WARNING: Ang mga susunod na eksena ay may mga mahahalay na salita na di angkop sa mga nagpapanggap na inosente. Charot! Please be guided na lang. SPG.
__________Do not look back and grieve over the past, for it is gone and do not be troubled about the future, for it has not yet come. Live in the present, and make it so beautiful that it will be worth remembering.
* * * * * *
Cassie
NAWALA ang pagkahilo ko ng marinig ko ang sigaw ni Jed kanina. It wasn't my plan to get drunk. Siguro talagang nasaktan lang ako sa baba ng tingin sa akin ni Jed. I just wanted to let my hearts content out kaya naisipan kong uminom ng konti, but it led me to a bait with this mestizong hilaw.
Pakiramdam ko liliparin na ako sa sobrang gaan ng paligid ko. Dahil, kahit papaano nag-alala siya sa akin.. hinanap niya ako..
"I'm taking my wife home. Bakit may angal ka?"
"We will go home baby...I'm sorry..."
NAPAPIKIT ako habang malinaw pa sa utak ko kung paano niya sinabi iyon. How I wished it was really true kasi ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa kung magkatotoo man iyon. Kaso alam ko ring hanggang doon lang ang pag-aalala niyang iyon sa akin dahil nakukunsensya lang siya sa nagawa niya kanina.
"O-okay na ako Jed, kaya ko ng umuwi mag isa. Salamat sa paghanap mo sa akin." Pilit akong umalis sa pagkakayakap niya sa akin habang naglalakad kami, malapit na kami sa mga cottages namin. Ilang sandaling natahimik si Jed na nakatingin lang sa akin. Hindi niya alam kung susundin niya ba ako o makikipag babaran siya dito sa akin ng tayo.
"Baby, I'm...I'm sorry for what I have said. I didn't even think!" Sapo niya ang mukha niya gamit ang kanyang dalawang palad. "Selos na selos ako kanina. Galit na galit! Kung papaano ka nila hangaan, kung papaano nila tignan ang dapat ako lang ang nakakakita, baby. Tang ina. Makakapatay ako." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kita ko rin ang frustrations sa mukha niya ng sabihin niya iyon.
"It's not my intention to hurt you babe, hindi ko lang alam kung papaano ko iha-handle ang pagseselos ko ng hindi ako makakapag salita ng hindi maganda. It is...It is new to me, again. The whole jealous thing! Dammit!" Hirap na hirap si Jed sa pag papaliwanag sa akin samantalang ako naman ay tulala lang na nakatingin sa kanya habang frustrated ang anyo ng mukha niya at dahil na rin sa gawa ng espiritu ng alak, lumakas na ang loob ko.
"Hindi mo naman kailangan magselos, Jed. Una pa lang alam mo naman na mahal kita." napalunok ako, hindi ko lubos maisip na masasabi ko ang ganito.
Halos maduling na ako sa sumunod na ginawa ni Jed ng pagpantayin niya ang mga mukha namin at ikulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. Pigil ko ang mga sumunod kong mga paghinga dahil naninikip ang dibdib ko sa sobrang init ng dapo sa balat ko ng hininga niya.
"Mahal na mahal kita, Cassie. It pained me double when I saw you hurt about what I have said. I'm sorry, I am really s-sorry." nanginginig ang boses ni Jed. Kahit pa madilim ang langit kita ko ang kislap sa gilid ng mga mata niya.
Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya? Simple lang. Dahil lulubog ako sa lupa kapag itanggi ko pang hindi ko siya mahal. At simula ng tanggapin ko sa sarili ko na mahal ko pa nga siya, inihanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng sakit na maramdaman ko hatid ng sobrang pagmamahal ko sa kanya.
"No worries, Dr. Lopez," haplos kong sabi sa mukha niya. At gawa ng alak na nananalaytay ngayon sa katawan ko, walang hiya-haya kong inabot ang pagitan ng mga mukha namin saka ko siya hinalikan.
BINABASA MO ANG
Medical Batchelor Series 3: A Love to Last
RomanceI'm a selfish brat! I do whatever I want to do. I say whatever I want to say. But when I met him, malinaw na sa akin ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Until that tragic situation that I need to chose between his undying love and happily ever afte...