OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 32

2.5K 63 8
                                    

CHAPTER 32

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

NICKOLAI'S POV

*yawn* Kasabay ng aking pag-hikab ay in-unat ko ang aking mga kamay, pagkaraan noo'y bumangon na ako sa aking kama. Habang kinukusot ang aking mata ay napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. Biyernes na pala ngayon, ang bilis talaga ng araw. Hindi mo namamalayan matatapos nanaman pala ang isang linggo.

Tumayo ako at binuksan ang bintana na malapit sa aking kama. Dumungaw ako sandali doon para maka-langhap ng sariwang hangin. Hmmmm... Presko!

Medyo madilim pa sa labas at nag-sisimula palang sumikat ang haring araw. Marahil ay masyadong napaaga ang gising ko.

Umupo muli ako sa kama at iniwanan ko lang na nakabukas ang bintana at tumingin sa wall clock na naka-sabit sa pinto ng kwarto ko. 5:45 am palang pala. Napa-aga nga masyado ang gising ko. Babalik pa sana ako sa pagkakahiga pero mas minabuti ko ng bumangon dahil baka mamaya makatulog muli ako at tanghali na akong magising.

Nagtungo na ako sa banyo na nasa loob lang din ng kwarto ko at nag-hilamos para mawala ang antok. Nag-toothbrush na rin ako. Pagkayari noo'y dumiretso na ako sa kusina para magluto ng breakfast ko.

Sa ngayon ay nag-rerent lang ako ng apartment malapit sa North Sky University. Alam nyo naman ulila na kong lubos. Wala na ring kamag-anak na mahihingan ng tulong. Mag-isa nalang ako sa buhay, pero kahit ganon hindi ko naman nararamdaman na nag-iisa nga ako. Alam kong may mga taong nagmamahal at nag-aalala para sa akin. Alam kong nariyan ang mga kaibigan ko. Sila na ang itinututing kong pangalawang pamilya. Masaya akong kasama sila.

"Good Morning Papa, Good Morning Mama." Bati ko sa larawan ng mga magulang ko na nakalagay sa ibabaw ng mini table sa sala. Haaaayy. Tuwing makikita ko ang picture nila na ito ay parang gusto kong bumalik sa nakaraan. Noong bata palang ako at buhay pa ang mga magulang ko. Maaga kasi silang binawi ng Poong lumikha. Alam ko namang pagsubok lang iyon. Pagsubok na dapat kong lampasan. Buti nalang at nalampasan ko nga iyon. Naging mahirap man para sa akin pero kinaya ko lahat. Napagtagumpayan ko lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko at handa parin akong harapin ang mga pagsubok na darating pa.

Malayo-layo na rin ang nararating ko sa paglalakbay kong ito na tinatawag na buhay, ngayon pa ba ako susuko? HINDI. Hinding hindi ako susuko kahit ano pang ibato sa'kin ng kapalaran. Alam kong malalampasan ko rin lahat ng ito.

Pagsubok lang iyan. Pagsubok na susubukin ang iyong katatagan at buong pagkatao. Hwag papatalo at lalong lalong hwag mawawalan ng pag-asa. Sabi nga GOD IS GOOD. Anjan ang diyos, handang umagapay. Ikaw lang ang kanyang hinihintay.


 

* * * * *

"Yung I.D. ko pala naiwan ko sa kama. Aissh. Engot!" nagmadali na akong bumalik sa loob para kuhanin ito. Nasa labas na kasi ako ng apartment ng maalala ang I.D. ko na nakalapag sa kama. Engot. Tsss.

"Muntik ko ng makalimutan. Buti nalang at naalala ko. Mahigpit pa naman yung guard namin don. Kahit na alam na studyante ka doon hindi ka parin papapasukin pag walang I.D. Nakakainis. Pero--- kung sabagay, ginagawa lang niya ang trabaho nya. Haaay, Makaalis na nga." Tumayo na ako at isinuot ang I.D. na naiwan sa ibabaw ng kama. Napansin ko namang nakabukas parin pala ang bintanang binuksan ko kaninang umaga. Isasarado ko na sana ito pero dumungaw muna ulit ako at inilibot ang aking paningin sa mga bubong ng bahay na matatanaw mula rito.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Where stories live. Discover now