Epilogue Part I

1.6K 42 33
                                    

You’re Still the One — Shania Twain

Lennon Zayd Clemente's POV

"Ma, nasaan na 'yong ibibigay mo kay Tita Russel?"

She look at me confused. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Mukhang alam na niya ang gagawin ko.

"Alam ko na 'yan, Zayd. Ano, gusto mo ikaw na lang ulit ang mag-abot?"

Napa-yes ako sa isip ko, kulang na lang ay pumalakpak ako pero gindi ko pinahalatang excited ako.

"Kung busy ka, Ma. Ako na lang."

Tinawanan niya ako kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. Huli ka na naman, Zayd.

Huli pero 'di kulong.

"Naku! 'Wag mo akong dinadaan sa ganyan. Anak kita at kilala kita, Zayd. P'wede mo naman akong diretduhin. O, siya. Kunin mo doon sa kwarto ko at iabot mo bukas."

Ngumiti ako. "Sige, Ma. Mapilit ka, e," sagot ko at tinawanan niya lang ako.

"Kung gusto mo ay ngayon mo na ibigay," natatawang aniya.

"Bukas na, Ma. Hindi naman po ako excited."

"Sus, ako pa lokohin mo."

"Pero puwede rin ngayon kung mapilit ka talaga, Ma."

Si Tita Russel, 'yong nanay ng taong gusto ko. Kapag may gustong ibigay o ipaabot kila Tita Russel ay madalas akong mag-volunteer. Ginagawa ko ang lahat para mapalapit sa pamilya nila.

It was year 2017 when I first saw her. She doesn't know me. Pero ako, lagi ko siyang nakikita.

Kapag pumupunta ako sakanila, palagi siyang mag-isa, nakatungo at nag-aaral lang, kaya hindi niya ako napapansin. Mukha siyang hindi pala-salita at hindi ko siya nakikitang tumatawa kapag nasa kanila ako.

Mukhang seryoso palagi sa pag-aaral.

Parang ang lalim palagi ng iniisip. Parang palaging nasa malayo ang isip.

Matagal ko na siyang gusto, pero hinihintay ko lang siyang mag-college bago ligawan. Dahil puwede na siyang ligawan no'n. 'Yon ang sabi sa 'kin ng mommy niya.

Syempre, dapat makinig at sumunod ako sa mommy niya.

Naks, future mommy mo 'yon, Zayd?

Palagi rin akong nag-se-send ng message sa TikTok niya. I know she won't notice it, because she has so many followers. At alam kong hindi lang ako ang nagpapadala ng mensahe, sa ganda niyang iyon, malabong walang magkagusto sa kan'ya. Kaya nga ang lakas ng loob kong magpadala ng mensahe dahil alam kong hindi niya 'yon mababasa. Masyado siyang tutok sa pag-aaral para pansinin pa iyon.

Baka nga binubura niya lang ang mga message request sa TikTok niya, e.

"Hi, can I study with you?" tanong ko na nagpagulat sa kan'ya.

Ang cute niya talaga. Ang cute ng pisngi, ang sarap pisilin. Pero hindi ko kayang pisilin, baka sipain niya ako bigla.

Ang sungit pa naman.

"Can't you study alone?" mataray niyang sagot. Mukhang galit na.

Ang cute ng boses. Parang hindi naman galit. Sobrang soft sa pandinig ko.

Para akong hinehele ng boses niya. Kahit galit na, kinikilig pa rin ako.

"Sungit. I like that."

I mean... I love you.

"What do you want? Can't you see that I'm studying?" nauubusang pasensyang aniya.

Ngumiti lang ako. Ang cute niya talaga. Sarap niyang gawing girlfriend. Parang bagay tuloy kami.

Dance The Pain Away (Social Media Series #1) √Where stories live. Discover now