailangan ko pang magreview malapit na last periodical exam natin no" sabi ko sa kanya ng mahinahon.

"Ano ba besh? Puro aral ka na lang ba? Matuto ka namang mag-enjoy kahit one day lang. Tsaka bakit ganyan suot mo? Baduy ng kulay. Yellow and red?" Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Anong Mali sa color combination ko?

"Pero ka--"

Hindi ko nanaman natuloy ang sinasabi ko dahil hinila niya na ko papunta sa kanyang kotse. Kaya wala na kong nagawa kundi pumasok.

The Campus Princess is a Gangster SLAVE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon