31

22.6K 465 8
                                    


The best things in life are unseen, that's why we close our eyes when we kiss, cry, and dream.

* * * * * *

Cassie


MATULIN na lumipas ang mga araw. It was indeed, the happiest days of my life. Parang lahat naaayon sa panig ko. Kahit na ilang taon man akong nagdusa sa sakit at kalungkutan. Heto naman ngayon, bumabawi na ang tadhana sa long over due na happy ever after naming kuwento ni Jed.

We had decided to plan our wedding after Jazsmine's fourth birthday. Tuwang-tuwa ito dahil sa sobrang pag aabala ni Jed para sa birthday party niya. Unang pagkakataon kasi na magsi–celebrate si Jazsmine na kasama ang daddy niya kaya hindi na ako kumontra pa.

"Daddy, I want a purple gown for my birthday!"

Kumunot naman ang noo ni Jed sa tabi ko ng marinig niya ang winika ng anak. Were having our quality time dahil Linggo, at kung ano man ang bagong nalaman ko sa kanya, iyon ay ang habit nitong pag singhot sa leeg ko.

"Baby doll, are you sure? Bakit hindi pink...or yellow? The usual colors pick by girls?" sumimangot lang si Jazsmine pagkarinig niya sa tinuran ng daddy nito. Itinigil niya pansamantala ang paglalaro niya kay Barney saka matalim na tumitig sa ama.

"Daddy, I'm not just an ordinary girl." Naka tulis ang nguso nitong sabi, "I'm a princess!" anas nito na ikinatulala ni Jed. Lihim akong napangiti sa reaksyon ni Jed saka niya ako tinignan na parang may kasalanan ako.

"Baby naman, magpapamana ka na nga lang bakit yung katarayan mo pa?" buntong-hininga nitong sabi. Kung namana man ni Jazsmine ang buong mukha ni Jed, puwes sinalo naman nito ang lahat ng ugali ko, maging ang katarayan ko.

"Once you got pregnant, bawal ang magsungit, okay?" babala nitong sabi saka ako kinintalan ng halik sa noo. Agad naman akong namula pagkasabi nito.

Jed wants me to get pregnant as soon as possible. Iyon ang goal niya ngayon at talagang wala siyang kapaguran sa pagpa-praktis sa gabi.

"Puwede ba kapag tapos na ng kasal ko? Ayoko namang lumakad sa simbahan na parang nakalunok na ako ng bola no! May gusto akong isuot na wedding gown and it needs me to be fit para hindi ako mukhang suman." maanghang kong litanya sa kanya. Umasim naman agad ang mukha nito pagkabanggit ko ng wedding gown na gusto ko.

"Oh, no baby! Definitely not that fucking gown!" he hissed on me. Agad kong tinampal ng mahina ang bibig niya saka pinadilatan ng mata.

"Iyang bibig mo, Lopez! Your daughter is here." sermon ko sa kanya. Padaskol naman itong napakamot sa ulo nito.

"Why you should pick a gown that almost reveals your skin, babe!" masungit pa rin nitong tanong. Ipinakita ko na kasi sa kanya yung design na gusto ko. Si Amanda ang nag isip ng concept at nag dagdag na lang ako ng ibang details. It was a bare back halter wedding gown.

"Jed, it's not everyday a woman gets married. I want it to be special. At iyon na ang huli kong pagkakataong makakapagsuot ng ganon, gusto ko namang maalala ako ng tao bilang si Cassie, the model who was once one of the brightest star." nakanguso kong sagot. Hindi ako papayag na hindi ko masusuot iyong gown na iyon. Pinaghirapan yatang gawin ni Amanda iyon para lang sa akin.

"Gusto mo bang mabulag ang lahat ng lalaking a-attend ng kasal natin, babe? I can pull out their eyeballs the moment they stare at you. You are just mine. I don't want to share what's mine. Lalo na kapag ikaw ang pinag uusapan, kahit tingin lang iyon. I can be murderous if I want to."

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon