Chapter 21

2.5K 79 3
                                    

♡Rence' POV♡

Nagmumukmok ako ngayon dito sa kwarto ko at pinauwi muna si Kate dahil kukuha daw siya nang gamit. Naiinis lang talaga kasi ako sa apat ipagpalit ka ba naman sa isang babae. And one more thing alam nila yung tungkol sa lecheng deal na yon.

Pero nagtataka rin ako dahil bigla na lang dumating si Kate after so many years. Ipinaliwanag niya sakin na di daw totoo yung nakita ko dati. Pinilit lang daw siya nang hayop na lalaking yon at tinakot siya. Naniwala ako dahil kita ko ang pagiging sincere niya.

"*tok tok* babe?" nabalik ako sa sarili nang marinig ko ang pagkatok ni Kate.

Agad akong tumayo sa higaan ko at pumunta sa pintuan para pagbuksan siya. Pero di ko pa rin mabago ang pagiging cold ko. Di ko maipaliwanag pero parang ibang tao ang makakapagpalabas sakin non.

"Hey! Bakit ba lagi na lang yung PG na yon ang kinakampihan nang apat? Diba ako dapat? Kasi mas kilala at nakasama nila ko" siya na parang paiyak na.

"Shh.. I-it's no-nothing" inalo ko siya pero cold pa rin ako siguro nga may feelings parin ako sa kanya.

"Bakit ba? Ano bang meron ang babae na yon at mas masaya sila sa kanya? Tsaka babe promise mo sakin na di mo ko ipagpapalit sa kanya ah" sabi niya at humiwalay sa yakap.

"Hm.. Yeah!" cold kong sagot pero ba't di ko masabi ang promise?  Ayts! Ang bakla ko hindi na ko to.

Bakit ba kasi dumating pa yang babaeng yan sa buhay namin. Wala naman siyang magandang idinulot. Ginulo lang niya ang maayos naming buhay.

"Ahh tara na nagpadeliver ako nang foods" siya at hinila ko papunta sa kitchen.

"Hindi ka marunong magluto?" ako

"Diba alam mo naman yon" nakapout niyang sagot. Ako na tanga alam ko nga pala yon.

While on the other house...

♥Chris' POV♥

"Ikaw lang talaga nakatira dito?" sabi ko habang andito kami sa kitchen dahil naghahanda siya nang pagkain. Bakit? Hindi kami nakakain masyado dahil sa pagsulpot nang babaeng yon.

"Hmm.. oo pero minsan dito nag oovernight or tumitira si besh para may kasama ko" siya

"Ah pero pansin ko nitong mga nakaraang araw hindi na siya nabisita sayo" ako

"Ehem!" Nate na kala mo inubo talaga.

"May nakakamiss" Red na nagpaparinig.

"Haha uy namimiss niya si Yumi" pang aasar ni Blue at kinikiliti pa ko. Sinamaan ko siya nang tingin.

"Ate oh! Ayaw pa kasing aminin na namimiss niya di naman masama di ba?" pagsusumbong ni Blue kay Sarah.

"Hahaha di naman ata diba kuya?" buti pa to si Sarah matino.

"Namimiss niya lang ang asaran nila hahaha" pagpapatuloy niya kung sabagay may point siya.

"Siya tama na yang asaran tapos na tong sinigang maghanda na kayo" Sarah at ohmyfavorite.

"May nagniningning ang mata jan kasi favorite niya" pagpaparinig ni Red ulit.

"Alam mo puro ka parinig ayaw mo na lang sabihin" sabi ko nang naiinis.

"Chill lang haha inis ka agad eh" siya

"Oh!" Sarah at nilagyan yung mga mangkok namin nang ulam.

"Teka di ka pa kakain ate?" Blue nang makita si Sarah na naglalagay nang ulam sa malaking bowl.

"Ah mamaya na hahatid-an ko lang sila master nang ulam" siya

"Baka kumain na yung mga yon" Nate

The Campus Princess is a Gangster SLAVE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon