OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 17

3.9K 92 31
                                    

CHAPTER 17

 OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

Makalipas ang ilang saglit bumukas ang pintuan ng Resto bar.

Nilingon ko ito at nakita ang paparating na si Ella.

Pero--

SINO ANG KASAMA NYA?

Habang lumalakad ito papasok sa loob, pinagmamasdan ko lang ang mukha nito.

Bakit tila pamilyar nga sa akin ang mukha nito?

Nakita ko na ba ito?

Marahil oo.

Ngunit paano at saan?

Hindi ko maalala, marahil ay hindi ko pa naman talaga siya nakikita.

Hay, Ewan!

  

“Tsss…”

Lumapit sa aming kinauupuan si Ella at ang kasama nito.

Nang madako ang aking tingin sa aking katabi na si Ed, kakaibang ekspresyon ang aking nakita sa kanyang mukha.

Nagseselos?

Oo, nagseselos nga ang mukhang iyon.

SA AKING PALAGAY.

"Hello guys!" bungad na bati samin ni Ella, kasabay noon ay nilingon niya ang nakasimangot na si Ed.

"Oh, Ed? What's with that face?" tanong ni Ella.

Walang anu-ano'y tumayo si Ed at umalis sa kinauupuan.

Nagsimula na itong lumakad patungong banyo.

"Anong problema non?" tanong ni Ella.

"Baka nagselos dyan sa kasama mo." sagot ni Nickolai.

"Bakit naman sya magseselos? Isip bata talaga ‘yon.”

“Hayaan na nga lang natin sya, by the way guys, this is Kris."

Kasabay noon ay lumapit sa amin ang kasama niya.

“Wag ka nang mahiya, mababait naman yang mga ‘yan.” Bulong dito ni Ella.

At nagpakilala nga ito sa amin.

"Ummm…hello sa inyo. I'm Kristine Pauleen Alegre. Nice to meet you all." bati nito.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Where stories live. Discover now