CHAPTER 23

2.5K 128 12
                                    

Lester's pov

Nang nakarating kami sa office hindi parin kami nag kikibuan ni liam. Gusto kong sabihin na ayaw ko, sabi kasi ng daddy ipapakasal siya kay irene.

Wala na akong magagawa dahil problema na nilang pamilya yan hindi ko na kailangan makielam, wala namang akong papel sa buhay nila.

Dahil wala naman ang ginagawa pumunta muna ako kila lawrence

"mukhang may problema ka ahh"sabi ni bea

"Wala naman iniisip ko lang yung operasyon ni mama sa US" sabi ko

"Wag ka mag alala ipagdadasal namin si tita" sabi ni brish

"Mag-iingat ka doon ahh, tawag ka lang pag may libre kang oras" lawrence

"Salamat sainyo ah, kaya ko naman na gawa to kasi para mapagamot ko mama ko"

"Naiintindihan ka namin" bea

Ayoko kong alukin yung sinabi ni liam na siya na magppaagamot sa mama ko, kagagawan din ito ng daddy niya. Ayaw niya daw na malapit ako sa tabi ni liam kaya mag resign daw ako, hindi ko alam bakit napapayag niya ako , isa narin siguro doon yung alok niya na lahat ng gastusin sa mama ko sa pagpapagamot, umalis lang ako sa tabi ni liam.

Pumunta ako sa loob ng office ni liam para papirmahan sakanya yung resignation letter ko.

"Sir resignation letter ko po" saka ko inabot sakanya

Kinuha niya ito at agad na pinirmahan at inabot sakin ng walang man lang sinasabi. Baka nagalit talaga siya sa sinabi ko.

Lumabas ako sa office niya, malapit naman ng uwian kaya naman nag early out nalang ako sa trabaho.

Pumunta ako sa bar kung saan nag ta trabaho si lucas para narin makapag paalam ako sakanya.

Pagapsok ko sa bar nag hanap ako ng mauupuan, sakto nakita ko si lucas
Tinawag ko ito para kausapin

"Kailan alis mo?" Tanong nito

"Huh? Paano mo nalaman?"

"Sinabi ni lawrence" lucas

Bwisit talaga yung lawrence na yun kalalaking tao ang daldal

"This sunday" sagot ko

"Magiingat ko doon ahh" sabi nito

"Ikaw ang mag ingat, wag puro hanap gulo, kaya ko sarili ko" sabi ko sakanya

Umorder nalang ako ng wine para naman may mainom ako kahit papaano.

"Pumayag naman ba yung boss mo na mag resign ka?"

"Oo pinirmahan niya na yung resignation letter"

"Basta mag iingat ka doon, balik n aako sa trabaho"

"Sige sige" sabi ko

Kinlahati ko lang yung iniinom kong wine at agad narin ako umlais sa bar para umuwi sa bahay namin ni mama, para tulungan siya mag impake, pag uwi ko nalang sa condo don ko aayusin nga gamit ko.

Pag pasok ko sa bahay naabutan ko si mama na nag aayos ng gamit niya kaya naman agad ko siyang nilapitan para tulungan baka kasi mapagod siya.

"Nanditi kana pala, kumain kana ba?"

"Hindi pa ma, maupo na muna kayo ako na po mag aayos"

"Sige, sandali ipaghahanda kita"

"Sige po"

"Saan kaba nakahiram ng pera pang opera saakin?" Tanong ni mama

Napahinto ako sa ginagawa ko, hindi niya alam na bigay lang yun para unalis ako sa tabi ng minamahal kong tao

"Sa kaibigan ko lang po"

"Saka bakit kailangan mo pang umalis sa trabaho mo dito?"

"Kasi ma mas magaling ang mga doctor sa puso doon sa US siguradong magagamot ka nila kaya doon muna tayo, saka maghahanap naman ako ng trabaho doon para mabayaran ko yung kaibigan ko" pag sisinungaling ko

Pag tapos kong ayusin ang gamit ni mama agad na akong lumabas ng kwarto, maliit lang bahay namin kaya nagkakarinigan kami ni mama kahit nasa kusina siya

Paglabas ko nakahanda na yung pag kain ko, agad na akong naupo para kumain

"Naka usap ko yung tita mo sa US excited na daw siyang makapunta tayo doon" masayang sabi ni mama

"Ganon po ba" walang gana kong tanong

"Anak may problema kaba?" Tanong ni mama

"W-wala po, pagod lang ako sa trabaho"

"Sige ma uwi narin muna ako aayusin ko pa gamit ko"

"Sigurado ka wala kang problema? Mag sabi ka lang kapag meron, nalulungkot akong nakikita kang ganyan" sabi ni mama

Lumapit ako sakanya at yinakap"okay lang ako ma, malakas tong anak niyo noh" ngumiti ako sa harap niya pero may luhang pumatak mula sa mata ko

"Bakit umiiyak ka?"

"Wala ma, masaya lang ako kasi magagamot kana, gagaling kana" sabi ko sakanya habang marami ng luha ang dumadaloy sa pisngi ko

Lumabas na ako ng bahay para umalis.
"Ingat ka anak"

"Opo"

Agad na akong umalis para makauwi.
Pag dating ko sa condo lalo akong lumuha hindi alam ni mam ana suhol lang yung pera, hindi niya alam na nagsisinungaling ako, kaya naman hindi ko sinabi dahil magagalit siya, kapag sinabi ko sakanya hindi siya papayag na magpagamot dahil galing nga naman sa suhol ang pera na gagamitin.

Kailangan niya ng ma operahan dahil lalong lumalaki ang butas sa puso niya, kapag hindi pa siya na operahan baka ikamatay niya na.

Hindi ko na naayos ang mga damit ko dahil umiiyak lang ako sa kama ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod at sa dami ng iniisip.

-------------------
Yan muna 30k reads na tayo. THANK YOUUUU












PERFECT SECRETARY (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon