Chapter 7

675 50 30
                                    

Dandelions – Ruth B

Chapter 7

Ang hirap pa lang mag-educ, parang gusto ko na lang maging hatdog o tumira sa refrigerator para malamig, nakakainit ng ulo 'to, e.

Nandito ako ngayon sa cafeteria, nakatambay. Nasa klase pa si N dahil hindi kami same subject today. He's taking up Bachelor of Secondary Education while I am taking Elementary Education. Kaya may mga subject na hindi kami parehas.

"Psst."

Tiningnan ko kung sino 'yong tumatawag sa'kin at bumungad sa akin 'yong lalaki sa library no'ng nakaraan. Ngiting-aso siya habang papalapit sa akin.

Umiling ako. Hindi ko siya pinansin, binuksan ko na lang ang phone ko para kunwaring maging abala.

"Leanna," tawag niya na nagpalingon sa'kin.

Napatigil ako sa pagtipa sa cellphone. How did he know my name—at aba nga naman, second name ko pa. Siya palang ang tumawag sa'kin niyan.

"Who are you?" I asked.

"I'm Lennon."

"Lemon?"

Tunog lemon, e.

"You're funny, huh? I'm Lennon Zayd Clemente," pagpapakilala niya.

Hindi ko siya pinansin. E , ano naman ngayon? Kahit artista pa 'yan, wala akong pakialam. Magti-TikTok na lang ako, kaysa mabwisit sa kumag na 'to.

There's one comment that got my attention.

His display name is Zayd.

Zayd
commented: I saw you earlier, you looked so lovely. I wanna make you mine.

Zayd. Lennon Zayd.

Siya ba 'to? Tiningnan ko 'yong date. Ito 'yong araw na nakita ko siya sa library!

I stalked his account

Zayd
@lennonjuice

        18              276K        14.4M
Following    Followers     Likes


Follow back

He's also a TikToker.

Pagsulyap ko sa kanya ay naabutan ko siyang nakatingin sa 'kin. Palipat-lipat ang tingin niya sa cellphone ko at sa akin saka siya ngumisi.

"Psh. Hey, is this you?"

"You found me," he winked at me.

"Assuming," I rolled my eyes at him.

"What do you want from me ba?"

"You."

HUH?

"I'm not joking, okay? Kung wala kang sasabihing matino, aalis na ako," sabay tayo ko, sa may hallway na lang ako maghihintay kay N.

Pagtayo ko ay ang pagtayo rin niya. Tumalikod na ako nang bigla akong madulas. Pakshet na bottled water na 'to.

"Aah!—" sigaw ko pero bigla akong sinalo ni Zayd, kaya hindi ako napasubsob sa sahig. Pero sa dibdib niya ako napasubsob! Naamoy ko ang pabango niya. Infairness, masarap sa ilong. Humiwalay ako at sinubukang kumawala agad, pero ayaw niya akong pakawalan! Napatingin ako sa mukha niya at sobrang kinis pala ng mukha niya sa malapitan. Mas makinis pa yata sa akin. Ang pula ng mga labi at mukhang malambot. I shook my head.

Katamtaman lang ang puti niya at may isang dimple sa kaliwang pisngi niya. May maliit din siyang nunal sa gilid ng leeg. Pati ba naman iyon ay nakita ko? Napailing ako at sinubukan ulit kumawala.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now