The Last Chapter

3K 71 11
                                    

NAGSIMULA ang lahat nang gabing 'yon. Ang akala ko simpleng araw ay siya pa lang babago sa takbo ng buhay ko. Sino bang mag-aakala na mangyayari ang mga bagay na 'yon sa isang tulad ko? Pero sabi nga, Expect the unexpected. Dahil sa pangyayaring 'yon, nagbago ang ikot ng mundo ko. May mga bagay na tila nawala at naglaho. Higit sa lahat, may mga importanteng pangyayari sa buhay ko na para bang hinele sa aking alaala upang pansamantalang makatulog at malimutan. Kasama siya roon sa mga alaalang 'yon na ngayon ay muling nagising.

"Bakit ngayon mo lang sa akin sinasabi ang mga bagay na 'yan, JK? Akala ko ba walang lihiman? Ang daya mo naman, e." Kahit na malumay ang tono ng kanyang pananalita ay mababakas pa rin sa tinig niya ang pagkadismaya.

Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang maamo niyang mukha. Agad kong kinuha ang dalawa niyang palad at tinitigan ang nangungusap niyang mga mata. "Matagal ko naman nang gustong sabihin sa 'yo ang tungkol sa paglipat namin, kaya lang..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ako kasabay nang pagbawi ng kanyang mga palad.

"Kaya lang ano? Natatakot ka sa magiging reaksyon ko? Na baka hiwalayan kita dahil lang sa aalis kayo?" Sandali siyang huminto at nag-iwas ng tingin. "JK, hindi ako gano'n. Alam mo 'yan."

"Sorry..." 'Yun lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko kasabay nang pagtitig ko sa sahig. Naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay sinira ko ang tiwalang binigay niya. Ang laki kong tanga!

"Alam mo, matagal ko na rin namang alam ang tungkol sa paglipat n'yo. Aksidente kong narinig ang usapan n'yo ni Tito nang minsan akong dumalaw sa inyo. Isa pa, wala namang problema sa akin kung aalis kayo. Alam mo kung bakit?" Muli niyang ibinaling sa akin ang kanyang tingin, "Malaki ang tiwala ko sa 'yo, JK." Sa mga huling salita na binitawan niya, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon