CHAPTER 22

2.3K 111 6
                                    

Liam's pov

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si lester sa kompanya. Oo madali lang makahanap ng ibang secretary, alam ko namang may kayang pumalit sa pwesto niya, pero iba kasi si lester, iba na rin yung tama ko sakanya..

Tinatawagan ko siya kanina pang pag alis niya sa party, pero hindi niya sinasagot. Ano naman kasing dahilan niya para mag resign. Ok naman yung sweldo niya, or baka naman hanggang ngayon nahihirapan parin siya ayaw niya lang ipahalata?


Hindi ko na alam ang pinag iisip ko. Sa dami ng nainom kong wine kanina nahihilo na ako, kaya naman nag punta na ako sa aking higaan para makahiga at makapag pahinga.


"Liam gising"

Paggising saakin ni lester, pag mulat ko ng mata ko yung mukha niyang napakaganda ang una kong nasilayan, hindi ko alam bakit nahulog ako sa kapwa ko lalaki, totoo nga yung sabi nila na love has no gender.

"Tayo na jan, may good news ako" sabi nito natuwa ako dahil may good news siya baka napagisipan niya na hindi na siya mag re-resign.


"Ano yun?" tanong ko

"Tumayo ka muna jaan at maligo" sabi nito

Kaya agad akong tumayo at naligo dahil sobrang excited ako sa good news niya.. Bago ako pumasok sa cr

Tinanong ko siya, "may bad news kang kasama?" Tanong ko


"Wala" sagot nito, parang ang tamlay niya ano ba talagang problema nito? Wala namang akong ginawang masama sakanya bakit nagkakaganyan siya.. Hays bahala na


Pag pasok ko sa cr nagmadali akong maligo, shampoo dito sabon doon toothbrush jaan. Pag tapos kong maligo pinuntahan ko siya para tanungin kung ano yung good news


"So ano yung good news mo? Tanong ko habang kinakain ko yung sandwich na nasa lamesa

"Yung restaurant dito na binisita natin is tapos ng gawin, pati yung sa korea, so kelan niyo balak buksan? Mag set na ba ako ng meeting with Mr. Julian?" Mahabang sabi nito


Akala ko naman kung ano na yung good news niya, well para sa akin hindi good news yon.

"Ano bang problema mo?" Pasigaw kong tanong

Nakatingin lang ito sakin ng poker face.

"Wala, bakit?"

"Bakit naisipan mong mag resign at magpakalayolayo?"


Hindi niya sinagot ang tanong ko

"So mag se set na po ba ako ng meeting?" Tanong nito ulit pero may po na

"Yes" sagot ko

Umalis ma kami sa bahay para pumunta sa office.
Tahimik lang kami sa kotse hindi kami ng uusap, pero napapansin ko na tumitingin siya saakin.

Ng makita kong mapansin kong nakatingin siya saakin tinignan ko rin siya.

"Ano ba talagang problema mo?" Tanong ko pero mahinahon na tono

"Wala naman, iniisip ko lang yung mama ko" sagot nito habang nakatingin saakin.

"Matagal ko ng sinasabi sayo ako na magpapagamot sa mama mo" sabi ko habang nakatingin ako sa dinadaan namin, baka mabangga kami.


"Wag na nga kaya ko naman, isipin mo lang yung kompanya" sabi nito

"Sige, pero paano na yung kompanya kapag wala kana, paano na rin ako?"

"May mas magaling pa na secretary saakin. And anong paano ka? Para sabihin ko sayo wala namang tayo, ano bang label natin? Boss lang kita at secretary mo lang ako" sabi nito umuulit yung hiling linyang sinabi niya saakin na "Boss lang kita at secretary mo lang ako"


Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa office.

----------------------------
Hindi ko pala na publish😂 sarreh

PERFECT SECRETARY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon