🧹🖍Greyd Payb🎟🥤

1.2K 36 27
                                    


CHAPTER ONE


"Hi classmates! Ako si Nahoya Kawata! eto si y/n kaibigan kong masiba-"

Kinaltukan mo siya ng malakas sa harap ng klase dahil sa sobrang hiya. Nagulat naman yung teacher pero hindi kayo naawat agad nung nagsalita ka.

"Anong masiba hah?! Kapal naman ng mukha mo?! Ako nagbayad sa service naten kanina kutusan kita diyan ah!" naiinis mong sigaw sa tumatawang kupal.

"Ms. L/n and Mr. Kawata.. watch your language," awat niya sainyong dalawa. Medyo naghehesitate pa yung homeroom teacher niyo na magalit, baguhan pa lang kasi siya sa pagiging guro.

Nagsorry ka nalang ng tahimik tsaka umirap kay Nahoya.

"Sorry titseeer!!" sigaw naman niya tsaka ngumiti sa teacher.

Sabay na kayong pinaupo ng teacher sa designated seat niyo.

"Oh bat ka dito uupo?" masungit na tanong mo kay Nahoya nung nakita mo siyang paupo sa tabi mo.

"Huh? bakit katabi kita? yuck, alis ka diyan," sabi niya atsaka biglang niyugyog yung upuan mo.

"WOW?! Ikaw kaya tumatabi saken! Ikaw ang umalis!" sigaw mo naman sa kanya.

"Oh bat ka nagagalet? wag ka ganyan y/n pangit mo na nga galit ka pa." Ngumiti siya ng nakakaasar.

Sa sobrang galit mo ay tumayo ka at itinulak mo siya paalis. Tinulak ka rin niya pabalik hanggang sa nagtutulakan na kayong dalawa sa likod ng klase.🤦🏻‍♂️

"Ms. L/n!! Mr. Kawata!! wag kayo mag away!"

1ST DETENTION

Nakangusong umirap ka sa kanya habang siya naman ay kumakamot ng ulo at nakangiti. Magkatabi kayong na nakaupo kaharap ang lamesa at ang guidance counselor.

"Magkakilala ba kayong dalawa?" tanong ng guidance couselor.

"Hindi ko po kilala yan," sagot mo bago umirap ulit kay Nahoya na nasa tabi mo lang.

Sumagot naman si Nahoya, "Ako po kilala ko po siya," Napansin mong nagbebehave behave pa siya sa pananalita niya. Tch, plastik palibhasa guidance katapat.

"Siya po yung malnourish na ampon nila ninang," nakangiting na sagot niya, feeling proud pa siya sa sinabi niya kaya sinabunutan mo ang kupal.

Gumawa nanaman kayo ng ingay sa loob ng silid. Sigaw ka ng sigaw kay Nahoya habang siya tawa ng tawa. At yung guidance couselor naman ay hindi makatayo sa pagkakaupo dahil naipit ang id niya sa drawer ng lamesa.

"Bakit totoo naman diba? hahahaha," sabi ni Nahoya habang hawak yung dalawang kamay mo ng mahigpit. Pinipigilan niya na masabunutan mo ulit siya.

"Kung ako ampon edi ikaw napulot ka lang sa tae ng kalabaw nung bata ka! isusumbong kita sa mama mo! akala mo nagbibiro ako? close kami ng mama mo! tawag niya sakin bunso!" sigaw mo sakanya habang pinipilit mo abutin yung buhok niya.

"HAHAHAHAHA anong bunso? baka bunsot" natatawang sabi naman ni Nahoya.

"Silence please! Miss y/sn! Mr. Kawata!" hinawakan kayo pareho ng guidance couselor at pinag layo sa isa't isa.

Nagalit yung guidance counselor sa inyo kaya para magkaayos raw kayo at magreflect sa mga ginawa ninyo ay pinaglinis kayo ng room. Alam mong walang connect yon at wala ring mangyayare kaso sumunod ka nalang kasi gusto mo nang makauwi. Partida first day of class pa yon, buena mano talaga kasi may kasama kang epal.

𝗖𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗢𝗨𝗣𝗘 (Extended Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon