😠🥓Freshman .1🤒📏

528 31 56
                                    




CHAPTER FIVE

"1 2 3 4 5 6 7 8! 2 2 3 4 5 6 7 8! 3 2 3 4 5 6 7 8! and 8 7 6 5 4-3-2-1!!" sigaw ng choreographer sainyo.

Hinihingal ka na dahil hindi ka makabasay sa steps kahit ilang beses mo gawin. Hindi ka kasi sanay sumayaw at hindi naman malambot ang bewang mo.

"ano y/n kaya pa?" hingal na tanong ni Baji sayo. Kapartner mo siya pero sa ibang section siya galing.

40 students ang pinili na galing sa iba't ibang grade para makipag participate sa Regional Dance Showdown. Nagulat ka nga dahil umpisa palang ng 1st grading ay may magaganap na agad na ganito. Hindi ka naman makatanggi sa teacher nung sinabihan ka na sumali dahil dagdag raw ito sa grades.

"Guys water break 10 mins!" sigaw ng choreo.

Nagsialisan naman sa formation ang mga kasamahan mo at kayo naman ni Baji ay sabay maglakad papunta sa mga bag niyo.

"Oh y/n tubig oh may libre raw" sabi ni Baji tsaka inabot sayo yung water bottle na hawak niya. May dalawa pa siyang hawak sa isang kamay niya.

"Ah sala-" aabutin mo na sana ito ng may biglang kumuha.

"Thank you Baji! napakabait mo talaga pre" nakangiting sabi ni Nahoya tsaka binuksan yung bote at ininom.

Natawa si Baji habang ikaw naman ay naiinis na tumingin sa kanya. Inabot pa ni Baji sayo yung isa niyang hawak at agad mo naman itong tinanggap.

"Baji, rank tayo mamaya?" biglang sumulpot si Chifuyu sa likuran ni Baji habang nagpupunas ng pawis.

"G, tapos sabihin mo mamaya kay Mikey wanbiwan kame" mayabang na utos ni Baji sa kanya tsaka tumungga uli ng tubig.

"Pre wag mong kakalimutan pabuhat ka lang, Mythic yon, master ka palang hahahahahaha" natatawang sabat ni Nahoya.

Nainis si Baji kaya naghabulan silang dalawa.

"Ikaw y/n nage-ml ka?" tanong ni Chifuyu sayo.

"Hinde, di naman ako nagseselpon lagi" sagot mo sa kanya.

"Gusto mo turuan kita? duo tayo?" nakangiting yaya sayo ni Chifuyu. Na-gets mo agad kung ano ibig niyang sabihin.

"Ang lantod mo! lumayo ka nga saken!" sabi mo tsaka kunwaring ipapalo mo sa kanya yung water bottle na hawak mo.

Umiwas naman siya, "Hahahaha joke lang! lagot ako kay Smiley" natatawang sabi niya habang nakahawak sa ulo niya.

"Anung lagot kay Nahoya? sakin ka matakot! kayang kaya kitang kalbuhin gamit kamay ko" matapang na pambabanta mo sa kanya.

"Bat kayo naglalandian? umalis lang ako saglit pinagpapalit mo na ko y/n ah, panget panget mo na nga mag checheat ka pa" sabat naman ni Nahoya nung makabalik na siya sainyo.

"Luh pinagsasabi mo hah?" lumapit ka sakanya, "baliw! siraulo! adik!" pinaghahampas mo si Nahoya habang siya naman ay tumatawa habang naka cross arms na umiilag sayo.

"Adik sayo~ awit saamin~" kumanta si Baji sa gilid kasama si Chifuyu kahit mali mali mga lyrics.

"Okay guys formation na ulit!"

Bumalik na ulit kayo sa pagpapractice ng sayaw at hindi mo na ulit pinansin si Nahoya.

Medyo napapadalas na yung mga ganung klaseng biro ni Nahoya sayo simula nung matapos yung fieldtrip nung Grade 8 kayo. Mas lalo pa itong lumala noong naging kaclose mo na ang mga barkada niya na sila Baji, Chifuyu at Mikey.

Halfday lang kayo kaya umuwi ka na kaagad. Inunahan mo na si Nahoya umalis para hindi siya makasabay sayo. Pagod ka kasi kaya ayaw mo nang mabwisit pa.

𝗖𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗢𝗨𝗣𝗘 (Extended Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon