Chapter 28

5.2K 222 59
                                    

Andrei

"Papa!"

Napalingon ako kay Joshua nang tawagin niya ako.

Agad kong pinatay ang TV at tumayo nang makita ko siyang buhat-buhat si Baby Yumi na umiiyak.

Kinuha ko mula sa kaniya si Baby Yumi at dinuya duyan ito.

"Anong nangyari?" Tanong ko dito.

"Hindi ko po alam kung bakit umiyak eh, tiningan ko naman po ang pampers niya kung puno pero hindi pa po, yun po kasi minsan ang dahilan ng pag-iyak niya."

"Kumain na ba siya?"

"Opo, mga biscuit po na dinurog durog."

Tumango tango ako dito.

"May laman pa ba milk bottle niya? Baka gusto niyang uminom ng gatas kaya umiiyak." Tanong ko dito.

"Meron po yun laman, hanapin ko lang po papa, tinapon niya po kasi kung saan-saan sa kwarto."

Tumango ako dito kaya tumakbo siya papasok sa kwarto.

Umupo naman ako habang buhat-buhat si Baby Yumi, habang nakaupo ay ginagalaw galaw ko ito para tumahan pero umiiyak pa din.

"Papa, ito na po." Binigay sakin ni Joshua ang milk bottle nito kaya agad ko naman tong inalog-alog at dahan-dahan na dinikit sa labi niya.

Napangiti ako nang agad niyang kagatin yung nipple nong bottle at tuluyan ng tumahan.

Gusto niya lang palang milkbottlefeeding.

Pinunasan ko ang pawis ni Yumi at hinalikan ito sa noo.

Lumingon ako kay Joshua. "Kumain ka na?" Tanong ko dito.

"Opo, nasan po pala si Nanay, papa?" Tanong nito.

"Magbilang ka ng limang araw na dadaan, yun, wala dito si Yaya kapag ganon."

"Ahh." Tumango-tango ito.

Napansin kong bumaling ang mata niya sa cellphone ko, ang tagal ng titig niya don bago niya binalik kay Baby Yumi ang tingin niya.

"Hiramin mo muna tong cellphone ko, maglaro o kaya manood ka."
Sabi ko dito at inabot sa kaniya.

Abot langit naman ang ngiti niya.

"Sige po, salamat po." Ngiting ngiti na sabi niya at umakyat pa sa sofa at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Pinakawalan ko ang ngiti ko nang pumasok ito sa kwarto namin, dalawa lamang ang kwarto dito, yung isa okupado na ni Kuya habang yung isa naman ay saming tatlo.

Hindi na ako nanood ng TV, si Baby Yumi na lang pinanood ko habang pikit ito.

Sinandal ko ang likod ko sa sandalan ng sofa at nasa kisame ang tingin.

Parang magulang ang dating ko dito.

Nag-iisip ako ng kung ano-ano na hindi ko na namalayan ay nakatulog ako.

Nagising na lamang ako nang nakahiga at nang maramdamang may mabigat sa katawan ko at basa ang aking kaliwang dibdib.

Minulat ko ang mata at nanlaki ang mata ko sa nakita. Nakataas hanggang leeg ko ang damit ko.

Si Baby Yumi nakadapa sakin habang nasa nipple ko ang bibig niya at yon ang ginawa niyang milk bottle. Nakapikit siya, tulog na tulog.

"D*mn, i don't have milk, Baby Yumi."

Nakita ko ang milk bottle niya na nasa sahig.

Nahulog niya yata dahil nakatulog siya pero bakit ako ngayon nakahiga at nakadapa siya sakin, buti na lang hindi siya nahulog, maiuuntog ko sa dingding ulo ko kung sakali man.

Expressionless BottomNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ