Chapter 59

40 1 0
                                    

Chapter 59

Lia's P.O.V.

'At Ika'y sasabihan
Bukas ng alas-siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo'

Nakita ko namang tumayo si Harris at lumapit Kay ate Lori. Alam kasi namin na dapat walang humawak kasi ate Lori, dahil Kay Lane lang sya. Medyo protective kasi si Lane kay Ate Lori kahit naman sakin, or sa aming mag pipinsan.

'Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko'

Ngayon naman ay si Seven ang tumayo, pinasa kay Liam ang gitara, dumaan sya sa harap ko at nag tungo kay Scar. Kaagad naman na naka kunot ng noo si Scar, habang kumakain ng marshmallow.

" Ano?" Inis nyang tanong kay Seven.

" Tara sayaw." Sabi nito at walang sabing hinila si Scar pa tayo, padabog nyang binaba ang kinakaim at sinundan si Seven.

Hindi kalayuan sa pwesto ni Scar ay nakita ko David, na naka tingin kila Scar habang nag aalab ang mga mata. Tinatawanan naman sya ni Vhince at Julius. Out of nowhere napalingon sa akin si Julius, kaagad ko namang inilihis ang tingin ko.

Mamaya sabihin nya gusto ko sya. Pero half true and half false yun.

'Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko.'

Nakita kong tumayo naman si Julius, napalingon ito sa aakin kaya nag tama ang tingin namin, si Vhince naman ay todo asar kay Julius.

Hindi ko na ito pinansin dahil baka si Sare ang isayaw nya, hindi naman kasi kami masyadong close at si Sare ang madalas nyang kakulitan. Pero nag bago iyun nang may maramdaman akong tao sa likod ko.

" Lia, s-sayaw tayo." Narinig ko pa ang panginginig ng boses nya.

" Dali na!." Pag tutulak sa akin ni Sare na nasa tabi ko lang.

"Psh." Pilit ako tumayo at humarap Kay Julius, kaagad syang napangiti at inilahad ang kamay nya.

" Bakit ba ako nalang lagi ang napapagtripan dito." Pag mamaktol ko.

" Hindi kaya kita pinag tritripan." Sahi nito, halata naman narinig ni Lian kaya inihinto nito ang pag strum at kinatyaw kaming dalawa.

" Ituloy na yung kanta!!" sabi ni Seven na tumatawa na rin.

" Tara?" Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila nya na ako papunta kila Naline na sumasayaw rin habang tumatawa.

Inihawak nya ang kanyang kamay sa aking baywang at ipinatong ko naman ang aking kamay sa kanyang balikat.

'Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko.'

Pag sabay nya sa kanta, naka tingin ito sa mata ko habang binibigkas nya ang mga salitang iyon. Ano bang ibig sabihin nung mga kataga na yun?.

Umiwas ako sa mga mata nya na para bang hinihigop ako pag matagal kong tinitigan. Ayaw kong makigo with the flow dahil ayaw kong masaktan. Paano ko pinagtritripan nya rin ako?

Napansin ko naman naman na tumayo si Vhince at natatawang hinila si Sare patayo. Natawa nalang ako nang hawakan ni Sare ang leeg nya habang ang kamay naman ni Vhince ay naka hawak sa baywang ni Sare.

Tumatawa ito habang sinasakal sya nang magaling kong kaibigan, ngayon ay wala nang mga babaeng naka upo, kaya nag kayayaan ang iba na lalaki lalaki nalang ang sasayaw. Tawang tawa kami habang nag sesway ang mga lalaki naming kaklase, sabay sabay kasi sila.

The Four Girls in All Boys SchoolWhere stories live. Discover now