Chapter 6

3.9K 120 8
                                    

♥Rence's POV♥

Andito kami ngayon sa bahay at nag iisip para sa gaganaping prom na samin inassign. Di ko nga alam kung bakit ako pumayag na gawin at sumama don. Pero ang mas gumugulo sa utak ko ay yung nangyari kahapon. Pati ako nagulat sa nangyari at ginawa nung babaeng yon di ko alam na malakas pala siya. Pero parang may hawig kasi yung mga ginawa niya at mas lalo na yung pag iwan niya nang panyo dun sa babaeng binugbug niya. Nakita ko na yon di ko lang matandaan kung kanino parang kay...

"Ice! Lalim nang iniisip ah" biglang salita ni Blue kaya napabalikwas ako at sinamaan siya nang tingin.

"Siguro iniisip mo rin yung nangyari kahapon no?" sabat naman ni Red at nag death glare na lang ako.

"Alam niyo tigilan niyo na muna yang kakaisip jan. Ang mabuti pa alamin mo na yung bahay nung babae kahapon para mapadali tayo" sabi naman ni Grey kay Dark.

"Eh ano... pano di ko alam" Dark sabay kamot sa batok.

"Nakakainis naman kasi yung babae kahapon umepal epal pa" Blue na naiinis ang tono.

"Pero ayos din yun ah ang ganda nang show" Red sabay tawa.

-_______- at eto kame.

"Eh kung alamin na lang natin bahay niya no hindi yung nagdadaldalan pa tayo dito" sabi ni Grey. At lumabas kami nang gate pero paglabas namin...

"KAYO NANAMAN? ANONG GINAGAWA NIYO DITO?" sigaw nung babaeng siga kahapon.

"Ah eh kase.." Dark na di alam ang sasabihin. At mukhang mga ayaw magsalita kaya ako na.

"Eh kayo ba't kayo nandito?" cold kong tanong.

"Dito ko nakatira" walang gana niyang sagot

"Eh dito rin kami nakatira" sabi ko na hindi parin nagbabago ang pagka cold.

"Ok. So pwede na kaming umalis ah may lakad pa kami eh" sabi nung isang babae at akmang aalis na sila nang...

"Wait lang!" biglang sigaw ni Dark.

♡Chris' POV♡

Paglabas namin nang gate para sana hanapin si ms. Masunget nagulat kami dahil saktog labas din nila sa gate.

"KAYO NANAMAN? ANONG GINAGAWA NIYO DITO?" sigaw ni astig girl. At teka may galit ba to? Lagi na lang kaming sinisigawan eh.

"Ah eh kase.." sabi ko na di alam ang kasunod. Kaya natahimik kami. Eh mas lalo kaming nagulat sa sumunod na happening.

"Eh ba't kayo nandito?" sabi ni... Ice again?

0.0 yan kami at nakanganga kung mas may lalake pa jan yun kami.

"Eh ba't kayo nandito?" cold na sabi ni Ice na mas lalong nagpatameme samin. Himala na pag nagsalita yan nang mahaba no. Pero napapansin ko ang hilig na niya magsalita ah.

"Dito ko nakatira" walang ganang sagot ni astig girl di ko pa kasi alam name niya. At teka siya lang di kasali yung isa? Malamang ako nga sabi eh.

"Ok. So pwede na kaming umalis ah may lakad pa kami eh" sabi nung laging kasama ni astig girl.

"Wait lang!" sigaw ko kaya napatigil sila at humarap nang kunot ang noo. Lumapit ako sa kanila.

"Ah eh kase..." di ko masabi pano ba to?

"Ah eh kase?" yung masungit na tinulungan ko.

"Ahmm pwede ba humingi nang favor?" sabi ko nang nahihiya.

"Sure! Ano bang favor? Basta kaya namin" sabi ni astig girl. Ang ganda talaga niya swear.

"Ah pwede ba kaming humingi nang tulong sa kanya *sabay turo kay sunget*. Tsaka napag paalam na namin sa adviser niya at kay ms. Carandang at pumayag naman sila" sabi ko.

The Campus Princess is a Gangster SLAVE!?Where stories live. Discover now