27

23.2K 444 16
                                    


If you don't go after what you want, you'll never have it. It's as simple as that. So, don't wait for miracle to be happening if you're not daring to any effort on it.

* * * * * * * *

Cassie

MASAYA akong nakatunghay sa mag ama ko habang nagkukulitan. Nag decide si Jed na dalhin kami dito sa isang private resort sa Batangas kasama nila Jairus, Freya, Dan at Mira pati narin sina Amanda at Jake.

"Ang suwerte mong babae ka." biglang singit ni Amanda na wika habang nag pi-prepare kami ng tanghalian namin.

Yup. Swerte talaga ako. Sa araw-araw na nakakasama namin si Jed nag iiba na ang tingin ko sa kanya. He is so responsible, maaalahanin, loving.. Napapayag na rin niya akong itira sa malaking bahay niya. Masaya ako. Masaya ako sa naging desisyon ko ng piliin kong bigyan ng pagkakataon si Jed.

"Nag proposed na ba?" intrigang tanong naman ni Mira habang pinapaypayan ang niluluto niyang barbeque.

Umiling ako saka nagpakawala ng isang tipid na ngiti.

"Bakit?! Baka naman tinatarayan mo na naman? Kilala kita, amasona ka, baka magsasalita pa lang si Marco sinusupalpal mo na!" inirapan ko si Amanda. Sobra ang tingin niya sa akin ah. Kaibigan niya ako, infairness. Pero kung ka-judge daig ko pa ang kriminal talaga.

"B-baka humahanap lang si Dok ng tamang moment." paliwanag naman ni Freya na ikinalaki ng tenga ko. Well, sige, siya na talaga ang anghel. Hindi na ako nagtataka na mahal na mahal siya ni Jairus dahil lahat ng bagay may reason siyang maganda.

Ngumiti ako ng pasasalamat sa kanya sa pagtatanggol sa akin laban dito sa dalawang evil witch na kasama namin. Himas nito ang malaking tiyan niya, kabuwanan na din kasi niya.

"Freya, kilala namin iyang si Cass hanggang sa ingrone niya. Walang ibang dahilan si Marco para hindi siya pakasalan unless na lang kung nagpapakipot pa rin yung isa diyan." pahaging ni Mira pero obviously ako ang pinatatamaan niya.

Huminga ako ng malalim bago nag salita.

"Una sa lahat, hindi ako nagpapakipot. Pangalawa, hindi ko siya tinatarayan. At pangatlo, hindi pa naman siya nagpo-proposed sa akin kaya bakit ako mag ye-yes sa kanya?!" nauubusan na ako ng pasensya sa mga ito.

Sino ba ang hindi gustong makasal sa lalaking pangarap mo ng makasama buong buhay mo? Diba wala? Pero hindi ko namang gustong pangunahan si Jed at ayain siyang pakasalan ako, nakakahiya, ka-babae ko pa namang tao. Hindi rin naman ako nagmamadali, kuntento na ako na nakikitang masaya ang anak namin sa pagdating ni Jed sa buhay ni Jazs. That's more than enough for me.

"Pero diba, si Marco na rin ang nagsabi na gusto niyang maging legal na Lopez si Jazsmine? That wouldn't be possible unless he marries you, Cassie,"

Alam ko ang ibig ipakahulugan ni Mira. Iba ang kaso namin ni Jed sa kaso nila ni Dan or ni Amanda at Jake, marami ang nangyari sa mahabang panahon na hindi kami nagkasama. Mas okay na rin sa akin itong kinikilala namin ng lubos ang isa't-isa.

"It's just a piece of paper Mira, ang importante is yung nagkakasundo kaming pareho sa pag papalaki kay Jazs,"

"Unbelievable," sinimangutan ako ni Mira sa pahayag ko tungkol sa pagpapakasal.

I mean, who cares? As long as nagkakaunawaan kaming dalawa ni Jed walang problema.

MATAPOS naming maihanda ang tanghalian naming lahat at marindi sa mga sermon ni Amanda at Mira sa akin napagpasyahan kong lapitan si Jed at Jazs.

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon