CHAPTER 37

962 43 13
                                    

LIAM'S POV

Medyo busy ako ngayong araw kasi nag aasikaso pa kami sa kasal namin ni irene, plano kasi namin na ikasal na bago pa umabot ka buwana niya.

Nandito ako ngayon sa office, meron kasing isang may ari ng restaurant sa ibang bansa na pakikipag partnership sa isang rearurant na itinayo namin dito noon nandito pa si lester.

Nga pala matagal tagal narin akong walang balita sakanya tinatanong ko lang sila bea kung ano na balita kay lester, hindi ko siya maka message dahil nahihiya ako na kausapin siya.

Kaya hanggang tingin nalang ako sa mga post niya sa instagram.

Kaya hanggang tingin nalang ako sa mga post niya sa instagram

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang tumatagal lalong nakaka akit yung mukha niya. Nabalitaan ko pala yung nangyari sa mama niya alam kong masakit kay lester na mawala pa sa piling niya yung mama niya pero kilala ko si lester hindi siya basta sumusuko.


Parang malabo na rin na maging kami kahit mahal na mahal ko siya mukhang masaya na siya kasi may kasama na siya sa mga picture niya.
Kasalanan ko rin naman kung galit or ayaw niya na saakin, malabong mamahalin niya pa ako, may anak at pakakasalan na akong tao na makakasama ko habang buhay.

Habang tinitignan ko ang litrato ni lester bigla nalang pumasok si irene aa office ko

"Hi babe, may dala akong lunch mo" agad ko naman binitawan cellphone ko at lumapit sakanya. Hinalikan niya ako at inihanda ang pagkain niyang dala.


"Pinagluto kita ng pasta"


"Sino kasama mo pumunta dito?"


"Ako lang, dont worry nanjaan naman si manong"


"diba sabi ko sayo wag ka na naglalalabas ng bahay, baka mapano kayo ng anak mo"

"Nag iingat naman ako babe, kumain ka na nga lang. Mainit nanaman ulo mo, busy ka ba masyado?"

"No, hindi naman masyado"
Agad na akong kumain ng dala ni irene kamina pa kasi ako nagugutom

Habang kumakain ako siya naman paikot ikot lang sa office ko. Habang kumakain ako parang napansin ko na tumugil siya sa paglalakad niya, nilingon ko siya sa table ko nakita ko nakatayo siya at hawak ang cellphone ko. Naalala ko binaba ko lang lala cellphone ko at hindi ito na off kaya agad agad akong tumakbo sa kinakaupuan ko at agad na kinuha sa kamay niya yung cellphone ko.


"Siya parin ba? Ano ka ba liam may anak kana sakin, ikakasal na rin tayo pero siya parin nasa puso't isip mo?" sigaw na sabi nito

"kumalma ka irene, bawal sa buntis ang sumigaw at ma stress" pinapakalma ko siya dahil baka may mangyaring hindi maganda sakanilang dalawa.

"Paano ako kakalma kung ganyan maabutan ko dito, ganito ka ba lagi dito ha?" sabi nito at agad na lumabas ng office ko pero sinundan mo siya baka kasi mapano.

Pag labas ko nakatingin lahat sakin ng emoleyado ko

"Ano? Mag trabaho kayo" sigaw ko sakanila, bumalik naman sila sa ginagawa nila. Agad kong sinundan si irene.

Ng maabutan ko siya hinawakan ko siya sa kamay "Gusto ko lang naman malaman kung okay lang yung tao, kahit papaano may pinagsamahan kami"

"pinagsamahan? Or mahal mo pa yung tao? Pag ito nalaman ng daddy mo ewan ko nalang"

Agad na itong sumakay sa kotse ni manong.


"manong dagan dahan nalang po sa pag da-drive"


"yes po si-" sagot ni manong pero pinaalis na agad siya ni irene


"Manong drive na, bilis ano ba"


"Ingat manong ah"


Agad namang pinaandar ni manong ang kotse. Hinintay ko muna na mawala sa daan ang kotse nila bago ako pumasok sa loob.

Habang naglalakad ako, may mga naririnig akong nag bubulungan

"kayo, ano yan nalang ba ang gagawin niyo dito? Lagi kayong ganyan, ayus ayusin niyo trabaho niyo, hindi ko kayo sine-swelduhan para pag usapan ako"  sigaw ko sakanila, tuwing pupunta si irene dito wala na silang ibang ginagawa kundi mag daldalan ng ganyan nakaka inis na.

"back to work, bwisit" dagdag ko pa bago ako pumasok ng office ko.

Agad kong pinulot yung cellphone ko na naka bukas pa, tinitigan ko muna mukha ni lester bago ko ito inoff.

Naupo ako sa may table ko at agad naman na nag simula ulit sa mga gagawin ko, inaasikaso ko pa yung makikipag partnership saamin.

_____________________

Ayan lang po muna midterm po kasi namin, need mag aral ni author eh. Thank you parin sa mga sumusubaybay.

PERFECT SECRETARY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon