Chapter 19

2.7K 89 5
                                    

♥Ken's POV♥

Tanghali na nang magising kaming lahat at medyo may jetlag pa. Si Yumi hindi na rin nakauwi kaya dun siya natulog sa kwarto ni ate. At dahil tapos na ang una naming bakasyon. Eto kami bored walang magawa si Yumi umuwi muna daw may aasikasuhin pa daw kasi.

"Ang boring wala bang magandang gawin ngayong summer?" bored na sabi ni Dark sabay buntong hininga.

"Meron" biglang sabi ko.

"Ano?" siya

"Bwisitin ka ni Yumi para masaya at may thrill" pang aasar ko.

"Nangbubwisit at nang aasar ka ba ha?" inis niyang tanong.

"Hindi nag susuggest baka gusto mo lang naman" ako at ngumiti nang nakakaloko.

Magsasalita pa sana siya kaso dumating si Red na may kausap sa cellphone.

"Hello?...Yeah!...Wait bored na kami ok!....Pwede ba tigilan mo na ko at manahimik ka na mawala ka na lang sa buhay ko pwede ba?" sabi niya sa kung sino mang kausap niya at mukha siyang frustrated.

"Bro frustrated?" ako

"Yeah!" casual at bored din niyang sagot.

"Wala ba tayong vacation ulit kahit saan na maganda hindi ko masyadong naenjoy ang Palawan eh" Dark

"Ang sabihin mo hindi ka nakapang babae dahil binantayan mo rin sila Ice at Sarah" pangbabara ni Grey na biglang sumulpot.

"Tss! Bakit ako lang ba? Tingin niyo sa sarili niyo naenjoy niyo ba?" Dark

"Oo naman kasi dun nagbago si Ice at nakita ulit natin siyang tumawa nang totoo at dahil yon kay ate" proud kong sagot.

"Oo nga eh. Ano kayang ginawa don ni Sarah no?" Kevin sabay pangangalumbaba na kala mo nag iisip.

"Wag kang mag isip di bagay sayo" pang aasar ko.

"*yawn* morning masarap tulog niyo?" pagkababa ni ate.

"Oo naman haha nga pala may jetlag ka pa ba?" Grey

"Ah wala na hehe sige luto muna ko malapit na magtanghali eh" ate at akmang maglalakad na nang biglang may nagsalita sa taas.

"Sa mall tayo kakain" napanganga naman kami hindi dahil pupunta kami nang mall kundi si Ice mismo ang nagsabi na pupunta nang mall.

Tama kayo si Ice na ayaw sa maraming tao at ayaw sa attention. Ayaw niya kasi nang maingay at laging may malanding lalapit sa kanya kaya agad kaming lalapit at kami mag eentertain sa babae. Yan ang trabaho namin kapag nasa mataong lugar kami. Pero gusto rin namin. Haha.

"Yeeheeeeeey! Salamat master sige bihis na ko babush!" masiglang sabi ni ate.

Tumingin ako kay Ice at nakita ko siyang napangiti nang onte. Hindi siya yung creepy na ngiti niya kaya nagulat ako. Pero di ko na pinansin baka bumalik sa dati eh mas gusto na namin yung siya ngayon.

♡Nate's POV♡

Pumayag kaming pumunta dito sa mall dahil baka magbago mood ni Ice at bumalik sa dati. Ang sabi kasi dito na daw kami kakain nang lunch dahil nakakatamad sa bahay. Ang boring kung puro sa bahay lang ang bakasyon right?

Nang makapasok kami syempre as usual kami nanaman ang center of attraction. Ang dami ngang nalapit na babae kaso hindi namin masyadong pinapansin dahil gutom na kami. At wala kaya kaming almusal at diretso tanghalian na kami ngayon.

"Oy san tayo kakain?" tanong nang matakaw na si Blue.

Nagkibit balikat lang ako at sumunod na sa paglalakad. Malamang alangan namang nasa unahan kami eh hindi naman namin alam kung san kami kakain kaya nakasunod kami kay Sarah at Ice. Pero bagay sila ah di lang mahalata kasi magkaiba sila nang ugali. Pero sabi nga opposite do attract.

The Campus Princess is a Gangster SLAVE!?Where stories live. Discover now