Chapter 52

49 6 0
                                    

Chapter 52

Lia's P.O.V

" Sinong may pake?" Sabi ko rito at tinalikuran. Bago pa man ako tuluyang mapaahon ay parang makumagay sa paa ko.

Kaya nag madali akong tumakbo sa buhangin para tignan ang paa. Pero wala namang kumagat. Napatingin ako kay Julius ng marinig ko itong tumatawa. May hawak itong dalawang maliit na stick.

Nag peace sign ito habang tumatawa.

" Can you stop teasing me?!" Bulyaw ko rito.

" Sorry na nag bibiro lang eh." He laugh like there's no tomorrow.

" He's crazy." Bulong ko rito.

Naupo ako sa buhangin. Nilaro ko yung nahahawakan kong buhangin. Nakatingin lang ako kay Julius na nakikipag laro Kay Jade habang nasa tubig.

Oo nga pala wala pala akong pamalit ng damit. Bakit pa kasi nya ako hinila.

Nang magsawa sila sa tubig ay, tumatawa silang umahon. Nag punta sa side ko habang nag babatukan.

Ilang taon na kaya silang mag kaibigan? They look like a couple. I can say Jade is beautiful, she have a short black hair. Maganda rin yung hubog ng katawan nya. Pwede syang maging model.

" Hoy! Lalim ng iniisip mo ah." Ayan na naman itonh si Julius.

" Wala... Ano pala magiging pamalit ko. Hila ka kasi ng Hila." Sabi ko rito.

" Pahihiramin ka ni Jade ng mga damit. Siguro naman mag ka size lang kayo." Sabi nya habang naka tingin sa dagat.

" Wait, ihanda ko na rin pala yung ipapahiram konh pamalit mo." Ani ni Jade na nasa tabi ni Julius. Tumayo sya at umalis, pinanood ko naman syang pumasok sa kubo.

" Hoy... Antahimik mo naman." Sabi nitong katabi ko.

" Wala, tinatamad lang mag salita." Sabi ko rito. Natahimik sya hanggang sa tumayo at nag punta sa harapan ko.

" Bakit?" Naguguluhan kong tanong. Inilahad nya ang kamay nya kaya inabot ko ito. Hinila nya ako pa tayo.

" Hali ka. Punta tayo sa bahay namin. Malapit lang naman dito pero hintayib muna natin yung damit mo na ipapahiram ni Jade." Sabi nya at hinila ako papalapit sa kubo na pinasukan ni Jade kanina.

Naabutan namin itong sinusuot ang tsinelas.

" Oh, palabas na sana ako para ibigau tong mga damit." Sabi ni Jade at inilahad yung hawak nyang kulay black na damit, at maong na short.

" Ah, salamat. Paalis na rin kami ibabalik ko nalang itong mga ipinahiram mo kung makakabalik pa kami." Sabi ko rito at ngumiti ng pilit. Inilahad nya ito at kinuha ko naman.

" I hope you have fun, Lia. For sure makakabalik ka ulit rito. Goodbye, ingat kayo sa daan uulan pa naman ata." Sabi nito. Okay, I admit she's also kind.

" Thank you, Jade. I really do have fun." Sabi ko rito. Syempre plastik lang yun. Wala naman kaming masyadong ginawa, kumain lang ata at little chitchat.

Nag paalam na kami sa mga matatanda na  nasa kabilang kubo din. Nang maka pag paalam ay hinila ako ni Julius hanggang sa kotse nya. Maka hila akala mo naman tatakbo ako.

Ipinasok ko sa backseat yung damit, isinara ko ito at binuksan naman yung passenger's door. Oo, basa pa rin kami.  Kahit sya naman. Dahil walanghiya naman ako, pumasok na ako at umupo.

" Siguro naman pwedeng umupo dito kahit basa." Sabi ko rito nung nakapasok na sya. Tinawanan nya naman ako.

" Okay lang, basa rin naman ako. Atsaka sa bahay kana mag palit, dahil baka mamaya maabutan tayo ng ulan sa daan. Wala pa namang maid sa bahay na pwede mong paghiraman." Sabi nya. Tumango nalang ako, inistart nya naman yung engine.

The Four Girls in All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon