Chapter 53

51 5 1
                                    

Chapter 53

Julius's P.O.V

Ganda nya pala pag tulog, pero pag gising parang dragon. Lumapit ako sa kanya hanggang sa umupo na ako sa gilid ng kama nya.

Hindi ko alam, pero bigla ko nalang nakita ang sarili ko na hinahaplos sa pisnge nya. Her cheeks are so soft, a cotton maybe.

Masyado ata akong nawili sa pag haplos sa pisnge nya, hindi ko napansin na gising na pala sya. Naka tingin sya sa akin ng masama. Nginitian ko naman ito ng sarkastiko.

" Gising na, babe. Go to shower. I'll prepare our breakfast." Pambibiro ko, ngumisi ako ng mas lalo nya akong sinamaan ng tingin. " Okay rin namang maligo ulit ako para sabay tayo—aray!" Kaagad akong napatayo ng himapas hampas nya ang balikat ko.

" You can use my sister's clothes, or if you don't want, you can use mine." Pambibiro ko ulit.

" Labas, tangina nito!" Sigaw nya sa akin.

Tumatawa akong lumabas sa kwarto ng kapatid ko. Nag prepare lang ako ng toasted sandwich and coffee. Nang matapos ako ay saktong pag baba nya galing sa taas. Ang bilis nya namang maligo.

Nakasuot sya ng pula na t-shirt at naka tack-in ito sa skirt na white. Naka white rin syang sneakers, na galing lahat sa kapatid ko. Same size lang pala sila.

Pumunta sya sa kusina at kinuha na rin ang platito para kumain. Ngisi ngisi ko syang tinignan.

" Dukutin ko yang mata mo, kanina ka pa nakatingin ah, ngisi ka pa ng ngisi. Ang pangit mo naman." Inis na sabi nito. Gusto ko sanang tumawa kaso sinabihan nya ako ng pangit. Sabi kaya ni Mommy gwapo ako!

" Porket maganda ka lang." Bulong ko, mukhang narinig nya kaya lumingon sya sa akin at tinignan ako ng masama.

" Ano?" Inis nyang tanong.

" Ang sabi ko dalian mo riyan para makalarga na tayo." Sabi ko rito, dinalian nya naman pero sinamaan nya parin ako ng tingin. Pabiro ko nalang syang tinignan bago kunin yung susi ng kotse ko.

Pag katapos kumain ay nag sipilyo na ako, pati na rin sya. Nauna akong nag punta sa labas at inopen na yung gate. Kusa naman yang mag sasara eh.

Sabi ni Mommy, niregalo daw ito ng Lola nya sa aming mag papamilya, gawa raw ito ng asawa ng kaibigan ng Lola ni Mommy. Oh diba hindi mo rin gets, ako rin eh.

Nang lumabas na si Lia ay nag punta na ako sa driver's seat, sya naman ay sa kabila. Nang makapag seatbelt na sya ay saka ko na inandar yung kotse. Dahan dahan ko syang inilabas sa garahe, hanggang nasa kalsada na kami.

She asked kung pwedeng mag pamusic I just said yes. Ano pa bang magagawa ko. Buong byahe namin ay sumabay lang sya sa kanta. Ako naman ay paminsan minsan rin sumasabay.

She got a soft but at the same time a rocky voice.

'So let me fall, let me break

Under everything unsaid

Just let me die 'cause I can't take

Living with what's in my head.'

Pag sabay nya sa musika. Kung Hindi lang nagmamaneho ay papanuorin ko nalang sya, kaso nag mamaneho ako eh. Maganda sya, magaling kumanta at matalino rin, kaya pala gusto sya ng karamihan sa amin.

Katulad ni Atlas, kaklase namin. May itsura sya, matalino rin at magaling kumanta, siguro ay bagay sila. Ako kasi, parang paos na nga mag salita, parang pinagkiskis na kaldero pa kung kumanta. Well, sabi lang nila yun. Malay mo mabago ko ang tadhana at gumanda ang boses ko.

The Four Girls in All Boys SchoolWhere stories live. Discover now