Chapter 1

2.9K 105 132
                                    

Chapter 1

B*tches come and go. Brah! But you know I stay-

Nagising ako sa ingay ng kanta. TikTok ba 'yon? Argh! Ang aga-aga. Maybe Gwyneth tampered with my phone again. 'Tong batang 'to. Tsk palibhasa bunso, matigas ang ulo. Gusto palaging nasusunod.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita siyang prenteng nakaupo sa sofa dito sa kwarto ko. Nakangiti pa siya habang nakatingin sa screen ng phone ko. Aba, sarap buhay ng batang ito. Agad akong bumangon at nilapitan siya, inosente naman siyang tumingala sa akin na akala mo ay walang ginawang mali.

"Is that my phone?" taas-kilay kong tanong. Kahit obvious namang sa akin iyon.

"A-ate.." she said. It literally sounds like she's about to cry.

"Give me back my phone. Now." maotoridad kong sinabi at wala na siyang nagawa kung 'di ibalik iyon sa akin.

"Now, go to your room," utos ko dito. Agad naman siyang sumunod. Takot niya lang sa 'kin.

Ang aga-aga istorbo. Sino ang hindi maiinis kapag ganoon? Sabi nga nila inisin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising.

Ay, hindi. Kahit gising ako, 'wag mo akong inisin.

I immediately checked my phone, thank goodness, hindi niya in-upload at sa drafts lang napunta. I'll just set a password on it so she won't be able to open it again.

I just looked at my notification on TikTok and read some comments. Psh nothing's new, may mga nagpapapansin lang sa mga videos ko. I dropped my phone and got up to take a shower and get dressed.

I am wearing our school uniform because today is my first day as a college student. I was not as excited as other students.

Ano naman ang nakaka-excite kung puro pressure lang ang makukuha ko dito?

Tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko. May kahabaan ang buhok ko at wavy ito sa dulo, maputi rin ako at mabilis mamula ang balat ko. Sinasabi nilang kapag ngumiti raw ako ay para akong maamong tupa at kapag hindi nakangiti ay para naman daw akong lion na nangangain. I rolled my eyes.

"Kia, anak." my mom called me.

"Yes, mom?"

"Galingan mo sa klase."

I just nodded. "Mom, I have to go na po. Male-late na ako po ako sa school," I immediately said, because I already know where this conversation is going.

She always puts pressure on me to succeed in school. I strive to be the best I can be at all times. Gusto kasi nilang gumaya ako sakanila, hindi lang talented kung 'di matalino at laging nangunguna sa klase.

My best wasn't good enough for them. Kahit ano'ng gawin ko, kahit magkaroon pa ako ng mataas na marka. Nothing will ever change. I get it, but it exhausting at times. I'll always be thinking about what they'd say instead of enjoying my studies.

Kung tama ba ang ginagawa ko. Kung magiging proud ba sila sa outcome. Kung matutuwa ba sila kapag pinakita ko ang grado ko.

I always think about what would they say. Sila palagi. Kahit hindi na ako masaya dahil sa pressure na nakukuha ko.

Sila na lang palagi. Paano naman ang nararamdaman ko?

My Mom is a Doctor while my Dad is a Lawyer. At masyadong mataas ang expectation nila sa akin kaya nakaka-pressure.

But it's fine because they let me take the course I want. Ayos na 'yon, kaysa pilitin ako sa course na hindi ko gusto at hindi ako masaya.

Gusto nilang maging Doctor ako. Pero simula bata pa lang ako ay maging teacher na talaga ang gusto ko.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now