Chapter 29

1.3K 29 12
                                    

Home — Daughtry

Chapter 29

"Kia, nariyan na si Zayd sa baba. Ano pa ba'ng ginagawa mo riyan?"

"Pababa na po, mommy!" sigaw ko habang sinusuot ang hikaw ko.

Siyempre nariyan si Zayd. Dapat maganda tayo.

Tumakbo ako pababa habang nakangiti. Naabutan ko siya sa baba habang kausap ni Gwy. Nagtatawanan pa sila. Kung anu-ano na naman yata ang pinag-uusapan nila.

Napailing na lang ako. Masyadong naging close si Zayd at Gwy simula no'ng pinapayagan ko nang pumunta rito si Zayd at manligaw.

I made sure I healed all of my open wounds before I let someone enter my life again.

Hindi nawala sa tabi ko si Zayd. Siya ang naging sandalan ko noong panahon nawawalan ako ng pag-asa. Siya ang nagbigay ng ilaw noong panahong puro kadiliman ang aking nakikita.

He's like a stars twinkling at me, the moon that always followed me and the light that gives me comfort.

It's been a year since I let Zayd courted me. He's not pressuring me. Hinahayaan niya lang ako sa lahat ng magiging desisyon ko.

Wala na rin akong naging balita kay Nathaniel. Huli na 'yong naging pag-uusap namin noong graduation. But I'm still hoping that someday he would find a girl who can love him unconditionally. He deserves to be happy too. Lahat naman ng tayo ay deserve maging masaya.

Gwapong-gwapo si Zayd sa suot na light pink sweatshirt at white na jeans.  Napansin ko rin ang pag-iiba ng kulay ng buhok niya.

Well, kahit anong kulay, gwapo pa rin.

"Did you dye your hair?"

Napalingon silang dalawa sa akin. "Good morning naman."

Umirap ako. "So?"

Tumawa siya kaya mas lumitaw ang biloy sa kaliwang pisngi niya.

"Yeah. Ash brown. Ayos lang ba?"

"Mukha kang unggoy," sambit ko.

"Ate! Mas mukha ka pa ngang unggoy kay Kuya!" natatawang sabat ni Gwy bago tumakbo paakyat.

"Gwy Sienna!" gigil kong sigaw.

Siraulo.

"Oh, ano'ng tinatawa-tawa mo riyan?" asik ko nang makitang tawang-tawa siya.

"Babe, huwag ka nang magalit."

"Babe? Babe? Wala pa ngang tayo."

"Mamaya. Meron na."

"May binubulong ka riyan?"

Ngumuso siya. "Wala po."

"What do you want? Juice or me?" I playfully asked.

Ngumisi naman siya at lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa bewang hanggang sa magkadikit ang katawan namin. Nilapit niya pa ang labi niya sa pisngi ko hanggang sa patakan niya ito ng halik. 

"Juice," he whispered.

"Gago," inis kong sinabi at tinulak ko siya.

Edi jowain niya 'yong juice.

"Joke lang," agap niya. "Siyempre ikaw tapos juice."

Inambaan ko siya ng suntok bago pumasok sa living room kung saan namin titingnan ang result.

I took the Licensure examination last year at ngayong araw namin malalaman ang result. Namamasa na ang kamay ko dahil sa kaba.

Ano man ang maging resulta ay alam kong ginawa ko ang lahat para rito.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now