CHAPTER 28

1.7K 100 8
                                    

LESTER'S POV

Alam na ni mama na may trabaho ako dito. 8hours ang pasok ko, ngayon na yung start pero parang hindi pa ako ready bwisit na manager yan oh.

And yung hayup na doctor na yun, bwisit siya first kiss ko yung ninakaw niya. Hindi yun para sakanya eh. Para yon sa taong mahal ko.

Yung sa operasyon nga pala ni mama umaga yun, kaso nga lang hindi ko siya masasamahan kasi pang unaga rin ako, nandiyan naman si tita para samahan siya eh kaso mas kailangan ako ni mama doon, feeling ko tuloy parang wala akong kwentang anak, pero sana maintindihan niya para sakanya naman lahat ng ginagawa ko eh.

Maaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok, bakit kasi hindi nalang panggabi ang malas naman ng buhay ko, sa totoo lang gusto ko nalang mawala kaso hindi pwede may umaasa saakin eh, and ayokong mamatay ng birhen charrr. Basta yon tuloy ang buhay kahit mahirap.

Nakapaligo naman na ako at nakapag almusal 7 am kasi start ng work ko.
Kaya 6:30 umalis na ako sa bahay.

Ng makarating ako sinuot ko na yung uniform kong mukhang takip ng lamesa sa mga karinderya.

Ng masuot ko na agad kong kinuha yung tray na kakailanganin ko, hindi na ako nag ayos ng sarili ko hinayaan ko nalang na magulo yung buhok ko and yung suot ko.

Pag labas ko ng room na pinagbihisan ko ang daming tao kahit umagang umaga mga uhaw sa alak tong mga tao dito. At mga babae na kung makasayaw akala ko may pa premyong magaganap.

Bakit ba ang init ng ulo ko ngayun? Habang hinuhusgahan ko ang mg tao dito may tumawag naman saakin

"Waiter"

"Yes sir"

"Can i have coors lite?"

"Yes sir, just wait"

Nagtanong ako sa bartender kung meron ba yung beer na hinahanap nung ulupong na yun. Ng makakita si kuyang bartender agad niya itong binigay saakin at agad ko rin inihatid sa bwisit na yun.

"Excuse me sir your drink" sabay abot ko sakanya, ang daldal ng hinayupak na to hindi ata ako marinig kaya sa inis ko kinalabit ko siya.

"Sir your drink" sa wakas lumingon din agad niya itong kinuha, aalis na sana ako kaso

"Wait, are you new here?"

Daming tanong

"Yes sir" sabay ngiti ng plastic

"Can you join u--"

"No sir" agad akong umalis dahil wala akong oras makipag usap sa kanya, feeling ko s,x lang habol nung mga yun. And hindi lang sila yung customer

Nakakailang oras na ako dito kaya naman iritang irita ako, habang nasa gilid ako may nakita akong pumasok mula sa pinto, si ace, hindi ko siya nilapitan para tanungin kung anong order na alak at pulutan nito, baka mamaya nandito lang yan para dumaldal sa manager ko.

Pero nakita niya ako kaya tinawag din ako.

"Ano gusto mo?"

"Ikaw"

"Well hindi na ako pwede"

"I mean ikaw, ano bang ma se-serve mo na masarap saakin. Wag kang feeling"

"Hoy ako pa naging feeling eh kung ihampas ko kaya sa pag mu-mukha mo tong hawak ko?"

"Red wine lang sakin"

Agad kong umalis sa harap ni ace para kumuha ng red wine na yan. Ng makakuha ako agad akong lumapit sakanya ng palapit ako sakanya parang kinukuhanan niya ako ng picture.

"O red wine mo" agad niya itong kinuha habang may ginagawa sa cellphone niya

"Hoy pinicturan mo ba ako?"

"Oo, cute nga oh" sabay pinakita niya saakin yung picture ko na ang gulo ng itsura ko wala akong kaayos ayos.

"Delete mo yan kung ayaw mong matuluyang mahampas nitong hawak ko"

"Sungit mo naman, gusto ko lang naman makipag kaibigan"

Kaibigan? Tapos may halikang nagaganap?

"Mukha mo kaibigan, delete mo yan"

"No ayoko"

Hindi na ako nakipag talo kaya aalis na sana ako kaso bigla niya akong hinila

"Ano nanaman? Kulang paba yung isang baso na wine? Doon ka umupo sa harapan ng bartender hindi yung pahihirapan mo akong utus utusan"

"Ang sungit naman pala nitong waiter na to"

Pagkasabi niya non agad niya ulit kinuha yung cellphone niya at mukhang may tinatawagan.

"Hello ian yung isa mo kas--"

Agad kong kinuha yung cellphone niya para patayin yung tawag. Ng mapatay ko na nakita ko yung picture ko kanina, wallpaper niya na. Kaya naman napatitig ako sa cellphone kasi may naalala ako.

"Oh bakit natulala kana jan?"

"Wala may naalala lang ako" agad ko din naman na inabot yung phone niya sakanya.

"Lester the operation is tomorrow"

"Paano niyan hindi ako makakapunta pang umaga ako, tita ko nalang papasama ko kay mama"

Bakit sa ganito ayaw niya kausapin si ian para namna masamahan ko mama ko sa hospital.

"Nakausap ko na si ian jaan, napaalam na kita sakanya, yun yung pinunta ko dito"

"Ganon ba" tumayo na ako at babalik na sana sa trabaho ng bigla siyang magsalita

"Walang thank you? Kiss nalang kung pagod ka magsalita"

Ayus din tong hayup na to

"Edi thank you" nakita kong ngumiti siya. At umalis na din kaagad

Sheeet wag marupok self. kaibigan lang daw kailangan niya hindi ka ibigan.

Nagpapasalamat din naman ako at naisipan niyang kausapin kaibigan niya para doon, kaya naman kahit papaano sumaya din ako.

After namin mag usap bumalik na ako sa ginagawa ko.

__________________
Sorry hindi ako nakapag ud kagabi.

Thank you sa lahat ng nag aabang sa story ko na to, nasa 45k reads na tayo nakakaiyak namannnnn.

PERFECT SECRETARY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon